Mismei Eats

Ice Cream kind of day!

7PM na at andito pa din ako sa ospital. Na dapat sana e nasa bahay na ko at nanunuod ng kung ano mang movie or korean drama. Hayyys. Buti na lang may load wifi ko! Nakakalaro ako ng basketball sa FB Messenger at Clash Royale nyahehe.

Tas na-bore. Wala na ko magawa. Walang makausap. Tas nakita ko yung pinost kong pic kanina sa instagram. Ayun. Magkukwento na lang ako tungkol sa ice cream! Yey!

Haba ng intro lol.

Anywayzz. Galing nga kami sa Carousel Creamery kanina. Wala lang. Ice Cream daw eh! Eto na verdict.

Ana’s Bailey’s

Masarap! Lasang bailey’s! Achieved yung “parang alak effect” pero syempre walang tama. Php 85 per scoop.

Mei’s Rum Raisin

Masaraaap! Lasang alak din lol. Tapos may raisins syempre. Saka ice cream nga pala sya. Anong klaseng review ba to? Basta ganun. Tas habang tumatagal parang di na sya lasang alak. Tas nung pauwi na nga pala kami lasang rum yung dighay ko waha!

Shiela’s Triple Scoop

Masarap yung s’mores tapos ung dark chocolate super thick, sya ung pinakakakaiba yung texture. Nalimutan ko yung isang flavor basta masarap din. Saka parang mas sulit yung ganun, Php 200 lang tatlong flavors na. Parang maliit ng konte yung scoop kesa regular order pero ayos naman na din, lalo na kung gusto mo matry ung ibang flavor.

Uhm. Oo. Tinikman namin yung ice cream ng isa’t isa.

Saka may free taste nga din pala don. Aba syempre, 101 flavors! Pano ka makakapili?! Tuturo ka lang ng bet mo tikman and bibigyan ka nila sa maliit na spoon. Unlimited ata yun, pero syempre nakakahiya naman tikman lahat. Saka panigurado may mapipili ka agad. Ewan ko kung taste buds ko lang o masarap lahat ng flavors na natikman ko. Nakaanim din ata ako bago ko pinili yung raisin rum.

Tapos umorder nga rin pala kami ng cheese dogs. Parang mejo pricey for Php 175 pero may kasama naman fries at dressing. Uhm.. Di ko bet. Parang franks yung hotdog eh, yung matigas ang balat tapos super meaty yung lasa. TJ hotdog lang yata ang kilala kong hotdog. Di ko rin bet yung bread matigas e. Yung fries.. Ang lalaki ng fries waaa!

Super nice and super attentive din si ateng crew. Nagre-refill sya ng water pag nakita nyang wala na kaming water. Saka. Saka.. Di sya naubusan ng pasensya sakin kaka free taste! Aww!

Babalik ba kami?

Aba syempre! Ice Cream eh!

image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s