Kwentong Pusa · Mismei Kitchenomics

Early Birthday Celebration

Uhm. Bilang wala nga akong lakad ngayong birthday ko *sighs* eh nagpa-foodtrip na nga lang ako hehe.

Simple lang naman. Yung mga gusto ko lang na food hihi.

image

Potato Salad – mahilig ako sa patatas πŸ™‚

Tofu gisado ala maemae – mahilig din ako sa tofu nyaha! Spicy tuna nga pala ang sahog nyan, ung de lata lang.. Flakes in oil.

Cheesy onion rings – nakita ko lang sa Facebook, ung TASTY na fanpage. Mukhang madali kasi gawin saka parang ang sarap hihi. Masarap nga! May mustard sauce din pero kahit walang sauce masarap pa din. Mozarella dapat kaso mahirap lang kami kaya Eden Cheese lang. Tapos hindi rin achieved ung appetizing na hitsura ng finished product waha! Pero masarap nga kaya deadma na.

image

Buttered Shrimp – uhm. Tira lang yan sa food namin kahapon waha! Nag-lunch kami sa Dampa sa Libis. Birthday treat din namin nila shiela at jaypee sa dabarkads.

Super seafood Pesto Pasta – di ako ang nagluto kaya wala kong alam. Matabang eh.. Pero ganun naman talaga ang pesto so keri na.

Chocolate Cake – grabe~ ang sarap!!! Favorite ko talaga chocolate cake ng Red Ribbon.

May gusto pa kong lutuin.. Siguro sa martes na lang dalhin ko sa office. Nakita ko lang din sa Tasty. Sana may marinara sauce kila aling puring!

Uhm. Masaya naman ako sa munting birthday celebration hihi. Thank you sa nagluto!!!!

At salamat sa mga natanggap kong gift.

image

Tuwang tuwa ako sa kitty coin purse at sa headphones! Lagi ko na sya suot hehe tas wala na ko pakialam sa mundo. Meron palang wala sa pic. Ung denim jacket!! E pano nabaha nga tas nilabhan ni mama, nasa sampayan pa di ko pa nakuha.

May kwento nga pala yung cake namin. Galing un kay Lenz e. Tuwang tuwa pa naman ako nung umaga pagkabigay nya sakin tas dinala ko kila mother goose sabi ko galing sa secret admirer ko kunwari. Tas nakalagay ba naman e Shiela, Mae and Jaypee. Ok lang sana kaso parang wala ako dun. Bakit? Para kasing buong pangalan ni Shiela Mae eh!!! Pambihira talaga. So sabi ko lalagyan ko na lang ng picture namin nyahaha! Nagpicture kami tas pinrint ko. As in ako talaga nag-effort ha! Di pa nga ko nakuntento. Inedit ko pa sya sa Photogrid tas pinrint ko ulit nyahaha! Ayun, kasali na ko sa birthday cake! Tas may solo pic pa ko nyan sa Dampa. At ako din ang pinag-cut nila nung merienda time wahehe.

Tuwang tuwa ako talaga pag may nagbibigay ng cake sa birthday ko πŸ˜„

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s