emote

Wala

image

Minsan iniisip ko sana may nakakausap din ako on a daily basis. Yung tipong makakabatian ko ng “gooood morning!!” o kaya “nyt nyt switdrims!!” o kaya mapagbubuntungan ko ng badtripness and everything haha.

Nakakamis lang.

O kaya masasabihan ko ng tungkol sa pinapanuod kong series or anime or movie. O tungkol sa pusa kong nawawala o bagong panganak kong aso. O tungkol sa hedgehog ko. O kahit ano nga lang.

Nakakamis lang.

Pero ayun nga. Mabuti na rin sigurong wala. Kesa naman masanay ako.. Tas isang araw di na kami mag-uusap. Nakakalungkot lang.

Pag ganun kasi automatic pangkarir lang e. Pagtyatyagaan ka ba kausapin ng lalake kung wala syang hidden agenda?! E pano kung gusto ko platonic lang. Tss.

Kaya nga may blog e. Kaya nga kung ano ano lang kwento ko dito. Waha! Meron pa nga akong “boyfriend blog” dati sa tumblr. Ayy grabeee! Saka ewan ko nga. Bat andami kong blog. Pero sa ngayon.. Eto na lang gamit ko saka ung travel blog kuno. Balak ko din ilipat na lang dito ung mga luma kong blog. Pano ba? Sayang naman kase. Haha. Tas idedeactivate ko na sila.

Yung blog ko for almost 10 years naka-hiatus. Tapos tinago ko yung mga posts. Pag pumunta ka dun puro title lang makikita mo, walang content. Wala lang. Feeling ko may nagii-stalk sakin e lol. Uhm. Ayusin ko mga blog ko minsan. Di ko lam panong ayos. Basta. Siguro yung mga tipong.. May pang public tas may private as in super confi. Ewan ko ba bat ganto na ko ngayon.. Dati ok lang naman. Di ko naiisip ung mga public public na yan. Lalo na sa facebook. Hayy. Ano na ba nangyari sakin. Di na nga ko nagpopost masyado sa facebook. Tas pati sa blog ba naman super careful pa din ako. Bat ganun.

Uhm. Careful na ko ng lagay na to waha!

Ayun nga. Siguro pag tumahimik ako sa blogosphere ibig sabihin may nakakausap na ko lol.

Parang di naman. Lagi pa din ako madaldal e. Waha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s