Mismei Events

Kwentong Komiket Launch

Sobrang saya ko kahapon sa Komiket. sobrang saya, hanggang ngayon di pa ko maka-get over haha! nakita ko lang ung event na un sa timeline ko. pupunta daw si manix. shet. si manix. pupunta. waaa! ni-like ko ung page at inalam ang detalye. ayun. sa Centris lang pala. April 5 daw. ang problema ko lang naman wala akong kasama pero naisip ko ok lang naman kahit ako lang.

so ayun nga. galing pa ko sa tagaytay. direcho akong Centris. dumating ako dun 4pm. andaming komiks. andaming artists. andaming fans. pero ung mata ko parang walang nakikita. isa lang hanap ko…. SI MANIX! ikot ako ng ikot. hanggang sa… PAK! ayun sya. nanlamig ako nung nakita ko si Manix waaa!!! huli ko syang nakita Komikon 2009 pa sa Megamall. grabe.. sobrang saya ko. di ko maalis ung paningin ko sa kanya sana walang nakapansin saken nakakahiya ang weird ko siguro tingnan.

11119363_10153129286876900_241322530_n

dating ga11106467_10153129368306900_124782945_nwi. bumili ako ng komiks tapos pila para magpa-autograph. konti lang naman ang tao sa booth nya mga pangatlo ako. ang lapit lapit nya.. di ko mapigilan mag-selfie habang nasa likod sya nagpipirma. habang nakapila sinulat ko ung pangalan ko sa phone ko tapos sa isip ko nagpapraktis ako ng sasabihin. gusto ko mag-selfie waaa!!! ang gusto ko lang naman magse-selfie ako tapos titingin sya sa camera habang nagpipirma sa book ko. ganun lang. iniisip ko baka hindi pwede kasi wala naman ibang nagseselfie sa kanya pero nilakasan ko na ang loob ko. nung turn ko na sobrang kabado ako waaa!! di ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob pero nasabi ko nga! “sir, pwede po mag-selfie?” sabay akmang itataas ung phone ko para kasali sya. tapos. tapos. WAAAAAA!!!!!! OMG. pano ba to. nag-smile sya tapos sabi nya, gusto ko daw ba dun na lang ako. as in sa tabi nya. WAAAA!!!!! buti hindi ako hinimatay, pakiramdam ko iniwan na ko ng kaluluwa ko eh. ayun. sobrang nahihiya ako pero ano pa nga ba.. minsan lang un! lumapit naman ako. tumayo siya tapos tumabi saken. WAAAAA!!!!!! asan ang hangin bat di ako makahinga!? OMG OMG OMG. asan ako? anong pangalan ko? WAAAAA!!!!! may selfie ako with MANIX ABRERA. huhu. parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya. parang di ako makapagsalita pero buti nakapagpasalamat naman ako. hayyyy. hanggang ngaun habang nagta-type ang saya saya ko. na-feel ko na naman ung naramdaman ko kahapon. shucks!!! para kong tanga dito nakangiti mag-isa nyahahahaha.

4:35 PM un. 5:30 pa ang talk nya. sya lang naman ang gusto ko makita pero mukha naman akong tanga kung tatambay sa booth nya kaya naglibot libot na rin ako. sayang wala masyadong merch. last komikon nakabili ako ng cat ears na headband at bag na pusa. at kung ano-ano pa. wala din anime merch. puro komiks lang talaga at artwork. sabagay.. komiket kasi un at hindi komikon.

11139503_10153129126986900_1834404809_n

uhm. nakabili ako ng komiks ni Kat at nag-selfie kasama sya kahit di ko sya kilala. tapos napadaan ako sa booth ng Kubori Kikiam. alam ko lang ung komiks na un dahil kay RV pero di ko alam kung tungkol san sya. pinichuran ko lang ung author kasi ipapakita ko sana kay RV tapos napatingin ako sa mga komiks.. 100 each! hmm. murang mura. tapos ang ganda ng print. binili ko na. gusto ko din sana ng Kikiam Shirt at mag-selfie kasama si Mr. Michael David kaso nahiya na ako. bumili din ako ng kung anu-anong post card. wala.. wala ko mabili eh. wala kase kong pera haha! lumabas din ako para mag-withdraw sana kaso sablay ung ATM. ayun. pinagkasya ko ung 500 pambili ng kung anu-ano. buti na rin siguro na wala ako dalang pera kase kung hindi baka andami kong nabili na kung anik anik lang.

10306931_10153129379686900_1606088141_nAng tagal ng 5:30 napapagod na ko kakaikot. tumambay ako sa labas at nag-FB FB kahit pa lowbat ng ang phone at wifi. BAM! nagpost ung KOMIKET page. andun daw si Ricky Lee. di ko din alam ang mukha nya. kilala ko lang sya dahil sa book na “Para kay B” na kahit matagal ng nalimbag e recently ko lang nabili at nabasa. naging instant fan din ako.. kaya bumalik ako sa loob at hinanap sya. waaa! ayun. di naman sya superstar na pinagkakaguluhan. nakita ko lang sya namimili ng komiks. SOBRANG DAMI nyang nabili. ung eco bag napuno nya ng komiks! grabe, sobrang swerte nung mga komikero dun. isipin mo.. ung gawa mo, mababasa ni RICKY LEE! pano kung magustuhan nya at gawing pelikula. wow! o kaya mag-email sya sayo at mag-critic wow! o kaya magsulat sya somewhere tungkol sa komiks mo wow! Ricky Lee un!!!! nilapitan ko sya at nagpa-picture ako nyahaha!!!! ang bait nya… magse-selfie lang din sana ako pero parang nahirapan sya para saken so nakiusap sya sa kasama nya para pichuran kame. yay! INAKBAYAN pa nya ko. waaaa nakakatuwa sya sobrang bait. sabi ko sayang di ko dala book ko… nag-smile lang sya at nagpasalamat ako. ang saya saya 😀

hanggang sa 5:30 na. Inabangan ko si Manix… ung ibang author nagbabasa lang ng excerpt ng komiks nila. so akala ko ganun din ang gagawin ni Manix. pero hinde. mas exciting!!! mamimigay daw sya ng komiks!!!! lapitan ung mga tao malapit sa “stage” hindi naman karamihan ung andun pero so far sya ung pinakamaraming “audience” haha. unang tanong.. Ano daw real name ni Heart Evangelista. meron na kong komiks pero gusto ko sumagot.. kaso nahiya ako waha. Second tanong… pangalan nung bidang babae sa Fault in Our Stars. alam ko un pero di ko maalala. tapos sa Fifty Shades of Grey, ano daw tawag sa Room kung san nagaganap ang kababalaghan. RED ROOM! RED ROOM! gusto ko sumagot pero nahiya talaga ako haha. sayang ung set ng SILENT KOMIKS WAAAA!!!!!!

tapos ung huling tanong. isang set ulit ng Silent Komiks at Karimlan komiks ang prize. wow! sabi ko sasagot na ko.. sasagot ako kahit ano mangyari! ang lapit ko lang e. ako kaya nasa unahan. ang tangkad ko pa. ako ung unang mapapansin pag nagtaas ako ng kamay! tapos. tapos.. eto na ung tanong. WAAAA!!!! sino sino daw ung 5 members ng 1 DIRECTION!? damn! seryoso???? halos walang makasagot e haha. nagtatawanan kami lahat dun kasi wala kaming alam dun!!!!! shet. pero may nakasagot. same girl na sumagot nung tungkol kay Heart. hayyy.. daya. kainis!

akala ko ayun na lang un. pero nagsalita pa sya. inspirational chorva lang. na sobrang tumatak saken haha. ang galing! parang iba pag galing sa kanya. kaya salamat. nakakainspire!!!! ang saya….. sarap ng feeling haha. ewan.

tapos nagpaalam na sya. magdidilim na. umuwi na din ako. yun lang 🙂

EPILOGUE

may epilogue pala!!! pag-uwi ko sa bahay binuklat ko ung mga komiks na nabili ko. SHET. ung KUBORI KIKIAM. amp. PUTIK!!!!! RV!? wala kong nasabi kundi “putik ka RV!!!! walangya ka ano ba tong pinagbabasa mo!?” ahahaha… na-culture shock ako!!!! di naman sa nagpapaka-conservative ako or what. open naman ako sa mga ganung topic pero nagulat lang ako siguro. NAKAKAGULAT!!!! sobra. may ganung klaseng komiks pala!? ahaha… pero binasa ko pa din syempre. natawa ako. at humanga kay Michael David. pambihira. parang bigla akong nahiya ahaha.. pero ok lang naman. hayy!

11139722_10153129127111900_2141894875_n11127455_10153129126036900_91737700_n

sa susunod na komikon bibili na din ako ulit ng Kubori Kikiam Komiks at magpapa-autograph sa kanya at magse-selfie kami at bibili din ako ng kikiam shirt! harhar! buti na lang wala sa circle of friends ko ang nakakaalam ng tungkol sa Kubori Kikiam kaya ok lang na isuot ko un at makita nila!

Napaisip din pala ko. ang weird ko. bat nga ba mag-isa akong pumunta sa komiket?? hmm.. ayun. wala nga akong kasama… minsan iniisip ko baka mali ang circle of friends ko o nasa mali akong circle of friends. ang weird. bale tatlo lang ang kakilala kong mahilig sa komiks. ung isa, deds na. ung isa busy sa girlfriend at ung isa naman hindi ko kilala in person. blogger lang din na “friend” ko for.. teka.. 10 years!? waaa! 10 years na nga. pero di ko pa sya nakita in person so hindi ko naiisip na aayain ko sya pumunta sa komikon or whatever. di kami ganun ka-close eh. hmm.. may isa pala akong kakilala na pwede ko ayain at siguradong sasama kahit di sya mahilig sa komiks. pero.. wala lang. kaya ko naman pumunta mag-isa 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s