Kwentong Pusa

Asim check

image

Okayyy. Feeling ko naaamoy na ng buong universe ang pagiging single ko. Hallelujah!!!

And actually, galing din ako sa galaan kahapon. Umatend ako nung event ng iVolunteer sa Galleria. Basta. Mga charity chorvanels. Sinuportahan ko lang si dadi bien. Tas kasama ko si lizzie at aja.

Eto nga pala yung kwento. Syempre maraming tao.. Tas may mga foreigner. Ung isa napadaan sa harap namin at nginitian ko lang. Normal lang naman. Syempre kahit di mo kilala pwede naman ngumiti diba. Maya maya anjan na sya ulit tapos chinika chika kami. Nakakatuwa sya actually, mejo maingay lang kaya ang hirap makipag usap tapos english pa. Naisip ko madali lang pala makipagkaibigan. Ganun lang.. Pa smile smile ka lang tapos may kakausap na sayo.

After nun punta naman kami sa metrowalk. Kasama na namin sina rachel at ate lyn tas maya maya dumating na rin yung jowa jowaan ni lizzie. Nagkukwentuhan lang kami tas may lumapit na guy sa table namin. May nagpapatanong daw ng name ko at nung jowa ni lizzie. Wow? Edi syempre super windang ako. Hindi naman ako chix. Hindi talaga ako yung tipo na.. Basta. Hindi. Hindi talaga. May mga ganun na kong experience pero super bihira kaya hindi talaga ko sanay. At super nahihiya ako!!! Waaa. E bago pa dumating si koya may pinag uusapan nga kame. Yun tungkol sa mga dati naming kaopisina at kung anu anong kiyeme. Tas pag may nakakahiya daw na pangyayari sa buhay mo at may nagtanong ng name mo, ayung name na un ang ibigay mo. Kunwari napahiya ka sa restaurant, sabihin mo ikaw si yani. O sya. Nag name drop na ko. Di ko rin alam ung kwento basta ganun, may something funny.

So eto na nga si koya. Ano daw name ko. Edi sabi ko “yani” tapos nagbago isip ko sabi ko nooo. Hindi yani. Mei. Mei po name ko. Tas ung reaction nila lizzie… Wahahaa! Okayy mali na sinabi ko ung name ko. Edi binawi ko ulit. Yani. Yani po. Yani mei. Lol. Umalis na si koya.

Tawanan sila. Bat ko daw sinabi ung name ko.

Ako: e kala ko ba pag nakakahiya lang, sasabihin mo yani name mo. Nakakahiya ba un?!

Sila: oo!! Nakakahiya yung pagmumukha ni koya!!!

Wahaha. Di ko talaga nakita face ni koya. Madilim e saka di ko suot salamin ko wala rin akong contacts. Nasa dulo ako ng table at nasa kabilang dulo sya. Pambihira.

Pero flattered talaga ako. Syempre joke joke lang un. Baka nga napagtripan lang sya or whatever. Pero nakakaflatter nga. Ang KSP ko kaya these days!!!

Tas naisip ko ulit wow. Madali lang pala makipagfrenny. Tatambay ka lang with girlfriends tas may makikipagkilala na. haha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s