binge watching · Kwentong Pusa

MOVIE DATE WITH GIRLFRIENDSSS

Pinanuod ko nga pala yung “Etiquette for Mistresses” uhm.. wala lang. di ko naman masyadong bet yung movie pero gusto ko lang maki-bonding-bonding sa mga superfriends kong girls. kung sino-sino pa inaya ko kase akala ko nga gusto nila yun. basta gusto ko lang lumabas.

tapos ayun. walang gustong sumama lol. either hindi pinayagan ng jowa or sila mismo ayaw nga. bad daw. basta mga ganun. tapos biglang isang araw inaya ako nung isa kong friend. syempre.. kaladkarin. sama naman agad. lima kaming girls nanuod. tawa lang kami ng tawa. actually yun lang naman yung habol ko. gusto ko lang tumawa with superfriends haha.

saka eto pinipilit ko “mag-blog” ulit at dumaldal. mejo hindi ko gusto ung mga pinopost ko pero umaasa ako na unti-unti eh baka bumalik yung dati kong feeeels sa pagsusulat waha. whatever. ewan ko. saka gusto ko lang makwento para di ako tulala. para kunwari may kausap ako. ganern. basta. siguro nga paganto ganto na lang ako muna. pansamantala. anywayssss. ayun nga. nanuod kame at nagtawanan. pano ko ba ikukwento. hrrrgh.

ang pinakanakakatawa siguro e yung eksenang nagsa-shopping sila ng bag. HERMES. pang-mayaman e. tapos sinasabi nga ni Claudine kay Kim Chiu ang kahalagahan ng bag. hindi pwede yung basta bag lang. kasi nga “ikaw” daw yun. bag ang nagrerepresent sa babae. sabi nya “YOU ARE YOUR BAG” tapos natawa ako! e pano… lunch bag ang dala ko nun wahahaha!!! galing ako opis okay.. i mean. galing ako sa sleepover party the night before. backpack ang dala ko. tapos pumasok na sa trabaho kinaumagahan at nung hapon direcho sa sinehan. edi iniwan ko nga sa office yung backpack ko na may maruruming damit. tas ang dinala ko e yung lunch bag para lang may malagyan ako ng wallet, phone at kikay kit. grabe talaga.. tawa kami ng tawa kasi pinakita ko pa sa kanila ung bag ko. malay ko ba may ganung eksena dun, dinala ko sana ung fake kong lacoste di naman halata! haha.

tapos nung nasa sasakyan na kami pauwi syempre nagkukwentuhan kami ulit.

FRIEND 1: daming artista sa movie na yon noh

FRIEND 2: oo nga, si piolo pascual..

FRIEND 1: oo. tapos si Aiko nga wala naman ginawa e nakipagkamay lang sa taumbayan

AKO: tapos andun din yung ano. yung tiyuhin ni Juday? sa mara clara

WAAAAHAHAHA!!! Tawa sila. Mara Clara talaga ang reference!? fresh na fresh! lol.

TUNGKOL SA MOVIE. uhm. okay naman.. ang ganda ni Claudine. ang galing ni Iza Calzado at Kris. Cute si Kim Chiu. and super funny si chyna crab. tama ba spell. basta ganun. pero parang di naman makatotohanan… lalo na yung kay Kris. makikipag-break ba yun sa partner nya!? feeling ko yung kabet, forever kabet maliban na lang kung bibitawan sya nung guy kagaya nung nangyari kay Claudine.. pinagpalit sya sa bagong kabet. eh si KRIS? perfect mistress nga sya eh. di sya bibitawan ni Freddie Webb. hangga’t di sya binibitawan ni Freddie Webb di un aalis. wala lang. lel.

eto nga pala yung mahiwaga kong bag. toink.

bag

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s