emote · Kwentong Pusa

Hanging out with Ahjummas be like..

Birthday treat ni ate manet, nag-breakfast kami sa Little Quiapo! Lahat kasi sila nagki-crave sa Goto with tokwa’t baboy pero ayoko ng karne so plain lugaw lang sakin with egg.

Habang kumakain, pinatugtog yung Love yourself ni Justin Bieber.

Ate rits: anong title nga nyan, li mae?
Ako: love yourself po
Ate rits: ah, pinapatugtog yan ng anak ko e. Sino nga kumanta?
Ako: si justin bieber po..

Sa kabilang dulo naman ng table..

Ahjumma1: grabe yung concert ni madonna singkwenta mil ang ticket. Sino naman manunuod nun?
Ahjumma2: ay oo nga. Yung artistang bakla pinag-ipunan daw nya yun para makanuod sya.
Ahjumma3: sabihin mo nang hindi ka makanuod kung wala kang 100 thousand. Syempre may kasama ka pa. Alangan naman mag-isa ka lang.
Ahjumma1: Parang yung grupo dati, ano nga yun? Nagsipila sila sa ticket. Yung mga bata kahit daw hindi na mag-debut basta makanuod ng concert. Mga nabaliw na.

1D. One Direction po yun.. Pero di ko sinabi kasi di naman ako tinatanong saka di ako sure kung kilala nga nila yun.

Araw-araw ko din sila kasabay sa service at ang topics namin? Hmm..

1. Yung latest happenings sa paborito nilang telenobela nung nakaraang gabi
2. Current events courtesy of TV Patrol and The Buzz
3. Laundry, cooking, general housekeeping tips and secret technics
4. Anecdotes tungkol sa anak nila, asawa, biyenan, manugang, kapitbahay, kasambahay, boss, katrabaho, dating katrabaho, etc.
5. Mga kabataan ngayon versus kabataan nila. From PDA na magjowa (hello, Maria Clara!) to foodtrips (kape lang halos 200 na??) to underwear (hail, granny panties!) to anything under the sun.
6. Mga karamdaman sa katawan.
7. Saan banda sa palengke may fresh meat, gulay at isda.
8. Saan magandang maggupit ng hair at kung saan maganda magpalinis ng kuko.
9. Buhay nanay. From pagbubuntis to panganganak (Oh, puhleeazzze!!) to raising a child.
10. Kagandang dulot ng Senior Citizen’s card

At kung anu-ano pa.

Ok lang naman din.. Marami ako natututunan sa kanila lalo na sa mga housekeeping chorva at how to get along with your future mother-in-law. And how to be a good mom and wife. Hmm.

Kaso kakapakinig ko sa usapan nila lalo ko naman nakikita yung flaws ni lolit bilang ina. Grabeee! Bukod sa kasipagan nya maglinis ng bahay at pagiging nagger (ayon din sa kanila, madalas sila manermon sa mga tao sa bahay) wala na siyang pagkakatulad sa mga ahjumma superfriends ko! Sablay sya magluto. Sablay maglaba. Sablay lahat. Lakwatsera. Waley talaga!

Di ko rin alam kung kaya ko na magpamilya. Ayon sa mga kwento nila parang kaugali ko lang yung mga anak nila e. Syempre andun pa rin ako sa category na “kabataan” waha! Pero natutuwa sila saken kasi may trabaho nga ako at independent. Super wish din nila mag-asawa na ako. Hayy. Yung isa nga dun pala nag-attempt pa na ireto ako. As in binigay nya number ko tapos may nagtetext saken ganun.. Di ko lang bet. Nahiya ako e. Ayoko ng ganun.. Gusto ko kung maglalandi ako yung sarili ko lang. I mean.. Basta. Ganun.

31 na ko sa MAY pero di ko pa rin alam san ako patungo and being surrounded by these ahjumma superfriends is not helping! Errr. Ano na nga gagawin ko sa buhay ko?!

image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s