binge watching · Kwentong Pusa · Movie trip

RAKENROL

astig!! feeling ko lang kelangan ko magsulat ng anything tungkol sa movie na to bago ko sya makalimutan. sayang naman ung awesomeness nya kung lilipas lang sa isip ko.

ayun. nung may nagbanggit saken tungkol sa movie naisip ko parang familiar sya.. di ko masyado maalala. pero ayun ata ung papanuorin namin ni gracie dapat dati. pero for some reasons e hindi natuloy. di rin ako sure.. baka dahil marami kaming naudlot nang lakad o baka hindi ako matandain sa title ng movies. o baka dahil nasa call center pa ko nun at lahat e parang panaginip lang. basta ganun.

anyways.. kinonsulta ko nga si Mr. Google at ako ay namangha sa resulta. andaming positive reviews saka sapat na siguro saken ung sinabi nilang “kung fan ka ng OPM, para sayo tong movie na to!” pinoy rock. dekada 90’s. wow. tapos quark henares film. may touch pa ni diego castillo. na-curious ako lalo.

kinabukasan buti naalala kong i-download sya. before lunch meron na kong kopya. syempre excited AKO sabi ko sa sarili ko titingnan ko lang ung simulang part. para lang alam ko ung “feels” amp. OPM nga. tapos.. tapos.. SHOOTING STAR!!!! shoot. ayun. wala na. para saken nga tong movie na to!

shooting star. sobrang memorable para saken tong kantang to ng The Teeth. naalala ko si RV eh.. ung bestfriend ko. favorite nya kasi un.. tapos feeling ko naging favorite ko na din. basta ganun. grabe ung impluwensiya nya saken eh. pinahiram pa nya saken ung casette tape nya ng “I Was A Teenage Tree” at sobrang naenjoy ko naman. favorite din namin ung “Darating” na theme song nya sa crush nya nung mga panahong un.

asan na ba ko. Ayun. MGA BANDA. syempre si RV tooters ulit. at ung banda nila nung high school. GENX. na naging NERV. nakita ko sila si hapipaks… mga noob! nakakamis.. ganung ganun sila nung nagsisimula. pagita-gitara lang.. pero sobrang fan ako nila. pa-cover cover lang sa parokya ni edgar. eraserheads at kung anu-anong banda. hanggang sa nakagawa na sila ng sariling kanta. sobrang talented kaya nung mga un… hay. sana lang talaga nakapunta ako kahit isa sa mga gig nila that time.

ano pa ba.. EMO. haha! sabi ko na alam ko ung kantang un eh.. naging theme song ko din un minsan sa buhay ko. “FORGET” ng typecast. ung parang nainlab ka.. tapos gusto mo na sya kalimutan kasi sobrang sakit na. pero wala ka magawa kasi kahit anong gawin mo sya pa rin talaga ang gusto mong isipin. kahit masakit. aww. “i’m here waiting for you… to break my heart.. again…” wakoko.

uhm. SI YAGIT. ang dugyot nya at ang weird pero ewan ko.. gusto ko sya! na-appreciate ko ung art nya (pwera lang dun sa tae ha) astig!!!! grabe din tawa ko sa exhibit nya. ART. yeah!!!

SAGUIJO. di pa ko nakapunta dun pero lagi ako iniimbita ni calix dati. ewan ko.. siguro dahil sa trabaho ko at pakshit na schedule kaya di ako nakakapunta. sayang.. sayang. hayy.

JACCI ROCHA. swabe!!! ang galing ni diether. sobrang nakakatawa sya.. astig!!! nung may something na sila ni Glaiza parang naalala ko ung “NANA” na japanese movie. parang ganun ung story eh. pinagkaiba lang totoong rock star material ung nasa NANA. pinagkaparehas.. parehas silang asshole!

Si RAMON BAUTISTA. grabe.. galing nya umarte! dami kong tawa amp. ang cute cute nya!!!!

at syempre si ELY BUENDIA. putik. ang puso ko. parang bigla akong hindi makahinga nung nakita ko sya waaaa!!! ndi lang sya basta cameo na napadaan lang ha. may dialogue sya!!!! omg. astig. nagsalita sya bilang si ely buendia. waa!!! ang gwapo gwapo nya huhu.. nakakaiyak. bat ba sya andun. hay.

ung MUSIC. ang ganda nung kanta… basta. ang galing.

bale parang 1 week na simula nung napanuod ko sya kaya ayan na lang ung naaalala ko.. feeling ko may mga nakalimutan pa ko pero basta. nagustuhan ko sya. gusto ko si ketchup eusebio at alwyn uytingco. si jason abalos parang may kulang pero naisip ko.. eh.. ganun ung role nya kaya siguro ganun. para din sigurong si Koyuki sa Beck. baka ganun nga talaga dapat. si glaiza.. ok naman. parang may kulang. o baka masyado siyang maganda para sa role haha. ewan ko. mejo hindi ko din gusto ung ending pero wala naman ako maisip na mas magandang ending kaya ok na din siguro. basta. kahit may mga ganun akong chorva gusto ko pa din naman sya. astig. haha. rakenrol!

8019935_orig

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s