Kwentong Pusa · Mismei Kitchenomics

Chef Noodle Soup

May niluto nga pala ako kaninang umaga, gumising ako ng 4 AM para dun ha. Nung sunday ko pa sana kasi un iluluto kaso nga masyado ako naging abala sa binaha kong kwarto! Di na rin ako makaantay ng next weekend kasi masisira na yung tofu.

So ayun.. walang picture e! naubos na kasi haha! Pero tawagin na lang natin syang “TOFU MUSHROOM SISIG ala MISMEI!” hmm! sounds yummy! kagabi ko pa hiniwa ung tofu para tipid sa oras. okay naman.. kaso maalat e hehe. pero pasado naman sa mga nakatikim so feeling ko nga okay na din. tapos tinatanong nila recipe, siguro unusual para sa kanila kasi nga walang karne. napeke daw sila hehe. pero ang totoo ginaya ko lang naman ung recipe ni chichi. diย nga lang masyadong kalasaย pero pwede na rin. saka ung kay chichi nga pala TOFU BACON SISIG. e mahal ung bacon wala ko pambili saka ayoko naman ng karne kaya ginawa kong mushroom. yay! pwede rin siguro kung tuna. ganun lang naman lagi ang luto ko.

Ipo-post ko na lang ung recipe para maalala ko din sya balang araw.

INGREDIENTS

Tofu, diced ng super maliliit
Mushroom, whole pero hinati ko in half para cute
Oyster Sauce
Mayonnaise
Bellpepper
Butter, garlic flavor (meron nun sa supermarket!)
Onion, ung white para mejo sosi
PROCEDURE

1. I-deep fry ang tofu hanggang maging golden brown. Set aside.
2. Igisa sa garlic butter ang Onion, bellpepper at mushroom.
3. Idagdag ang fried tofu. Haluin.
4. Timplahan ng Oyster sauce. salt and pepper to taste.
5. lagyan ng sili kung gusto ng maanghang.
6. Pag feeling mo okay na, patayin ang apoy.
7. Haluan ng mayonnaise. bahala ka na magtantiya hanggang magmukhang creamy sisig!
8. Serve and enjoy ๐Ÿ™‚

Natutuwa ako kasi naappreciate nila ung luto ko hihi. Yung mushroom pala pwede rin ung sliced na pero mas gusto ko kasi ung whole para mejo malaki pa tas parang mas nafi-feel ko ung mushroom. uhm.. mahilig ako sa mushroom ^_^

Pag may pera ako ita-try ko naman ung bacon bits hehe.

Di ko lang gets bat pag nagluluto ako at pasado sa kanila e sinasabi nila “pwede nang mag-asawa!” nagluto lang e asawa na? agad-agad? hehe. feeling ko pag nag-asawa ako gusto ko ako ung ipagluluto e. dapat masarap sya magluto at maraming alam na putahe :))

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s