emote · Kwentong Pusa

KRISIS, HAPI BIRTHDAY PLANS AND PAG-IBIG CHRONICLES

Goodbye, Quarter-life Crisis!
Hello, Mid-Life Crisis!

Magti-31 na ko!!!! Grabee di ako makapaniwala, totoong totoo na, ang tanda ko na! haha! Nung teenager ako ang tingin ko sa mga taong edad 30 pataas parang super adult na eh. Ngayon.. parang hindi naman pala? bat parang hindi ako feeling adult? bukod sa mga expenses at responsibilities na pang-adult e parang hindi naman ako feeling adult talaga.

Ewan ko. Siguro dahil single pa rin ako hehe. Ayon sa nakararami at dikta ng society eh dapat sa gantong edad may asawa na ako at dalawang anak. Pero sorry, society! wala nga e diba? pero hindi naman ibig sabihin siguro e depektibo akong nilalang. kanya-kanyang trip lang yan pless!

Ayun lang siguro nakakapagpa-bother saken. Okay naman ako sa edad ko at sa nangyayari sa buhay ko. Proud pa nga ako na 31 na ko eh (tas ang cute cute ko pa din lol) Feeling ko talaga okay naman ako.. Kaso naiirita ako minsan sa paulit-ulit na sinasabi ng mga tao. mag-asawa na daw ako.. mag-anak na daw ako. expired na daw yung bahay-bata ko. nilulumot na raw yung chorva ko. Ano ba tingin nila saken? ayun lang ba ang silbi ko bilang babae? ayun lang ba ang makapagpapaligaya saken? e pano kung iba ang gusto ko mangyari sa buhay ko?

O baka naman kaya hindi ko naiisip yun e dahil wala naman akong boyfriend. or wala pa ako nakikitang lalaki na tila gusto kong makasama habambuhay. Hindi ko rin alam yung pakiramdam na gusto mong magka-anak sa lalaking yon. nararamdaman ba yun pag sobra kang inlove? hindi ko alam. hindi ko talaga alam.

Pero na-feel ko na yung parang gusto ko siyang alagaan hihi. ganun lang. ayun na siguro yung pinaka-intense na feeling na na-experience ko. Gusto ko siya ipaglaba at ipagplantsa kahit di ako nagpaplantsa ng sarili kong damit. Gusto ko siya ipagluto at pagsilbihan kahit wala akong gusto gawin sa buhay ko kundi humilata maghapon magdamag. ayun na ung pinaka-romantic na feeling na meron ako sa tanang buhay ko. romantic ba yun?! ni hindi ko alam kung anong tawag dun. Pero higit pa don.. wala na. may higit pa ba don?! ako nga ayun lang ang gusto ko. kung may makaka-feel ng ganun sakin, wow! heaven! uhm. gusto ko nga rin pala hawakan yung pisngi nya. at sumandal sa dibdib nya. yiki!

Ang cheesy na masyado. asan na nga ba ako? ayun, 31 na ko!!! pero pang-PBB teens ang issue ko, ang weird diba! haha! anywayzzz. wala naman ako masyadong plano sa buhay ko. sa ngayon ang naiisip ko lang e mag-travel. marami naman akong naka-line up na gala hanggang next year. saka hindi yun drowing ha.. naka-book na ung mga lipad ko! super proud talaga ako sa sarili ko woohoo!! tapos gusto ko rin siguro ituloy yung munting business ko. sana talaga sipagin na ako.. kelangan ko magpayaman eh. ang saklap naman ng buhay ko kung wala na nga akong lovelife tapos wala pa akong pera. sana talaga wag na ko tamarin. hayy. pano maging masipag!?

Hindi ko rin alam kung pano makikipag-date ulit. nahihiwagaan talaga ako sa ibang babae na nagkakajowa na lang bigla. naiisip ko parang.. wow? san kaya nila napupulot yung mga lalaking un? pano ba un, text text lang, chat sa fb tapos kayo na? di ako mahilig makipag-usap eh. so pano nga? tss. hindi ko nga rin pala alam kung gusto ko nga talaga ng boyfriend. kasi parang ayoko din e. ewan ko. magulo nga ako siguro talaga. o baka gusto ko lang ng kasama. nakakapagod na mag-isa. kagaya nyan, gusto ko panuorin yung “The Jungle Book” na movie kaso di ko mapanuod kasi wala akong maaya. #sadlifenuh

Bale dalawa lang pala problema ko sa buhay. lovelife at pera. lol. atlis ayun lang. ok na siguro ako.

Meron pa palang isa. Super stuck na ko dito sa opisina! totoo ung sinabi ko nung nag-resign ako sa call center. sabi ko magre-retire na ko kasi napasok na ako dito haha, para kong retired na e. nagwowork na lang ng wala lang, para may pera lang. pero chill chill na lang. tapos sa ngayon dahil 31 na ko, wala na kong choice kundi mag-stay dito forever! wala na ko mapapasukan na ibang trabaho e. requirement lagi sa mga kumpanya ages 21-30 lang lol! you who invented age limit, soul be damned! why you people like dis!?

Tsk. okay pa din siguro ako. wala pa naman ako naiisip na ibang career.

Bilang celebration nga pala sa Happy Birthday ko, plano ko magpunta sa Home for the Aged. kahit anong home lang. basta pang-matanda. sinabi ko na dati, wala ako masyadong simpatya sa mga cancer patients o batang ulila pero malaki ang puso ko para sa mga elderly peeps! so ayun.. gusto ko sana dun mag-celebrate ng birthday. kaso problema ko ang budget saka manpower. di ko alam kung pano. malamang nyan e sa back-up plan ako mapunta.. yung KMU! baka dun na lang ako sa Karinderia ni Mang Urot. magpapakain ng street children and everything. pero bukod pa jan, meron na rin akong isa pang outreach program na pupuntahan! eto sure na sure na, sa MAY 14-15! Balik Eskwela Program naman yun para sa Calaguas Children. bongga diba! hitting two birds in one stone. makakatulong ako sa mga bata tapos makakapasyal pa sa Calaguas. perfect! Bonus pa e kasama ko mga superfriends ko. pero ita-try ko pa din i-push ung sa Home for the Aged or KMU.

Ni wala akong lakad sa MAY 30. Sayang naman leave ko.. baka pumasok na lang ako sa work. okay lang naman din sakin wag mag-leave kaso pag iniisip ko.. hayy, torture! feeling ko torture un sa office. babatiin nila ako ng maligayang kaarawan tapos tatanungin ako ilang taon na ko tapos aalipustahin na nila yung bahay-bata ko. hrrrgh. why you people like dis!? why!?? titiisin ko na lang siguro. mas okay na ba yun kesa mag-stay sa bahay mag-isa? hmm. o baka pwede ako mag-travel solo.. meron pa naman akong 6 weeks para magplano. tingnan natin 🙂

Andami kong krisis na ako lang naman ang may gawa. Pero anu’t ano pa man, masaya pa rin ako at nagpapasalamat. andami kong dapat ipagpasalamat. hayy. thank you thank you!!

Pero gusto ko pa rin mainlove. yiki! Saka gusto ko din ng cake.

image

Obvious ba affected ako sa pamimressure ng society at pangsi-single shaming?! Muka na kong desperada magkajowa kahit ayoko naman talaga ng jowa. Hayy buhayy.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s