Kwentong Pusa

Yikes

late na naman ako kanina. uhm. hindi pala.. 7:56am ako dumating ng office okay. pero naiwan ako ng service. nag-taxi lang ako ulit from Q.ave.

hayys.. nakakahiya kila ate josie. wala lang.. baka iniisip nila napaka-iresponsible kong tao, walang disiplina. ganoin. nagpupuyat tapos hindi gumigising ng maaga for work blah blah blah.

pero ang totoo nyan, maaga ko nagising kanina. 4:30am! tapos. ano ba nangyari. wala naman. nag-init ng tubig at naligo tapos di ko malaman anong susuotin. ang luwag na kasi ng pants ko di ko alam kung pumayat ako or what. tapos ung mga damit kong pang-opis hindi naman naplantsa. nakailang palit pa ko ng damit tapos plantsa. tapos palit. hrrrgh. 5:30 na nagbibihis pa din ako. nagtext na si ate rits.. ayon. nagpaiwan na nga ako. lumabas ako ng bahay quarter to 6. wala ng service non kaya fx na nga lang to MRT q.ave.

tas kagabi may weird pang nangyari. uhm. weird kase.. nanaginip ako. and hindi naman ako masyadong nanaginip. o baka di ko natatandaan. basta. kagabi.. nanuod pa ko ilamg episodes ng Oh My Venus tapos mga 10 ata un or 10:30 natulog na ko. nagising ako dahil sa napanaginipan ko. pagtingin ko sa orasan.. 11pm. shucks. wala pang 1 hour akong tulog.

so ano nga yung napanaginipan ko? nakakatakot! nagising akong takot na takot. andun daw ako sa kwarto ni lolit natutulog tapos naalimpungatan ako kase parang may tao sa kusina. edi sumilip ako.. pagtingin ko parang may lalaking maskulado. silhouette lang. malaking mama. grabe ang nerbiyos ko. hawak ko phone ko tas parang naglalakad sya ng mabagal papalapit saken. dahan dahan din ako palabas ng bahay. tapos nung hawak ko na yung pinto tumatakbo na sya hinahabol ako di ako makasigaw parang wala akong boses pero sobrang takot na takot ako tapos nagising na ko. INTENSE!!

actually ayun ung lagi ko naiisip.. i mean, wala kase ko kasama sa bahay madalas. tapos nakakatakot matulog aa gabi. alone. nakakapraning minsan.. konting kaluskos sa bubong feeling ko may tao. mga ganun. katakot kaya.. so ayun. praning lang ako. tas siguro kasi i feel so alone. wala na si dadan wala ko katabi matulog. tas wala akong kausap man lang or katext. nakakapraning lang na ang tahimik ng paligid ko. di ako nagsa soundtrip kahit gusto ko. kasi pano nga kung may something diba. ni hindi ko napakiramdaman. ewan.

ano na ba nangyayari saken. hay. after pala non parang ang tagal bago ako nakatulog ulit. kasi pinapakinggan ko ung likod bahay namin saka bubong. lagi na lang ako ganun. hayys.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s