Mismei Travels

Team Crazy’s Quezon Escapade!

Finally, after 7 years natuloy din yung matagal nang plano naming Quezon Province Tour! May frenny kasi kaming taga-Unisan at dati pa nya kami inaaya dun. Ewan ko nga bat ngayon lang natuloy, siguro inantay namin talaga magkaron muna ng Borawan dun hehe.

Puro sila panggabi kaya saturday before lunch ang meetup namin. Buti na rin lang may service kaming van, ung sa mommy ng frenny namin at may nakuhang driver. At dahil tanghali ang byahe, na-traffic kami! Mga 4pm na ata yun nung nakarating kami sa Quezon. Grabe, ang cool ng mga resto dun! Airplane Restaurant?

image

Kaso maharlika hehe! Saka walang pansit, e ayun ang hanap namin. So lipat kami sa kabilang resto.. Floating Restaurant? Kamayan sa Palaisdaan! Wow!

image

Magkakamag-anak nga daw pala ang may-ari nyan. Marami pa sila ibang cool na resto!

Tapos dito na kami kumain kasi meron silang pansit lucban at masarap daw ang sisig!

image

Hindi naman kami na-disappoint. Masarap nga ang food at kering keri ng budget! Dami namin order tas 1k plus lang yung bill namin. Super winner yung pansit!!! At sisig, pusit at tilapia! Yung bangus lang parang may lasa na di maganda. Anywayz, nabusog naman kami!

Tapos namili na rin kami ng pasalubong sa Rodilla’s. Sigurado wala na kaming time kinabukasan e. Yema Cake lang naman pakay namin tas may nadaanan din kaming longganisa. Yung tinapa naman umorder lang kami sa kakilala nung driver namin.

Dadaan pa sana kami sa Kamay ni Hesus kaso magdidilim na at kelangan pa namin mamalengke. Kaya dumirecho na kami ng SM Lucena at sa Unisan nakitulog sa house nila Ate Weng.

The next day, aga namin gumising!! Para magluto ng babaunin sa island hopping. May nasakyan kaming van, Php 40 lang per head. May nakontak na rin akong boat service.. Kila Ate Thess sa May Ann Store. Php1800 sana yun inclusive of 3 islands pero naging 11 kami kasama mga anak at pamangkin ni Ate Weng so kumuha ng mas malaking boat daw at sinisingil na kami ng Php2200 pero natawaran ng 2k hehe.

Naloka din kami kasi nagmahal na daw pala entrance fees sa mga islands. A week ago lang daw nag-increase. Edi wow! Di ko lang alam kung permanent na yung ganung rate or ngayon lang dahil summer. Sana bumaba ulit, balak ko bumalik eh! With jowa naman lol.

DAMPALITAN

Mga 30minutes byahe, nakarating kami dun 10:30 AM. Grabe, Php 80 per head ang entrance at Php 200 bayad sa pagpitch sa dala naming tent. Sana nga di na lang kami nagtent, may lilim naman eh.

image

Wala rin kami masyadong picture dito, busy kami sa pag-iihaw at tanghaling tapat so tinamad din kami maligo haha. May parang sand bar pa naman sana dun. Napagtripan lang namin yung mga flag sa shore.

image

PUTING BUHANGIN – KUWEBANG LAMPAS

1PM dumating na yung boat, sa Kuwebang Lampas naman kami, mejo malayo sya parang 40 minutes ata byahe! Pero wow, ang ganda don!!! Php 80 per head entrance pero di na kami siningil sa tent. Tapos may restroom din at mga built-in ihawan. Sana pala dun na lang kami nagluto!

image

Mejo masakit sa paa yung bato-bato sa beach pero tolerable naman. Tapos naamaze ako sa Kuwebang Lampas! Tagusan pala yun? Sarap lang tumambay, kasi nakababad ka sa tubig tapos may lilim hehe. Lakas din maka-sirena feels ng pix sa batuhan!

image

Nag-enjoy kami sa Puting Buhangin 🙂

BORAWAN

Finally, Borawan!! Nakakadismaya lang yung boatman namin, kasi usapan 4PM tapos 5PM na sya dumating. Magdidilim na tuloy nung nakarating kami sa Borawan. Pero ang ganda nga pala talaga dun!

image

Well maintained sya, kaya pala ang mahal ng Fees lol, Php 150 per head at Php 220 daw pag overnight. Super tawad naman kami kasi nga magpi-picture na lang naman buti pumayag, 120 na lang daw per head at libre pa isa hehe. Wala na rin masyadong tao dun, sunday na e nag-uwian na mga tao. Ang sarap sana mag-overnight din kaso may pasok kinabukasan yung isa naming frenny! So ayun, nakuntento na lang kami sa photoshoot galore!

image

Borawan yung pinakamalapit sa main land kaya saglit lang din e nasa highway na kami ulit! Dahil sa delay ni Mr. Boatman e Php 1800 na lang din siningil samin ni Ate Thess. Binigyan din naman namin ng tip si kuya, naawa nga din ako kasi napagalitan ata sya. Dapat daw di sila kumuha ng pasahero kung di kaya ng oras. Pero ayun nga, nagswimming pa daw kasi sa gitna yung isang group na hinatid nila. Muntik pa namin di masilayan tuloy ang Borawan.

From there e may mga dumadaan ng bus, merong direcho cubao! Pero babalik pa kami ng unisan so ayun, nagbus nga kami Php25 lang per head. Tas naki-dinner at banlaw kila Ate Weng. 10PM byahe na kami pa-Manila. By 2:30 AM unti unti na kaming nababawasan sa sasakyan. Masyado pang maaga at wala pa daw masasakyan si Pinky. Sya lang naman din kasabay ko sa EDSA so di na kami naghiwalay, nakitulog muna kami kila ate weng sa Sampaloc!

Idlip lang naman, 6AM naki-breakfast na kami tas cab na pa-cubao. Dinaan ko lang muna sa office mga pasalubong ko hehe. Buti na lang din nga at nakapag-file ako ng leave!

Ang saya sayaaaa!!! Babalik ako dun, yung wala masyadong tao hehe. Sobrang ganda siguro! Off peak tapos sunday-monday. Ako lang siguro andun nun. Hmmm 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s