Mismei Travels

Davao Escapade! Yay!

May kwento pala ko tungkol sa Davao Trip ko, lipat ko na lang dito hehe.

Sobrang laki ng Davao and super daming tourist spots. Merong highlands and islands, tapos ung mismong City winner din! Ang problema lang, TIME! Meron lang akong 4 days to spend and gusto ko puntahan lahat. So pano!?

Ayun. Kinailangan ko mamili. haha! Next time na lang yung iba, super mura lang sa Davao pramis! Basta may piso fare kering keri ko balik-balikan yung Davao. Mga tig-5k nagastos namin kasama na airfare (Php 815 Cebu Pac RT) sobrang mas makakamura pa kung mas nagtipid pa kami sa accommodation at mas ginalingan pa namin makipagtawaran sa mga tricycle tour. At kung nagbaon kami ng beer sa Villa Amparo haha! ok lang naman presyong 7 eleven siguro.

DAY 1

After lunch kami nasa Davao at sa Penong’s Gaisano dumirecho para kumain. Sabi sa Itinerary ko pupunta dapat kaming Crocodile Farm, Butterfly House, at Jack’s Ridge. Pero pagka-lunch sa Gaisano nag-check-in na kami sa Hotel Uno at tinamad lumabas haha. Init eh! Habol ko sana ung 4PM Animal Show sa Crocodile Farm kaso malayo pala yun sa hotel namin, di na kami aabot. Edi tinamad na rin kami. Tumambay tambay na lang kami sa People’s Park na walking distance lang from Hotel Uno.

image

Tapos maya-maya pumunta na kaming Jack’s Ridge. Di ko alam kung napagtripan kami nung cab driver pero ang layo ng inikutan namin, nadaanan pa nga namin ung papuntang Crocodile Farm pambihira! kung alam ko lang na makakarating din pala kami dun edi inagahan na sana namin. Anyway, mga mahigit 30-40 minutes din kami sa kalsada at inabot ng 200 yung metro. Amazing diba! Pero ok lang, ayaw namin mabadtrip. so tambay kami ulit sa Jack’s Ridge. Sabi nila maganda raw ang view don lalo na sa gabi. Pagtingin ko sa “view” ayon.. sementeryo! waaa!! Pero ok naman.. overlooking nga. tapos ang lawak ng lugar parang nakaka-relax.

Meron na nga rin pala silang LOVE LOCKS dun šŸ™‚

image

Bumalik na rin kami ng city at dun naghanap ng makakainan. Gusto sana namin ung parang bar, may banda and everything tapos para makainom na rin ng konte. kaso waley!!Ā  parang walang dinner? basta ganun. pang-inuman lang talaga tapos bawal yosi!!! As in SERYOSONG BAWAL YOSI. alam naman namin bawal talaga, pero di namin inexpect na ganun ka-bawal. pati sa BAR!? tas may curfew.

Teka. Hindi ako nagyoyosi ha, yung kasama ko lang. Actually sa Airport pa lang dumidiskarte na sya ng yosi kaso bawal nga daw. Dun na sya sa Gaisano nakapagyosi. PATAGO PA! basta.. ung may maliit na tindahan sa labas ng mall.. andun daw ung mga nagyoyosi tapos para silang mga adik na palinga-linga kasi maya’t maya may umiikot na parang tanod. ang galing lang.. yari daw talaga sila dun pag nahuli. totohanan ung Fine saka Seminar at community service. Di gaya sa Maynila, kunwarian lang! Nakaraos naman sya sa pagyoyosi ng patago.

DINNER. Dun kami nakarating sa Dencia’s. Okay naman yung food and affordable. Tapos walking distance lang ulit from Hotel Uno. Perfect! Bumalik na lang din kami ulit sa Hotel at nagpahinga šŸ™‚

DAY 2

Nanghinayang ako sa Day 1 namin kasi hindi kami nakapunta sa Crocodile Farm dahil lang sa katamaran ko. So ngayon, super determined ako na masunod ung IT ko. Kinakabahan pa ko kasi commute lang kami. Super mahal ng Taxi plesss! e ang lalayo ng pupuntahan namin. todo research talaga ko kung pano mag-commute. Pero in fairness, nakakatuwa mag-commute! Ang sarap ng feeling na para kang “local” basta.. parang totoong part ka ng lugar na yun. Hindi ka mawawala kasi pwede naman magtanong.

First stop: Philippine Eagle Conservation Center

Super layo pero super sulit! Nakaka-starstruck yung mga Eagles grabe! Ang tikas nila tingnan. Kumbaga sa tao, bruskong brusko. macho. pogi! Di ko rin akalaing ganun sila kalaki. First time ko makakita ng malaking ibon na lumilipad. Nakaka-amaze lang.

Kinontrata na nga pala namin si Kuyang Tricycle Driver para sa Tour na yun, kaya paglabas namin sa PECC, tinext na namin si kuya para sunduin kami at ihatid sa next destination.

image

image

Second Stop: Malagos Garden Resort and Orchid Farm

Malapit lang to sa PECC. Farm lang naman din sya pero nakakatuwa mag-picture-picture. Tapos libre pa ung Bird Feeding! Ewan ko ba pero gustung gusto ko mag-bird feeding hehe, nakakakiliti tapos ang cute cute tingnan nung mga ibon.

Meron din silang Ostrich!! Super daming ostrich nakakatuwa! Saka manok, donkey, hamsters at kung anu-ano pang farm animals.

image

Di na rin kami masyado nagtagal sa Malagos, nag-aantay lang si Kuyang Tricycle Driver at mejo gutom na rin kami. Sakto 12 nasa Tricycle Terminal na kami ulit. Nagtanong kami kay kuya kung san maganda kumain.. tinuro naman nya yung carinderia sa malapit. masarap daw ung food don. ita-try sana namin kaso puno ung kainan at mausok. hindi aircon at tanghaling tapat, sobrang init! naglakad-lakad pa kami hanggang sa nakita namin yung Penong’s. Penong’s ulit?! hehe. Tinry namin yung Seafood Platter at DURIAN SHAKE! takot pa kami sa durian shake kasi baka hindi namin bet at masayang lang pera. So isa lang inorder namin.. nung natikman na namin, BAM! ang saraaaap! kaya please, pag napadpad kayo sa Penong’s umorder kayo nung DURIAN SHAKE!

image

Busog na kami at past 1 PM pa lang. Next stop? EDEN NATURE PARK!!!

Siyempre commute ulit. Ang hirap ikwento kasi nakalimutan ko na ung mga sinakyan namin basta from there, dalawang jeep pa. Tapos super habang tricycle ride papuntang EDEN.

Dumating kami 2:30PM sakto lang para sa last trip nung guided shuttle tour nila ng 3PM. tinry ko magpa-book the night before kaso walang nag-reply. buti na lang wala masyadong tao.. nakaabot pa kami. Ok lang naman wag mag-avail nung guided tour pero sayang naman kasi.. andun ka na eh! sobrang laki ng place, hindi kayang lakarin ng ikaw lang.

image

Bale 45 minutes to 1 hr ung tour at may three stops for photo ops. After ng tour may free meal pa sa Cafe. Not bad! Gusto ko din sana pumunta sa Fishing Village kaso sarado na ata nung time na yun kasi hapon na. tapos ayun.. tinamad na naman haha. bumalik na kami ng City.

image

image

Mga 7PM nasa City na kami ulit. sabi sa mapa ko malapit lang sa Hotel Uno ung Aldevinco Shopping Center.. Edi dumaan na din kami! Grabe… super mura ng mga souvenirs! Sarap mag-shopping! Nakabili ako ng Ref magnets, Shawl, Bag at siyempre Davao Shirt!

image

Dinner lang ulit at nagpahinga na sa Hotel. Pagod na pagod ung kasama ko, tulog agad sya eh!

DAY 3

Sabi sa itinerary ko dapat nasa SAMAL ISLAND na kami before lunch. Tapos magdi-Day Tour sa Secdea Resort with Lunch Buffet. Pero ang bagal namin kumilos at naisip pa namin bumalik ng Aldevinco kaya mejo na-late ung alis namin.

image

Okay lang naman din kasi mabilis lang ung byahe papuntang Samal kaso di na ubra ung day tour sa Secdea, tanghali na eh katamad na din parang hindi na sulit yung 1k. Pagdating dun kinontrata na lang namin si kuyang tricycle driver para sa Samal Tour. Matinding haggling skills ang kailangan! So sinabi ko lang ung mga gusto kong puntahan at nung nagkasundo sa presyo, gora!

image

Soooobrang ganda dito! mejo commercialized na rin, may mga Nipa Huts pa. kung may time nga lang kami sana nakaligo pa muna. ang sarap din siguro mag-lunch dun.. nasa tabi ka ng falls tapos kumakain ka ng inihaw na isda at ensaladang mangga. awww! pero ayun nga, nag-picture-picture lang kami.

Entrance Fee: Php 20

image

MONFORT BAT SANCTUARY

Parang di naman ako excited dito pero nung nakita ko ung suuuuuper daming bats, suuuuper naamaze ako! grabe ang dami dami nila!! pati si pinky super amazed, may nakita na rin daw syang Bat Sanctuary sa Palawan pero hindi ganun kadami. guided tour din un.. nagkataon lang din na may nakasabay kaming iba pang turista.

Entrance Fee: Php 100/ head

image

JAPANESE CAVE

under renovation sya nung pumunta kami kaya wala kaming napala.

VILLA AMPARO

Nasa dulo na sya, di ko na din maalala kung pano ko sya nadiscover hehe! Pero okay naman, mura lang accommodation dun and ang ganda ng place! Define Picturesque! Naadik na kami kaka-Panorama!

image

Magti-3PM na kami nakapag-check-in at super gutom na kami. Masarap din yung food nila at nagulat kami sa laki ng servings! extra rice pa more!!!

image

Chillax lang kami sa islet tapos maya-maya naligo na rin.. ang lamig ng tubig!!! ok lang naman din sana kaso ang sakit sa paa.. may matutulis na bato-bato! ano ba yun? korni. wala rin silang “beach” meron pala pero super liit lang. so para syang pool na beach? basta ganun haha. di ko naenjoy ung tubig kaya tumambay na lang kami ulit. tapos pinaorder na kami ng food for Dinner kasi aalis na daw ung cook nila maya-maya. sabi ko sa room na ideliver mga bandang 8PM kaso napasarap tambay namin sa Islet habang kumakain ng Pomelo. dun na rin kami nag-dinner at uminom! nag-videoke rin kami kaso may curfew hanggang 10PM lang daw. Ang saya nung last night namin hehe!

image

CONS:

1. Walang Wifi
2. Walang signal ung TV (as in wala. walang palabas kahit ano!)
3. Walang toiletries
4. Mabato ung “swimming area”

PROS:

1. Picture perfect
2. Nice and friendly Staff
3. Pwede magcharge ng gadget for free! ung sa room kasi iba ung socket. basta. walang bilog.
4. Super affordable
5. Malinis yung room
6. Nung paalis na kami may nag-assisst samin para kumontak ng tricycle driver
7. Masarap yung food and malalaki servings

Babalik ba ko sa Villa Amparo? Uhm.. siguro. tapos lolodan ko na yung pocket wifi ko! kaso hinde.. kaya nga pala ako nag-Samal para makapag-beach! Ita-try ko naman siguro yung Talikud Island tapos Kaputian Beach šŸ™‚

DAY 4

Bumalik kami ng maaga sa City at nag-jeep papuntang Bangkerohan to buy POMELO!! ayun lang kasi bilin ng officemates ko. ayaw na daw nila ng keychains. ang mura din! ung nabili ko Php 500 isang box tapos mga 19 ung laman. meron din mas mura at mas mahal pa. pero ayun na napili ko, sakto lang sa budget tapos masarap naman. may binili akong 3 pcs pa na mumurahin, sabi ko pangkain lang ulit sa byahe. grabe, tuyot!! di ko rin nakain sayang lang.

At dahil may dala akong 1 box ng pomelo, napa-add ako ng baggage pagka-web check in. mura lang din naman, 200 lang šŸ™‚

Tapos nag-taxi na direchong Airport. Goodbye Davao!!

image

ITINERARY:

DAY 1

10:00 ETD Manila
12:00 ETA Davao
13:30 Lunch at Penong’s Gaisano
14:30 Hotel Uno check in/ Rest
16:00 People’s Park
17:00 Jack’s Ridge
19:00 Dinner
21:00 Rest

DAY 2

07:00 Breakfast
10:00 Philippine Eagle Conservation Center
11:00 Malagos Garden Resort and Orchid Farm
12:00 Lunch at Penong’s
14:30 Eden Nature Park
19:00 Aldevinco Shopping Center
20:00 Dinner
21:00 Rest

DAY 3

07:00 Breakfast
09:00 Aldevinco Shopping Center
10:30 Check out
11:00 ETD Davao City
12:00 ETA Samal Island
12:30 Hagimit Falls
13:30 Monfort Bat Sanctuary
14:30 Villa Amparo Check in/ Lunch/ Free time
19:00 Dinner/ Chill
23:00 Lights out

DAY 4

Bangkerohan for Pasalubong Shopping
Back to Manila

There. Ang saya-saya nung Davao Trip namin. babalik ako ulit dun pag may chance šŸ™‚

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s