Kwentong Pusa

LATE

Ang sama ng loob ko.. naiwan na naman ako ng service huhu. pagkagising ko 5am na. amp. 5:30 dumadaan ung service sa RC. mag-iinit pa ko ng tubig at magpa-plantsa ng damit. di na ko aabot.. tinext ko na si ate ritz para sabihing di ako sasabay.

quarter to 6 paakyat pa lang ng Phase M. hayy.. nagbakasakaling may maabutan pa ko ibang service. pero wala.. wala na. dumaan si sir kabayo kaso di ako hinintuan. baka puno na. o ayaw nya lang. teka.. may karatula pang “Crame” eh. ibig sabihin may space pa. grabe sya. tsk.

ang ending nag-FX ako pa-Quezon Ave. para lang komportable at mas mabilis kesa mag-bus. dapat Philcoa pa lang bababa na ko at dun magta-taxi. kaso naman.. buo ang pera ko! problema ko pa sa taxi pag 500 ang pinambayad ko. 50 lang barya ko okay.. at ibinayad ko na sa FX! nakita ko na din un kagabi nung nag-aayos ako ng gamit. pero naisip ko nga okay lang kasi sakto 50 pambayad sa service. kaso ngaun.. waley! napilitan akong dumirecho ng Quezon ave para mag-Mcdo at makapagpabarya ng pera. ayon.. bumili ako ng hamdesal meal at nag-taxi. mejo mahirap din sumakay ng taxi dun kasi ayaw nila sa Crame.. either dahil trafik o dahil wala silang lisensya o dahil basta ayaw lang nila. kelangan kasi mag-iwan ng lisensya sa gate ng crame pagpapasok ung taxi. pero nakasakay naman ako. inabot ng 120 ung bill pero tigfi-fifty ang pera ko at nahiya na ko humingi ng sukli. ayon.. 150 binayad ko. umabot naman ako.. 8am nasa office na ko.

ang gastos ko grabe. naka-293 pesos ako agad ngaung umaga?! kung nakasabay ako sa service Php 50 lang sana. grabe diba? tapos direcho sana ang byahe ko. hay..

bat ba ko hirap bumangon sa umaga? hrrrgh. 4:30 ung alarm ko. snooze hanggang 5am. pero ewan ko bat nga hindi ako bumabangon hanggang 5am tas magmamadali. tsk. ang alam ko maaga rin naman ako nakatulog kagabi. pinanuod ko the book thief at silip-silip ng hannah montana. natapos ako 9:30 tapos nagbasa-basa na lang ng book. so bale siguro mga past 10 ako nakatulog.. maaga pa yun ha. hirap pa nga ko makatulog kase natatakot ako. mag-isa lang kase ko sa bahay tas may kumakaluskos sa bubong tas wala kong katabi.. wala si dadan. pero ayun nga. nakatulog naman ako. hrrgh. kelangan ko ulit siguro mag-sleeping pills.

pero in fairness di naman ako masyadong haggard. walang bus sa kalsada wow?! tas di rin masyado mainit nung nagaabang ako ng taxi sa q.ave. okay na din pala. dati kasi super haggard ang byahe ko pag ganun. hmm.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s