Mismei Travels

When in Baler!

Grabeee ang sakit ng katawan ko!!! Daig ko pa namundok haha. Anyare!?

Ang hardcore naman kasi nung Baler Trip namin. hmm..

Umalis kami ng Manila 1:30AM at nakarating sa Aurora ng quarter to 7. May tinuluyan lang kaming bahay.. kakilala nung frenny namin! Nagpaluto na rin ng breakfast at maya-maya lang gumora na kami sa City Proper. Dito makikita yung malaking “BALER” chorva. May konti lang pila pero pag nasa Baler ka syempre dapat may picture ka jan.
image

Namalengke lang naman sila ng pang-lunch tapos sumaglit din kami sa Museo De Baler.. konting lakad lang din.

image

Di na kami pumasok ng Museum, nagkatamaran lang tapos pumunta naman kaming Ermita. Overlooking lang. picture picture!

image

Tapos DIGUISIT ROCK FORMATION! Soooobrang ganda dun grabe! Ang init lang e, tanghaling tapat! Ang hirap magpa-picture haha! Tas ang cute, meron din man-made swimming pool! Astig!! May mga cottage din para sa mga gustong mag-stay. Nyahaha! This is it, Diguisit!!

image

Saglit lang ulit kami dun tas balik na sa bahay at naidlip. After lunch sinimulan na namin maglakad papuntang DITUMABO FALLS. 1 hour trek din yon at mejo mahirap yung trail. mabato-bato tas may konting river crossing effect. established naman na yung trail, may mga bridge pa pero nakakapagod talaga tapos sobrang init!! On the way e marami ka na makikitang baby falls. kung hindi ka nagmamadali pwede na maglublob dun. ang sarap ng tubig super lamig!

image

May kasama kaming thunders kaya mejo alalay ung pace namin. After ng mahabang lakaran.. WOW! Soooobrang ganda ng falls!!! Minsan umaakyat lang ako ng bundok para sa falls e. Pero ngayon lang ako nakakita ng ganun kataas at ganun kalaking falls! super amazing talaga!!

image

Sobrang sulit ung nilakad namin! Mga 4PM na un pero andami pa ring tao. Kami na ung last batch e.. sabi kasi di na daw nagpapapasok ng 4:30PM. Wala na nga rin kaming nakakasalubong nung pauwi na. Bago magdilim nakauwi na rin kami sa bahay at nagbanlaw. Dinner at Videoke tas nag-inuman yung mga lalake at natulog na kami.

Kinaumagahan.. COSTA PACIFICA!! Ayun daw ung pinakamagandang resort sa Baler pero syempre mahal! Buti pwedeng day tour hehe. Ang gandaaa! Haller, Baller!

image

Dun na rin kami nag-SURFING!!! PHP350 pag kasama 1 hour Surfing Lessons at Php200 naman pag SurfBoard lang. Ayoko talaga mag-Surf.. ni wala un sa bucket list ko! super takot ako sa alon e. di kasi ako marunong lumangoy hehe. ayoko ung lumulubog ung ulo ko sa tubig at lalong ayoko pag di ko na abot ung lupa. Pero naman kase.. ang gwapo ni kuyang surfer dude sa Registration! kala namin sya magtuturo e. nagpa-rehistro kame waha! joke lang. naakit kami sa ganda ng beach! at nakakaengganyo ung ibang nagsu-surf. parang ang dali dali lang e. tatayo ka lang sa surfboard tapos ayon, dadalhin ka na ng alon sa shore! parang lang pala. lol!

takot na takot talaga ko pero super excited. tinuruan muna kami ng basics!

1. Dapa sa Surfboard. paa sa tail ng board! taas dalawang kamay kapit sa bandang taas ng board.

2. Pag sinabing “READY!” tupi kanang paa (or kaliwa, depende sayo) dalawang kamay sa bandang dibdib.

3. Pag sinabing “GO!” kapit sa board, ready na tumayo, forward left foot. bitiw sa board at bahala ka na sa buhay mo mag-balance ng nakatayo! waha!

Mabilis un, dire-direcho lang. nung alam ko na ung gagawin, dinala na ko ni kuyang instructor sa tubig, manghuhuli daw kami ng alon! waaaa!! di pa rin ako makapaniwalang naga-attempt ako mag-surfing!!! nung may alon na binitawan ako ni koya. ni hindi ako nakatayo. nakadapa lang ako waha tapos nalaglag pa bago makarating ng shore! hindi daw kasi ako nakabalanse. o diba.. nakadapa pa lang un ha, di ko mabalanse ung sarili ko! nakatayo pa kaya?

so ung next attempt namin, ang tagal namin sa tubig haha! sabi ko wag nya ko bibitawan muna. di pa ko ready! ang tagal ko nakadapa lang dun at nagpalampas ng ilang waves waha! natatawa na lang sakin mga friends ko e. syangapala, sa puntong to ung ilan sa kanila e nakakatayo na sa board at may nakakarating na ng shore! sarap siguro ng feeling hehe! pero di ako naiinggit, alam ko kasi di ko talaga kaya e. masaya na kong makasakay sa surfboard. di ko naman natapos ung 1 hour parang 45 minutes lang ako tapos sabi ko ayoko na. mga naka-apat na attempt siguro ako tas puro laglag hehe! ang saya saya pa din!

image

ang hirap lang dun walang shower area. dun kami nakiligo sa pinagliliguan nung mga instructors ata. sa labas lang haha tas nagbihis sa parang bodega nila. keri naman.

magtatanghali na at gutom na kami. dumirecho naman kami sa Dicasalarin Cove. Grabeeee!!! Super gandaaaa!! para syang URK! ung sa koreanovela na kakatapos ko pa lang panuorin hehe, Descendants of the Sun! wala ko masabi sa sobrang ganda. as in!!!

image

Over looking pa lang yan, kitaย lighthouse! Akala ko ayun na un tas uwian na pero hinde!!! pupunta pala kami dun waaa!! katakot ung daan, daig pa bitukang manok! dun na rin kami nag-lunch. may mga cottages din pala dun, ang sarap sana mag-overnight pala dun. hayy… babalik talaga ko dun someday! may kasama na kong jowa nyahahaha!!

image

After mag-lunch nag-explore explore na kami sa Dicasalarin. waaa!! may igaganda pa pala ung nakita naming view!! ang ganda nung beach!!! huhu.. sobrang gusto ko sya balikan, as in! tas walang tao. or kung meron man, siguro super konti lang. hayy. ang ganda. ganda. ganda. ayun lang.

image

tanghaling tapat naman kase. pero parang ang sarap tumambay dun ng pa-sunset. awww. ang romantic siguro!

nagmamadali na rin kami so after ng photoshoot umalis na rin kame. Balete Eco-Park naman! uhm.. giant balete nga! pero di ako masyadong naamaze.. dami kasing tao. tapos.. wala lang. siguro kung padilim maganda rin dun hehe. wala ako masyadong pic sa Balete.

image

Ayun lang. uwian na! may dinaanan lang kami bilihan ng pasalubong. ang sayaaaa!! ^_________^

Wala masyadong details tungkol sa budget at kung anik anik. sori na, sabit lang ako e hehe. basta. maganda sa Baler, nakakaBALER!!!!!

Credits pala sa pics. Karamihan nyan galing sa phone ko tas ung iba sa mga superfriends ko na. Captions din ni Ana sa IG haha. Dagdag nyo pa. #AurasaAurora AWW!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s