Kwentong Pusa

BLUE

Nakita ko na sya! WAAAA!!!!

Okay. Ganto kasi yon. Mga 3 or 4 years ago ata un, nag-celebrate kami ng birthday ni noemi. ininvite nya lang ako.. pati ibang call center frennies. nakalimutan ko na pangalan ng bar basta sa pasig un tas overlooking.. basta ganun.

hindi pa ko marunong uminom nung mga panahong un. kahit san mig light di ko kaya.. di pa uso san mig apple nun. so ang pinainom nya saken, ung squeeze me! ang cute ng lalagyan nya parang inuman ng tubig ng hamster tapos ii-squeeze mo sya para lumabas ung frozen chorva. di ko rin alam anong halo nun basta may alak tapos parang shake. ang sarap matamis. mejo nakarami ako. dalawang flavor un blue at red. blue ung marami kong nainom. di rin naman ako masyadong nalasing.

tapos kinaumagahan.. boom! super amazed ako sa poop ko nyahaha!! ang cute cute nya, kulay BLUE!!!!!

simula non lagi ko na syang hinahanap sa mga bar. pero dun lang pala sa bar na un merong “squeeze me” hayy. nakakafrustrate.

ilang taon ang lumipas. natuto na ko uminom ng beer. san mig apple lang okay. konting empi lights. tequila. cocktails. pero sya pa rin ung hanap ko. hanggang sa… boom!

teka. pano ba nangyari. haha.

last week pa ko naghahanap ng mudshake pero wala kong makita. nahihirapan kase ko matulog sa gabi. gusto ko lang sana ng pampaantok kso ayoko naman ng beer nagpapaliit ako ng tiyan e. nage effort ako. okay.

so ayun. mudshake ang hanap ko. matamis masarap pero may tama. siguro naman aantukin na ko don. pero waley. tumingin ako sa 7-11, sa mercury. hay. tapos nitong sabado napadpad ako ng starmall, nag-puregold ako. yey! meron mudshake!! bumili ako dalawa hehe. pero pang weekdays ko un.. so naghanap ako ng iba pang maiinom for that saturday night. nakita ko ung vodka cruiser! ang cute kulay blue. meron din red pero mas bet ko blue. tas vodka.. siguro kaya ko un.muntik ko na rin kunin ung rum pero i opted for the vodka na nga lang.

pagdating sa bahay ininom ko na sya habang nanunuod ng how to get away with murder. parang ayoko sya kasi parang carbonated.. mala-tanduay ice. pero tyinaga ko na kasi masarap naman at nafi feel ko ung tama nya na sakto lang. ung hindi nakakalasing pero kung pipikit ako makakatulog na ko agad. KUNG. KUNG pumikit ako. e hinde! nag adik ako kakanuod hahahha. napuyat din ako at madaling araw na natulog.

kinaumagahan… boom! shocked ako sa poop ko kulay green waaaa!!! anyare?! inisip ko kung ano kinain ko the night before e wala naman.. lays chips lang. tas… tas… tas yung vodka cruiser!!!!!! waaaa!!!! ung alak na matamis na nakakapula ng pisngi na nakakakulay ng poop nakita ko na!!!! waaa!! ang saya saya ko hahahah.

lagi na ko bibili ng vodka cruiser 🙂

teka. blue ung ininom ko ah bat green ang lumabas haha. di bale. di ko na maalala iba kong kinain e. ita try ko na lang ulit. kung magiging blue. tas ung red naman. ahihi :))

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s