Kwentong Pusa · Mismei Hacks

Kwentong water

image

Mahina ako uminom ng tubig.. Kaya kong tumagal maghapon na hindi umiinom ng tubig. Ewan ko rin, basta ang tamad tamad ko. Kaya nga siguro hindi rin ako pawisin. Yung tipong naglalakad kami sa arawan ng mga frennies ko, tagaktak na pawis nila pero ako fresh na fresh pa din!

Kahit nung bata ako ganto na problema sakin ng tita ko na nagpalaki sakin. Naalala ko nga may pauso pa sya dating water bottle na kelangan ko daw maubos buong araw. Tapos kinagabihan parang halos wala pa din syang bawas! Ang ginawa ng tita ko binantayan nya ko habang kumakain ng dinner hanggang buong gabi.. Ubusin ko daw ung tubig!! Wag daw ako matutulog na hindi ko nauubos ung laman ng water bottle huhu. Mangiyak ngiyak din ako nun. Nakalimutan ko na ung eksaktong nangyari pero ang alam ko di ko rin naubos un at sumuko na rin sya.

Hanggang ngayon tamad pa rin ako uminom ng tubig. Pero simula nung nadiscover ko ung pipino water mejo napaparami na ung water intake ko! Mas masarap kasi ung water pag may pipino. Bale.. Gusto ko lang pala ang water pag may flavor. Hmm. Uso din un dito sa office, may mga kahati ako sa pipino everyday. Tapos parang hindi naman sya regular. Natigil din. Tas ngayon may nagdadala naman ng lemon everyday. Hati hati din kami hehe. Meron kasi kaming mother goose dito na nag aasikaso samin. Sya na naghihiwa ng lemon tas nilalagay nya sa mga tubigan naming magfi-frenny.

Dati ayoko ng lemon pero ngayon gusto ko na sya. Nakalimutan ko na rin anong purpose ng lemon at pipino pero parang pang-detox ata. Or pampapayat. Basta ganun! Di naman ako nagpapapayat.. Sila lang. Pero gusto ko na rin ung lemon water. Napansin ko lang parang mas maganda ung poops ko pag naglelemon water ako hehe. Basta maganda! Di ko alam kung dahil marami akong nainom na water kesa normal kong water intake o dahil sa lemon mismo. Basta ganun.

O sya. Ubos ko na water ko magre-refill na ako hihi.

Advertisements

2 thoughts on “Kwentong water

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s