KORYAN · Kwentong Pusa · Mismei Events

AUGUST EVENTSSS

Ano ba meron sa August at andaming events? Di ako nakapunta sa RK Red Carpet Premier kahapon eh.. naisip ko un last week pero sabi ko nga wag na lang. natakot kase ko baka maraming tao en everything.. saka di ko naman kilala si Takeru. ibig ko sabihin.. parang.. dahil lang kay kenshin kaya ko sya nakilala. parang ganun. so hindi ko sya masyadong gusto.. si kenshin ang gusto ko. pero magaling sya pramis! super amazed ako sa portrayal niya ng kenshin 🙂 ayun lang di ko sya masyadong mahal kagaya ni GD na mage-effort ako at gagastos. although wala naman gastos sana un kasi pamasahe lang. no regrets pa din ok naman ako. pero ang di ko palalampasin eh ung RK Movie 2!!! grabe super excited na koOoooo!!!!

kenshin-manila-live-blog-20140801_045BBBAF054D4CAA8D7430F2F5590845_zps95a51302
Mamayang gabi naman ung Finch sa Skydome eto ung kinalungkot ko ng sobra nung nakaraan pa… gusto ko kasi pumunta sa Bazooka Rocks 3. kung nakabili ako ng 2-day pass dun e may free pass na rin sana ako sa Finch. kaso wala akong kasama.. hindi naman sya kagaya nung BIGBANG concert na pwedeng ako lang mag-isa kasi may upuan naman. lam mo un? e moshpit un.. rock concert pa. nakakatakot kaya… kung mura lang ang ticket ililibre ko si kyo para lang may kasama ako e. wala din kase kong maayang iba.. si RV hindi pwede. hayyz.

finch_zpsbe26b4a0
hanggang sa tinanggap ko na lang sa sarili ko na hindi ako makakapunta sa Bazooka Rocks at sa show ng Finch. nakakalungkot pero wala akong magawa…….

Tas biglang nabalita may show si Lydia Paek sa Zirkoh waaa!!! 500 ang tix. ayun buy ako agad hehe. keber na kung thursday un 10pm, bulacan pa ko uwi at may pasok pa kinabukasan. bahala na si batman. hindi problema ang kasama kasi may mga friends akong kapwa ko fangirls hehe.. si rheenah nakakasama ko tuwing may event or concert. tapos ung isang girl sasabay daw kasi wala rin sya kasama. ganun kami sa KPOP 🙂 basta parehas ng fandom superfriends na agad!

large_6afe23d2f60aa979a4c1662b4eab2d43516449cc_zpsf565d3b1

few days before ng show nagdalawang isip ako kung pupunta or ibebenta na lang ang ticket. kase nga alanganin at wala kong pera. tapos.. tapos.. tapos… biglang ANDITO DAW SI SANDARA PARK SA PILIPINAS!!!! waaaaa!!!! susuportahan niya ung show ni Lydia huhu… makikita ko sya mamaya sa show waaaaa!!!!!! excited na ko :’D

Advertisements