Kwentong Pusa

SAYAW, MAEMAE, SAYAW!

kung kilala mo ako alam mo dapat na hindi ako sumasayaw at hinding hindi mo ako mapapakembot kahit lasing. at di rin ako nalalasing. ok. haha!

ayoko nung haharap ako sa maraming tao tapos makikita nila kong kumakanta, tumutula o sumasayaw. o kahit ano lang ginagawa ko. ayoko ng tinitingnan ako.

naiilang ako kahit pag magpapa-picture ng solo. pag nagpa-picture ako sayo ibig sabihin komportable ako sayo.

ewan ko. basta nahihiya ako. ayoko ng pinapansin ako. mukha lang makapal face ko kasi madaldal ako pero ang totoo nyan mahiyain talaga ko. lalo na at alam kong wala naman akong talent na maipapakita.

so eto na nga. christmas party namin next week at kinailangan ko sumali sa grupong sasayaw. wala akong magawa, bawal tumanggi eh.

ngayon tuloy namomroblema sila sakin kasi hindi ako magalaw, wala daw akong energy. pinipilit ko sumabay at seryoso naman ako sa pagmemorize ng steps. ayoko lang talaga ng masyadong gumagalaw. sobrang awkward sa pakiramdam e hindi ko kaya. todo todo na yon.. yung mapatayo nila ako dun sobra na para sakin. hindi na ako yun. nung unang araw namin takot na takot ako. pero buti ngayon naeenjoy ko na sya.. ganun lang. ayoko pa rin sumayaw haha. credits na lang siguro kay kembelar dahil magaling sya magturo at sa mga kasama ko kasi very supportive din sa isa’t isa.

kelan ba ko huling sumayaw? bukod sa random zumba sessions na hindi ko rin nasasabayan lol. uhm.. sa sykes? xmas party din pero nakalimutan ko na talaga ginawa namin nun. saglit lang naman din at sure ako walang nakapansin saken. wala rin vids at pics buti na lang.

meron din sa susana mart at nung college sa PE Class pero di ko na rin maalala anong ginawa namin. siguro sinadya kong kalimutan kasi ayoko na talaga sya maisip waha.

dancer din ako sa school nung elementary. as in member ako ng official dance troupe ng school. aww! sumasali kami sa samu’t saring dance contest at nagpeperform sa school tuwing may event. ayun na lang din ang naaalala ko. choir member nga rin pala ako at tumutugtog ng lyre.

di ko alam bat di ako natutong sumayaw e taon taon kami sumasayaw sa school pag may field demonstration. unfair lang. bat may mga taong kagaya ko na walang talent. baket?! hayy.

di ko pa rin alam pano sasayaw sa xmas party. siguro hindi na lang ako magko-contact lens. ah! gets ko na. kaya pala ako nakakasayaw sa praktis kasi hindi ko suot ung salamin ko waha. di ko nakikita kung may tumitingin saken! kasi kung nakikita ko silang nakatingin saken maninigas talaga ko dun. seryoso! kaya pala sobrang nadidistract ako pag may nagbabanggit ng pangalan ko. dun ko lang kasi naiisip na may nakatingin saken.

ah! okay. bulag mode ako next week haha! go maemae!

**** UPDATE ****

Eto na yung resulta ng ilang araw naming pagpa-praktis!

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s