Kwentong Pusa · Mismei Hacks

GO GO SMS!

Ang saya saya ko!!

Sobrang na-amaze talaga ko sa GO SMS. Nailipat ko yung mga SMS ko from Neo V to Z2. Ang galing!!

Ganto kasi yon. Mga bandang July last year, nabagsak ko tong phone ko na Xperia Z2 at nawalan sya ng signal. So ang ginawa ko, nilipat ko yung sim card ko dun sa luma kong phone na Xperia Neo V.

Tinamad na rin ako magpaayos ng phone, wala rin masyadong urge kasi nakakasurvive naman ako. Ung Z2 pang-internet, picture at soundtrip. Tas ung Neo V pangtawag at text. Parang feeling ko okay naman ako kesa gumastos ng 1k tapos nakakatakot pa baka lokohin ako or something.

So ayun nga. MAY 2016 na! Bale 10 months ko na din syang gamit. Mejo luma na yung Neo V ko kaya tinotopak na rin paminsan minsan. Pero pinagtyatyagaan ko talaga sya. Nalulungkot kasi ako.. Pag pinaayos ko yung Z2 ko hindi ko na magagamit yung Neo V. Pano yung mga lumang messages ko dun? Parang kagaya nung isa ko pang Nokia. Nakatengga lang sa bahay. Super okay pa yun pero di ko dinidispatcha kasi ayoko burahin ung messages na andun. Meron pa kong cherry mobile na ang tagal din bago ko ni-let go. Ang hirap magbura!! Syempre pag ipapamigay ko sya kelangan ko tanggalin lahat. Ang hirap.. Ewan ko. Masyado ata kong sentimental na tao.

Pag nagbubura kasi ako feeling ko nagkaka-amnesia ako or something. Parang kagaya nung nabagsak ung hard drive ko dati tas nawala lahat. Hayy.

So eto na nga! Biglaan lang naman kagabi, nagi-inquire lang ako magkano paayos tas ang bilis ng pangyayari binubuksan na ni koya ung phone ko at napa-OO na lang ako. Edi nagkasignal na phone ko! After 10 months!!!

Ano na ngayon gagawin ko sa Neo V ko?! Tas nadiscover ko sa GO SMS pwede pala mag back up! Waaa!!! Super amazing! Basta. Lahat ng SMS ko sa Neo V andito na din sa Z2 ko. Ang saya saya!!!

Ita try ko din ilipat yung mga messages dun sa Nokia ko. Hindi yun Android kaya mukhang mejo matrabaho pero tyatyagain ko. Hayy. Tas pwede ko na sya idonate kay lolit hehe!

Thank you, GO SMS! Ang super awesome mo!!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s