KORYAN · Mismei Events

BIGBANG [MADE] IN MANILA 2015

Sooobrang inabangan ko to!!! waaaa!!!

bagong fan pa lang ako nung una nilang concert nung October 2012. So bukod sa purita ako, wala din ako masyadong urge para makita sila ng malapitan. Upper Box lang tickets ko nun. Pwede na nga sakin yung Gen Ad kaso natakot ako makipagsapalaran sa pila at tumayo sa concert… basta gusto ko lang manuod tapos yung siguradong may mauupuan ako. kaya ayun.. pinakamura na yung Upper Box B sa halagang Php 3,700! first time ko din nun manuod ng concert at super naenjoy ko naman.

So eto na nga. After 3 years… nagbalik nga sila! mejo busy ako sa ibang bagay at nawalan pa ko ng internet sa bahay kaya di na ko masyado nakakanuod ng vids nila at feeling ko hindi na ako masyadong fan.. tahimik na rin ako sa social media at di nakikisali sa group discussions. pero yung love mo andun pa din eh. tapos tuwing makikita ko si GD.. anything about him.. waaa!! nababaliw pa din ako. so nagpramis ako sa sarili ko. sabi ko pag bumalik sila grabe.. magvi-VIP talaga ko! tas na-experience ko pa yung VIP sa 2NE1 AON concert grabe sobrang intense! super close encounter ang saya-saya… lalo na ung soundcheck. sabi ko sana may ganun din akong chance sa BIGBANG. kase mas VIP ako kesa BlackJack eh. ultimate bias ko si GD!

kaya nung sinabi may concert sila ulit.. OMG!!! desidido na ko mag-VIP sabi ko gusto ko yung standing kasi nung sa 2NE1, VIP skyseat ako tas super inggit ako sa mga standing kasi super lapit nila. JULY 30 ang concert, MAY 30 ang ticket selling.. bday ko! bday ko! syempre busy ako nun tas mejo tight ang budget. gustuhin ko man bumili agad ng tix, June 2 na ko nakabili! meron din sanang package for soundcheck at send off kaso hindi ko kaya… almost 20k na grabe sobrang hindi na praktikal. pinilit ko na nga lang ung VIP Standing Tix ko eh (Php 13,250) happy na din ako kahit walang soundcheck sabi ko baka mag-team airport na lang ako or team hotel para makapag-stalk para more chance of seeing them upclose. hayy nababaliw na ata ako. pero masaya naman so okay lang kahit mahal.

naka-leave ako araw ng concert kaya tanghali pa lang nasa MOA na ko. ako lang mag-isa! wala ako concert buddies… si Joanne at Reenah na inaasahan ko makasama e hindi nakabili ng tix. mejo sad pero okay lang.. maaga pa rin ako pumunta kasi ung mga first week buyers daw may special queue. ayun.. tanghali ako andun pero pang-500 na daw ako sabi sa band na binigay saken. atlis madali na lang sa pila mamaya.. gumala gala muna ko sa MOA.. daming VIPs!! nainggit ako kase grupo grupo sila.. ako mag-isa lang. hay. pero ok lang talaga. napadaan ako sa EO at naisipan magpagawa ng eyeglasses. nawala kasi glasses ko the week before and di ako komportable mag contacts kase feeling ko maiiyak ako or something haha. so kahit super tight ang budget e bumili ako ng eyeglasses syempre yung mura lang, tig-800 haha! after 1 hour pa daw pwede kunin so kumain muna ko.. gusto ko ng KFC fries and crushers kaso bawal ako sa chicken kaya bumili ako ng Burger Steak meal sa Jollibee at dinala ko sya sa KFC kung saan umorder din ako ng Upgraded Burger Meal. dami ko tuloy food waha! syempre kelangan busog.. di ako pwede maubusan ng energy! tinago ko din ung burger sa bag para may food ako sa concert pag nagutom. secret lang.. mahal kasi sa loob ng MOA Arena! tinago ko sya sa beanie ko at nilagay sa ilalim ng bag haha! 2:30 binalikan ko yung eyeglasses sa EO, ang saya saya ko kase ang linaw na ng paningin ko waaa!!! super ready na ko makita si GD ko!!!

5pm pa start ng pila pero pumunta na ko sa Arena para makiusyoso.. daming tao.. mejo feeling lost ako kasi nga wala ko kasama hanggang makita ko ung mga tao nakapila dun sa harap ng exit sa parking area. tinanong ko ung isang girl kung anong pila un. sabi nya wala lang daw, nag-aabang lang sila baka may makitang crew or ung BB baka dun dumaan. tapos tinanong nya ko kung may kasama ako, nung sinabi kong wala.. sama na lang daw ako sa kanila!!! haha! bale lima sila sa group dun lang daw sila nagkakila-kilala nung araw na un puro sila walang kasama. nakakatuwa diba hehe! ganun kami sa VIP Fandom. tapos tanungan ng bias en everything. tas takbo kami ng takbo kung san san kasi may namimigay ng banners at kung anu-anong freebies. nakakuha ako ng GD, Taeyang at TOP banners :))

abang ulit kami sa parking area, nakita namin ung mga negrong crew.. sa band daw un e di ko sila kilala pero nakakatuwa kasi todo video sila at picture sa aming mga fans. overwhelmed din siguro sila sa energy namin.

mejo nakakangalay tumayo.. malapit na mag-5 kaya inaya ko na sila pumunta sa pila namin, nakakatuwa kasi lahat kami VIP Dance ang tickets, hindi kami magkakasunod pero magkakalapit naman ung number kaya parang magkakasama na din kami. mejo organized naman yung pila.. kaso ang tagal pa rin mag-antay. mainit en everything pero masaya kasi nga kasama mo ung mga kapwa fans na hindi mo kilala pero nagko-connect kayo haha ang weird. basta ganun.

Almost 7pm na nung nakapasok ako sa MOA Arena.. grabe!!! sooooobrang lapit ko sa stage!!!! pwede pa pumili ng pwesto kung gusto ko ba dun sa main stage o sa second stage sa gilid o sa gitna. kasi nga nauna kame.. syempre dun kami sa unahan! iniisip ko kung san ba madalas si GD ahhh!!! ma-right ba syan o ma-left. hayy sayang di ako masyado nakanuod ng mga concert fancams eh, pero dun na ko nag-settle sa harap ng stage bandang left.

Habang nag-aantay sa concert pinapalabas lang mga Music Videos nila. ang saya saya din hehe.. kase kahit napanuod mo na un iba pa rin kapag kasama mo ung mga kapwa mo VIPs na tumitili. may ka-share ka ng feels kumbaga. basta masayaaaa! kinakausap ko na din ung iba kong kasama dun, malapit kami sa harap pero may mga mas nasa unahan so nagbubulungan kame.. pag nag-start daw ung con aabante kami sa harap waha!! nagpa-bluetooth din ako nung Blue MADE wallpaper

tas eto na.. grabe… ni hindi ko na maalala kung ano yung first song nila, basta sobrang saya kung nakita ko sila waaa!!! GD!!! sobrang lapit nya sakin! kitang kita ko sya! nasa harapan ko lang waaaa!!! para syang demigod! sooobrang gwapo! ganun naman sya sa vids pero iba pa rin pag makita mo ng ganun kalapit grabe.. hirap explain super starstruck ako! nakatitig lang ako sa kanya… di ako makapaniwalang nasa harap ko sya. si TOP sobrang gwapo. si Taeyang he seem super nice and sincere. si Daesung taas ng energy parang ang saya saya nya! si Seungri nakuuu feel na feel! para syang bata ang cute cute nya. Si GD.. ahh! super class! ibang level talaga. ang gwapo nya napapamura ako sa isip ko as in!

tas hindi lang yon.. sobrang saya ko na kasi di ko inexpect na ganun kalapit ung view ko.. tas biglang nagmove ung bridge ng main stage at second stage waaaa!!! nakakaloka! nasa ibabaw ko na sila shet! ang lapit na nga sobrang lumapit pa grabe…. tas palakad lakad lang sila sa moving ramp andun lahat sila… ni hindi ko na alam kung kanino ifo-focus ung cam kasi lahat sila malapit sa ken waaaa!!!! ang gulo gulo tuloy ng fancam ko!!!! nakakabaliw. pinapanuod mo lang sila nag aayos ng buhok.. patingin tingin sa fans.. naghe-hello. pasayaw sayaw. off cam. SURREAL!!!

sabi ko ayoko masyado mag-VID kasi sigurado merong iba na mas maganda ang kuha kesa sa phone ko susulitin ko na lang ung pwesto ko dun na kitang kita ko sila. pero di ko talaga mapigilan.. andun lang si GD sa harap ko sobrang lapit parang gusto ko ma-capture bawat moment. hayyy. ewan ko ba. natupad din naman ung isa kong mission.. video ng isang buong song na GD focused! mejo magulo pero ayus na. basta GD focused! harhar! most of my vids talaga puro GD. marami din ung kila TOP, Daesung, YB at Seungri kasi lagi din sila nasa harap ko! parang sayang ung moment.. basta ganun.. dapat pichuran ko sila or o-vid. hay…

parang wala na ko masyado maalala sa concert itself. haha! basta.. lagi ako nakatingin kay GD grabe.. para kong mababaliw waha! ewan ko ba. tuwang tuwa ako kahit habang nagsasalita ung ibang members or kumakanta tas sya nagaantay ng turn nya nakatayo lang sa isang tabi.. di ko maalis pangingin ko sa kanya haha. kahit anong gawin nya lahat na lang cute!!! hayyy

hanggang sa natapos ung concert… HIGH pa din ako! palabas ako ng Arena saka ko lang naramdaman ung pagod.. masakit na pala ung binti ko. e pano… may 10 hours din ata akong nakatayo waha! tas di ko alam pano uuwi.. di ko lam asan ung sakayan. ahhh… super late na pero naghanap ako ng mauupuan saglit makapahinga man lang binti ko kahit 2 minutes. naupo ako sa hagdan sa labas ng Arena.. tas biglang. uhm… basta. parang gusto ko maiyak hehe. ang saya. thank youuuu~

habang nasa byahe at hanggang pag-uwi syempre di pa din ako mapakali. pinapanuod ko ung mga fancams ko haha adik lang! tas pinipilit ko mag-upload ng vids at pics. hayyy ang saya-saya! 1am na ko nakauwi at kahit sobrang pagod e di ako makatulog.. kaso may lakad pa ko ulit the next day so kelangan ko talaga matulog kahit pano, edi natulog ako mga 5am. shuckssss di pa din ako makapaniwala. totoo bang nakita ko sila?

ang saya-saya ko. sulit lahat ng pagod at gastos. salamat sa nag-organize ng concert at sa BIGBANG.. kay GD. thank youuuu~

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s