Kwentong Pusa

Goodbye, summer!

Ramdam ko na ang tag-ulan!! binabaha na ung kwarto ko e! amp.

Wala namang tulo.. ni hindi ko nga alam san nanggagaling ung tubig. basta pagpasok ko ng kwarto parang water world na! hayyy juskopo! ang kalat pa naman ng kwarto ko. as in super kalat! di na nga ako natutulog dun kasi wala na kong pwesto sa kama haha! tapos nagkalat din sa sahig ung iba kong gamit. ung iba nakatambak sa balikbayan box. ewan ko na din bat nga nagkaganun basta normal na sakin ung makalat!

tapos ayun nga. nung sunday ng gabi.. umulan ng bonggang bongga! di ko sya napaghandaan e, galing pa ko sa galaan. pag-uwi ko ng bahay parang gusto ko maiyak nung makita ko ung kwarto ko. ang dami kong nabasang libro huhu. tapos ung mga bag ko na nasa ilalim ng kama nabasa din! basta nasa iisang container lahat sila, ung nabili ko sa Japan Japan. plastic ung ilalim nun tas tela ung ibabaw at dahil baha nga, pinasok pa rin sila ng tubig! grabeeee! basa ung mga bag ko huhu. tas ung iba ko pang bags na nasa sahig lang nabasa din. ang laman ng bag? marami pang bag! hayy. tapos ung laundry basket ko pinasok din ng tubig. syempre ang damit pag nabasa aakyat na rin ung tubig. hayun.. basa lahat huhu. kakaiyak talaga! so imbes na iniipon ko sila para maipa-laundry this weekend.. waley! kelangan na sila labhan. wala kaming washing machine kaya goodluck kay lolit sa paglalaba ng mga jacket ko at pants! yep. si lolit ang maglalaba at hindi ako. wala kong time pag weekdays plesss.

ano pa bang nabasa? hmm. ung regalo sakin!! naka-paper bag sya e. tapos nabasa din huhu.. ayoko pa nga sana buksan, inaantay ko mag-MAY 30 e! kaso ayon.. direcho sa labahan ung jacket na gift. tss. tapos ung box ko ng mga naipong plastic at paper bags nabasa din. kainis.. ung mga Penshoppe paper bags ko na may pagmumukha ni Sandara Park nabasa!!!! hrrgh.

tapos pati ung mga sapatos ko at sandals na nakakalat lang sa sahig. basa lahat!! huhu. buti na lang ung white ko na chucks nailagay ko sa shoe rack. ung bag ko na pambundok juskopo! anong laba kaya ang ginawa dun ni lolit.

pinagtatapon ko lang lahat sa labas ng kwarto. ang kalat tuloy dun. hayy. tapos kagabi pag-uwi ko from work, dumaan ako ng Starmall! bumili ako ng DURABOX! pinakamura dun sa Japan Japan. uhm. DIY SHOP. ung mga tig-88 lang!? basta ganun.. japan japan tawag ko dun e. ung 50L nila Php350. balak ko sana bumili ng dalawa nun tas nakita ko ung 120L nila Php690! hmm.. halos magka-presyo lang pero mas malaking storage. sulit ung 120L! edi ayun ang binili ko… kaso natatawa ko sa hitsura ko habang palabas ng mall. WA POISE eh!!! naka-uniform pa ko nun ha, ung skirt with matching stockings at black shoes na may 1 inch takong. gara diba!? pero nakasakay naman ako ng tricycle.. sa loob ung durabox tapos backride ako haha. kainis.

ang balak ko sana e ililipat ko ung ibang gamit ko sa durabox. may balikbayan box pa kase ko dun na nabasa din. buong araw kong iniisip kung ano ung nasa bandang ilalim ng box na un. hayyy. pero laking tuwa ko kasi hindi sila nabasa!!! huwaaat!? di ko rin alam kung pano nangyari. mga papeles lang naman un pala nakalagay sa iba’t ibang envelope. tapos mga kikay kit.. notebooks.. basta ganun. tuwang tuwa ako talaga. hindi sila nabasa!! parang naabsorb ng box ung tubig bago pa sila mabasa hehe. galing! anywayzz, nilipat ko pa rin sila sa giant durabox. kahit bumaha pa ulit mamaya super safe na sila.

bat nga ba kasi nagbabaha sa kwarto ko? hay.. dalawang beses ko na un pinaayos palpak pa din! nung unang beses mga 2011 pa yun, nag-loan ako sa SSS halos 20k nagastos ko. akala ko okay na kaso pagdating ng tag-ulan nagbabaha din! so mga 2 years ago pinaayos ko sya ulit, hindi na sya masyado nagbabaha pero pag malakas ang ulan di niya kinakaya. pero ung kusina namin hindi na bumabaha. tas ayun nga, ung di ko alam kung san nanggagaling ung tubig. parang sa dingding haha!

nitong summer magpapaayos sana ako kaso nga busy ako. tas walang magtatao. hrrggh. pano na ko ngaun? hanggang kelan ba tong tag-ulan!

Ayoko pa naman ilipat ung mga gamit ko sa kabilang kwarto.. wala kong privacy dun e. nakakapasok kasi si mama dun. para syang common room lang. hayy. may sarili din naman syang kwarto pero minsan pag trip nya nakikitulog din sya dun. andun kasi malapit ung TV at kainan. hayy. pano na ko huhu. ang hirap pa naman maglinis ng binahang kwarto. mukhang magiging busy ako sa darating na weekend -_-

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s