Kwentong Pusa

STUFFTOY

Kaladkarin daw ako?

Uhm. Sige na nga, mejo true! Ako yung tipo na pag inaya mo gora agad.

Sine? Sige lang, kahit anong palabas kahit last full show gora ako jan.

Foodtrip? Aba syempre! Kahit san pa yan. Kahit ano trip mong kainin sasama ako.

Rock concert? Game na game! Kahit pamorningan pa yan at may pasok ako kinabukasan.

Videoke? Oo din ang sagot ko kahit di ako kumakanta!

Swimming? Sige ba! Kahit di ako marunong lumangoy.

Inuman? Sige lang kahit isang bote lang ng san mig light e lasing na ko!

Church? Yes. Kahit ano pa relihiyon mo di kita tatanggihan.

Charity work? Community service? Yes. Why not, coconut!

Out of town trip? Beach? Bundok? Yes na yes! Gorabels ako anytime.

Simpleng chill? Kape kape? Window shopping? No problemo, kahit saang mall mo gusto!

House party? Birthday? Binyag? Kasal? Di ako mawawala.

Pag tinanggihan kita malamang may lakad na ko nun. hindi dahil sa tinatamad ako o mas gusto ko lang manuod ng tv at mag-CoC. o baka amoy breezy ka haha.

Madalas pa nga ako ang nag-aaya at taga-plano.

Bakit nga? Di ko din alam. Pero nagsimula to nung nawala si Calix. Parang gusto ko na lagi lumabas.. Makibonding sa friends at family. Magmoment-moment. Ganyan. Ayoko na nung dahil sa work e mawawalan ako ng social life. dun ko rin na-realize na yung friends mo pwedeng mawala na lang bigla. Madeds. wala na forever ng ganun ganun na lang. o kaya ikaw mismo.. di natin masabi.

Sobrang nalungkot ako nung nawala si Calix. di ko matanggap. mas iniyakan ko pa yun kesa nung namatay ung lola ko. Tapos sising sisi ako.. Grabe yung panghihinayang ko. Na sana mas nagkasama pa kami. Sana mas nagkausap kami.. Pero wala kong time. sa kanya at sa iba kong friends at mga kamag-anak.

Parehas kami panggabi nun kaya minsan nakakasabay ko sya sa jeep o sa bus. Nakakausap ko sya.. Tapos madalas nya ko ayain sa gig nila, sana daw makanuod ako. Hindi yun ung simpleng aya lang na “oi punta ka ha. May gig kami this weekend” basta. Isa si calix sa pinaka-sincere na taong nakilala ko. Inaya nya ko kasi gusto nyang makita ko yung mundong ginagalawan nya. Gusto nya i-share yung musika nila.

Minsan magtetext pa yan.. Tinatanong nya ko kung hindi daw ba ako busy. Kung pwede daw ba nya ko puntahan sa bahay. Mga ganun.. Alam ko gusto nya ng kausap. Ang dami nya gustong sabihin. Ewan ko naman kung bat ako laging hindi pwede. Busy kasi sa trabaho.. Uuwi lang ng bahay para matulog tapos pagkagising nagmamadali ng pumasok ulit sa trabaho. Pag off naman tulog lang ng tulog. Wala kong time. Gagawin ko tatawagan ko si Kyo. Sinasabihan ko sya na puntahan si Calix.

Pero napansin ko kay Calix kaladkarin din sya. Pag may biglaang get together lagi din syang present e. Nung minsang nag invite ako sa bahay isang new year.. Sobrang devastated ako nun. gano ka-devastated? madaling araw after uminom natulog sila sa bahay. tapos ako lumabas pa. nag-“angst ride” sa motor. single. nakaangkas ako sa likod tapos iyak ako ng iyak. sobrang sakit sa dibdib kahit wala kong dibdib. halo-halong emosyon. sa sobrang galit siguro, maya-maya sumisigaw na ko. nagmura nga din ata ako nun e di ko na maalala.

“ANG SAKIT SAKIT!!!”

paulit-ulit. paulit-ulit. malakas! kala mo equivalent ng lakas ng sigaw yung amount ng pain na mawawala e. buti sana kung ganun. mas lalakasan ko pa para tanggal agad ang sakit.

nasa highway kami nun at may nakakasalubong kaming mga sasakyan. nawiwirduhan na ata yung mga tao saken pero wala kong pakialam. sumisigaw ako habang humahagulgol. oo, parang eksena sa pelikula! ganern! nauna pa ko sa that thing called tadhana at just the way you are!

di rin ako makapaniwala pero may ganung eksena nga ako sa buhay ko haha. Wala rin nakakaalam nun maliban kay kyo.

bat ko ba nabanggit. uhmm. nasa ganung estado ako nung kausap ko si calix. ay teka, naidlip naman ako nun saglit tas pagkagising ko gising na din sya. kami lang magkausap maghapon. literal na maghapon.. mula umaga hanggang gabi! kain lang pahinga tapos puro rant na ko ulit. di ko na rin maalala kung ano pinagsasabi ko nun at panong nonstop ako nagsasalita maghapon. di ko na rin maalala anong sinabi nya. basta ang topic namin yung tungkol sa pinagdaraanan ko. yung problema ko. angst ko. bitterness ko. lahat na. ako lang. problema ko lang. Grabe.. Ang weird! Kung di ko siguro sya kausap nun nabaliw na ko mag-isa. ayun na siguro pinakamahaba kong conversation sa tao. at feeling ko din si calix lang ang magtyatyaga sakin ng ganun.

so bat ko nga nabanggit. Ang haba ng kwento ko haha. ewan ko. naisip ko lang si calix. siguro gusto kong magpasalamat. O baka gusto ko i-justify yung pagiging kaladkarin ko. lol. ayun nga. naisip ko si calix. Lagi ko naman sya naiisip. Lagi ko pa din hinihiling na sana makita ko sya sa panaginip ko.

happy birthday calix. Miss na kita. Lagi lagi. Sobra.

999_orig

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s