Kwentong Pusa

Happy Bonus! Happy Make Over Weekend!

Dumating na nga pala yung bonus namin! hehe. kakatuwa lang.. maliit lang naman basic ko so hindi rin kalakihan bonus ko. pero syempre malaking bagay pa rin un!

Ang weird lang kase simula APRIL every week ako nasa galaan tas ngayon kung kelan may bonus saka naman nganga ng weekend! hmm. ayos na din.

SATURDAY.

Soooobrang nakakatamad! tas hooked pa ko sa BIG BANG THEORY. kaya ung plano kong jogging sa umaga.. WALEY!!! Pero sobrang desidido ako magpa-facial at magpaayos ng buhok so pinilit ko bumangon waha! 3PM na rin nung pumunta kong SM SJDM. May Dermcare pala dun kaso sabi ung Cellophane daw ng hair ko P1500. wow? nag-inquire ako sa Starmall SJDM nung nakaraan 800 lang daw. Edi pumunta kong Starmall! nyaha! kaso nakumbinsi ako ni atey na magpakulay na lang daw. mga 2 inches na din kasi ung ibinaba ng kulay ko. 1500 daw un pero may discount card ako, less 500 din so 1k lang. hmm.. not bad! sabi nya 2 1/2 hr lang daw. eh 5pm ako nagstart! 8:30pm ako natapos!!! hrrrgh. ayoko pa naman ng ganung feeling.. ung naglalakad ka papunta sa exit ng mall tas nakikita mo ung mga shops nagsasara en everything. nakakapressure kaya. tas patay na mga ilaw. waaaa! buti may tricycle pa. nakauwi din naman ako agad. happy rin naman ako sa resulta ng kulay… kaso di na ko nakapagpa-facial. hay..

SUNDAY!

ang dami kong plano sa buhay! pero pinaayos ko muna pala ung bahay namin. pinatapalan ko ng yero ung bintana namin sa likod bahay at ung bandang baba ng pinto. E pano kasi! nakakalabas si Mama Cat. ung siamese cat ko. ewan ko dun napakalakwatsera. umuuwi naman sya kaso ang inaalala ko baka makidnap sya or whatever. pag umaalis kami nilalagay ko sya sa cage, tig isang kulungan sila ni Chappie. kaso kawawa naman.. ayoko talaga ng nagkukulong ng pets e. so ayun ang solusyon. tapalan ang buong bahay!!! atlis nakakagala sila sa loob ng bahay. saka nakakalusot din dun si butchoy. kelangan talaga lagyan ng yero!

tapos ung pinto naman namin, sinira lang din un ng mga aso. hrrrgh. ewan ko ba sa mga un mga spoiled. ayaw nila sa labas! grabee. sa materials lang naka Php690 na ako. tas bumili ng dog food at cat food. ay grabeee. naisip ko tuloy, siguro kung wala akong pets wala din akong gastos. sa kanila lang napupunta kaperahan ko eh!

after lunch okay na ung mga screen ng bahay namin. balik starmall naman ako! hmm.. nagpa-Footspa! favorite ko sa SpaHolics. hindi lang masyadong matagal ung babad pero gusto ko kasi ung part na inii-scrub ung binti ko hanggang tuhod. tas lalagyan ng something something na kulay white. feeling ko nakakaputi sya hehe. nakababad lang habang pinepedicure ako. wala ng nail polish kasi mahal add ons dun! ayoko na rin naman ng nail polish ngayon. problema ko pa pag nasira na tas wala kong time magpa pedi ulit.

tapos.. DERMCARE! nagpa-facial na ako hehe. at UA whitening. may discount ako ulit less 200 at since 5th visit ko na, meron pa kong free Hand Spa! bongga diba. 450 lang for three services. hindi rin time consuming kasi sabay sabay na. nakababad lang face ko, kili kili at kamay haha. sarap ng feeling!!!!

tapos.. DAVID’s Salon! nagpa-trim lang. ang bigat na ng buhok ko e. tapos Aling Puring at nag-groceries. bibili lang sana ko ng ingredients para sa Tofu-Mushroom Sisig kaso naparami shopping ko waaa! napabili na rin ako pati toiletries at snacks. at gamit sa bahay. hrrrghh.

Two days lang. grabe. anyare sa bonus ko!? wahaha. bwiset!

Tapos ngayon iniisip ko.. mga 2k rin nagastos ko sa pagpapaganda. grabe. seryoso? 2K!? 2K para sa mga bagay na pwedeng wala naman? ayy jeskelerd! pampalubag loob na lang siguro.. mahigit 2 months na rin naman since nung huli kong spa.

Tapos ung mga pets ko. grabee… parang mas madalas pa ko mag-grocery ng food nila and other needs kesa food namin ni mama eh. kelangan ko na ba magbawas ng alaga?!

Ayon. may natira pa naman akong pera. pambayad utang. lol! tas pambayad sa Entrance Exams namin for OU at panggastos ko sa Pinatubo Tour namin. oo nga pala, nagpa-book kami nila Airene at Ana for Pinatubo tour nyahaha! biglaan lang pero okay na rin kasi parang 2 years na naming plano to e! ngayon push na push na. woohoo!!!

Tas birthday ko pa next week. ang dami kong gastos!!!

Bale. ayun nga. ayun na yung kwento ng bonus ko. waha!

Advertisements

One thought on “Happy Bonus! Happy Make Over Weekend!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s