Kwentong Pusa

RICE COOKER

bumili nga pala ako ng rice cooker. uhm. wala lang. parang natatawa ako sa sarili ko.. ang weird. tas last week bumili ako ng plantsa at a week before that bumili naman ako ng whistling kettle. parang kada punta ko ng starmall napapabili ako ng gamit sa bahay. ganern.

ang weird. pero nakakatuwa naman.. feeling grown-up na ako (wow! hello, 30 years old ka na po) tapos at the same time nakakalungkot. kasi nga feeling grown up na ko haha. nanay dapat ang nag-aasikaso ng mga gantong bagay diba. bat ako!? pero okay lang naman. tas mas nakakalungkot pa pala kasi 30 na ko tapos ako lang mag-isa ang bumibili. parang nung bumili ako ng rice cooker.. tinanong ako kung pang-ilang tao ba daw. sabi ko dalawa. akala siguro nung salesman may asawa na ako or something. pero para sa amin yun ni lolit. 30 na ako tapos nanay ko ang kasama ko sa bahay at wala pa akong anak. walang sariling pamilya?! wew.

naalala ko nung bago pa lang ako sa trabaho.. bale 28 ako nun. tapos nung time na yun na-realize ko din na wala akong sariling gamit sa bahay. uhm.. pano ba. syempre may bahay ako. ung bahay ni papa ko. tapos nung 6 ako kinasal yung uncle ko at sa bahay namin sila nakatira ng asawa nya. kasalan. may mga regalong appliances at kung anu-anong gamit sa bahay. mga 9 ako ung isa ko namang tita ang kinasal. OFW sila pareho nung napangasawa nya kaya hindi sila nakatira sa amin pero nagpa-extend kami sa likod bahay, para may matuluyan sila sa tuwing uuwi ng pilipinas. ung mga regalo sa kasal nila nasa bahay din namin. nung 11 ako lumipat na ng tirahan ung tito ko at ung asawa nya.. malapit lang naman sa amin. kariton nga lang ang gamit panglipat bahay e.

tas nitong mga 28 na nga ako.. parang naghahanda na ung isang tita ko na magstay sa pinas for good at lumipat dun sa sarili nilang bahay. naghakot na sila ng mga gamit.. TV.. sofa.. electric fan, etc. tapos na-realize ko.. wala pala akong sariling gamit!? kung walang bagong kasal walang appliances sa bahay namin?!

may joke pa ako nun sa mga ka-opisina ko. sabi ko pag kinasal ako nakatoka na ung ireregalo nila sa ken. ung isa washing machine, ung isa microwave oven, tapos regrigerator, kusina showcase, etc. joke joke ko lang un.

tapos nung bumili ako ng rice cooker.. wow. di na ko nakaantay ng kasalan? haha.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s