Kwentong Pusa

MGA BAGAY NA DI KO NA MULING GAGAWIN PLESSS

Baka lang makalimutan ko. So eto na nga.

UNA. MAGBYAHE FROM NORTH TO SOUTH VIA MRT DURING MORNING RUSH HOUR.

Ayoko na po. Hinding hindi na. Naka-FX naman ako from Francisco Homes to Quezon Ave nung madaling araw kaya mejo okay pa byahe nun.

Akala ko madali na lang sa MRT kasi first station yun at ang aga-aga pa. Andun ako ng 6:30 AM pero wow! Haba ng pila agad. Di ko yata kayang i-describe.. Basta. Nasa 2nd floor yung MRT pero nasa ground floor yung dulo ng pila. In fairness organized kami at mukhang sanay na sanay yung mga kasabay ko (tawagin natin silang MRT warriors). kalmado lang sila en everything kaya siguro ayos na din. Pero dahil di ako regular na nage-MRT siyempre wala akong card. Another pila homaygad. At nung sa wakas nakabili ako ng single journey card, tuwang tuwa na ko ulit kasi akala ko okay na, sabay biglang ang haba na naman ng pila. Gaaaaahd.

Ang gagaling ng mga MRT warriors na yun talaga, super pro makipagsiksikan sa MRT. Ako naman.. Pangatlong train pa nasakyan ko. Hardcore din eh! Yung tila ba nakikipagromansahan na ako sa pinto ng MRT — nakadikit yung dibdib ko sa kanya habang nakataas ang mga braso ko ng bahagya, hawak ang bag. Pag halimbawa nasira sya habang umaandar at biglang bumuka ako yung una nyang iluluwa at titilapon sa EDSA.

So habang bukas-sara sya kada station, naisip ko sisiksik na lang ako sa bandang gitna.. Malayo sa pinto. Tutal dulo pa naman ako. Sulit siguro yung byahe ko kasi hanggang TAFT ako. Literal na North to South. Dulo-dulo okay. Nakaupo pa nga ako bandang Magallanes e.

Pagdating ko ng TAFT sumakay naman ako ng jeep pa-MOA at bumaba sa Toyota-Jollibee. Nag-abang ng FX pa-SUCAT at nagpababa sa Evacom (basta evah-com okay). Syempre katabi ako lagi ni manong driver. Pagdating sa Evacom kelangan ko daw mag-tricycle.. feeling haggard kasi di na ko sanay ng ganun katagal sa kalsada.

Dalawang trike pa papunta sa destination ko at pagod na pagod na ko kakatingin ng landmark at kakahahilap sa mga sakayan. Ni hindi ko makita yung sinasabi nyang tricycle terminal. So ayun, nag-taxi ako. Malapit na lang yun sa woodridge so feeling ko hindi na pwede magkunwari yung driver na hindi nya alam yung place. Hayy. Nakarating naman ako sa pupuntahan ko. Inabot ng 4 hours yung buong byahe ko. 4 hours. Wow.

Hindi pa dun nagtatapos ang lahat. uhm. please lealey mae, ito ung mga hindi mo na gagawin ulit okay.

PANGALAWA. MAG-BUS SA EDSA FROM SOUTH TO NORTH NG GABI.

Ayoko na magkwento. Basta 5 PM kami umalis ng Las Pinas at 10 PM nakarating ng Bulacan.

Advertisements

One thought on “MGA BAGAY NA DI KO NA MULING GAGAWIN PLESSS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s