Mismei Travels

Hike for PAWS

After mahigit isang taon.. Ngayon lang ako ulit nakaakyat! Waa! Grabe talaga ang kaba ko. Pero super gusto ko i-try ulit kaya naman nilakasan ko na talaga loob ko! Tapos pinilit ko yung sarili ko na wag umatras. Well may mga reasons naman ako talaga.

1. Hike for A Cause

Climb for PAWS! Yung proceeds ng climb namin mapupunta daw sa PAWS. Instant donation!

2. Sea of Clouds

May sea of clouds daw sa Batolusong! What?!

image

3. FALLS!!!

Sobrang winner ang climb pag may sidetrip na dagat or falls!

4. I’ll be with superfriends!

Kasama ko si gracie at Drake. Tas first time umakyat nina Aja at Lizzie. Parang dati dream ko lang na may makasamang frenny sa bundok e. Gusto ko kasi maexperience din nila. Basta ganun. Kaya excited ako! Tapos super wish ako na sana nga magustuhan nila at mag enjoy din sila.

5. Tanay, Rizal lang yun!

Super lapit lang. Di ako haggard masyado sa byahe.

So ayun nga. Sa Jollibee Farmers ang meeting place, 3AM ang call time at late ako ng 20 minutes. Pero naman! 6AM na kami nakaalis!!! Nagkaproblema daw sa van! Buti na lang di kami nabadtrip. Good vibes kami lahat e. Ayun ung masaya kasama sa trip.. Yung mga cool lang na tao. Nakakalungkot lang kasi wala na kami maaabutang sea of clouds!

image

Walang trapik kaya mabilis lang din ang byahe. Kaso nga lang mataas na din ang araw, aabutin kami ng tanghali sa trail!

One year na ko di umaakyat at wala rin akong exercise. Feeling ko talaga bibigay yung katawan ko e pero kinaya ko naman.

image

Mabato.. At maraming assault! Tas super init nakakaiyak! Lagi nga kaming huli nila lizzie e pero ok lang kasi di naman kami iniiwan ni ateng guide.

After 3 hours nakarating din kami sa Mapatag Plateau. From there, may option kami na umakyat sa Rangyas Peak (Another 30-45 mins Assault!) or dumirecho sa Kay-ibon Falls. Tirik na ang araw at tinatantiya ko yung mga binti ko. Feeling ko kaya ko naman kaso ayoko lang talaga haha! Kaya ayun. Sabi ko mga sa Falls na lang kami. Mejo dyahe kasi out of 21 hikers lima lang pala kaming hindi magsa-summit. Ako, si lizzie at Aja, at yung dalawang magjowa. Di rin kakayanin nina Lizzie at Aja kaya mabuti na rin yun na hindi kami tumuloy. So naiwan ulit samin ung isang guide at nagpaiwan na rin yung isa sa mga organizers at may sumamang isa pang girl.

image

After mga 30 minutes siguro yun, nasa Falls na kami! Andami namang tao! Tas mainit pa wala kami mapwestuhan. Pero 11 na nun at gutom na kami so tyaga tyaga.. Kinain namin yung baon naming Jollibee chicken at tumambay sa falls habang inaantay yung mga nag-summit. Parang mga 2hrs pa ang lumipas bago sila dumating. Mainit daw e. Tas nag-lunch na rin sila.

Wala rin masyadong naligo samin sa falls.. Kami nga natulog lang sa kubo. E pano.. Wala naman palang banlawan. Meron lang bihisan tas haba ng pila. Deadma na kung mangamoy kami sa sasakyan waha. Sori na!

image

Mga 3PM umalis na rin kami. 15 minutes lang na lakaran nasa highway na kami at andun yung van. Hayyy sarap! Aircon!!!! By 5PM nasa Cubao na kami at naghiwa-hiwalay na ng landas.

In fairness hindi naman sumakit yung katawan ko! Akala ko magmimistulang first climb yun e. Ayos na din.

Thank you pala sa Itinerary.PH at sa iba ko pang nakasama sa climb. Ang saya saya! šŸ™‚

image

Pero mas masaya siguro sana kung overnight. Hihi šŸ™‚

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s