Mismei Events

Dara-yah!!!

May pinuntahan nga pala kong event last week. Grabeee!!! Ang saya saya!!! Nakita ko si darong waaaa!!!!

image

Bale, pa-event yun ng Penshoppe. Thank you penshoppe! August 2015 nung kunin nila si Dara bilang brand ambassador ng Penshoppe. Grabe, nung araw na yun pa lang, nag-asam na ko ng Meet and Greet! Haha!

image

Nakakatuwa lang. Tas para makakuha ng event pass kelangan syempre mag-shopping sa Penshoppe at maka-atleast Php800 ayon.. Shopping ako! Sa starmall SJDM lang kasi ayun ung malapit samin. Wala naman ako magustuhan.. Gusto ko sana jacket or dress e kaso wala atang stock. Waley! Waley talaga. Walang maganda. Ayun.. Bag na lang kinuha ko, buti naka-sale pa, from 800 eh 400 na lang. Tas mga tsinelas.

image

Grabe nung event, super daming tao! Usapan namin ni Joanne 1pm magkikita pero traffic nga at ang tamad ko sa late na din ako dumating. Pero okay lang kasi mas late pa sya. Amp. Nagulat ako sa haba ng pila! Kakaloka. 5pm pa start ng event at 3pm pa lang pero parang complete attendance na mga Daralings at super ready na!

image

Di na nga ko nakakain kasi direcho na kami sa pila. Nakita ko pa mga superfriends na applers!!! Tapos kasunod namin sa pila ung We Love Dara fansite at naggugupit sila ng banners, ayun.. Tumulong na din kami. Grabe ang sisipag nila!

Eto pala yung pila as of 3PM nung pagkakuha ko ng event pass. Dalawang beses ako pumila okay. Sa pagkuha ng passes. At sa entrance. Hayy.

Sa Skydome yung event tapos ayan, nakarating na kami sa likod ng Annex! Grabe lang diba.

Pero sobrang sulit naman, maliit lang yung skydome eh, kahit san kami mapwesto sigurado kitang kita pa rin namin si Dara. By 4PM nasa loob na kami lahat. Grabee ang saya saya! Namis ko umattend ng mga ganung event. Ang korni lang nung DJ, hindi yata nya alam na pag KPOP fans ang andun e dapat KPOP songs ang pinapatugtog habang nag-aantay. Puro western songs tapos pag 2NE1 songs e japanese version naman. Toink.

Pero iba pa rin talaga yung excitement namin. Lalo na’t knowing e andun lang si Dara at maya maya makikita na namin sya, waaa!!

image

Si Robi Domingo nga pala ang host. Ang cute cute nya din! At naaliw naman kami hehe. Natutuwa kami sa kanya kasi fan din sya ni Dara kahit dati pa, buti na lang talaga at sya ang kinuhang host. Ang galing nya din, in fairness!

image

Kaso di ako nanalo sa raffle huhu. Sabi ni Robi mga 2000 daw kaming nasa Skydome nun. Tapos 100 yung pipiliin for meet and greet at photo op with Dara. Kainis di ako nabunot waaa!! Pero super bait ni dara pinadagdagan nya pa. Additional 50 daw. Kaso di pa din ako nakasali waaa!! Inggit ako..

image

Ang swerte din nung mga nakasali sa games at Q&A portion. Feeling close bigla kay ati! Hayy.

At ang cute cute ni Dara ^_^

Super kilig din kaming mga Applers kasi grabe naman talaga si Robi!!! Bastaaaaa!!! Di ko naman alam kung kagaya lang namin syang mga applers na delusional o may alam talaga sya. Kakaloka!

image

Ang ganda ganda nya huhu nakakaiyak bat ang ganda nya? Bat sobrang perfect nya??

7pm na at nangangalay na ko kakatayo kaya lumabas na din kami ni Joanne. Paglabas namin ng skydome andami pa din tao! Yung mga walang tix at di makapasok. Tapos tuwang tuwa sila pag bumubukas yung pinto kasi nasisilayan nila si Dara sa stage. Kukulit lang nila. Naghiwalay na rin kami ni joanne kasi may date pa sya. Bumili lang ako sa potato corner at umuwi na din. Maya maya umalis na rin pala si Dara. Hmm. Saya lang 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s