Kwentong Pusa · Mismei Hacks

Notepad

Isa sa mga paborito kong app sa phone ko eh yung “NOTEPAD”. Kahit sa computer. Lagi lang ako sa notepad nagta-type at nagsi-save ng kung anu-ano. Nasanay ata ako nung college days pag gumagawa ng program hehe.

Pero ayun nga. Mejo choosy ako pagdating sa notepad app. Pag wala kase kong magawa o kaya pag may bigla akong naisip sinusulat ko agad. Minsan naman tinetext ko sa sarili ko nyaha!

Pero gusto ko pag may notepad para naka-archive kumbaga. Minsan kasi nakakalimutan ko din na may naisulat pala ako. Kung anu-ano lang naman.. Mga one liners or tula pag sinasapian. Lyrics ng kanta. Quote na nakita ko sa www. To do list. Groceries. Itineraries. Listahan ng movies o kanta na ida-download ko pag may access na sa internet. O kahit ano nga lang.

Paborito ko yung evernote. Ginagawa ko syang diary minsan.

Tapos ung normal na notepad lang. Nag format ako ng phone tas ngayon di ko na makita yung notepad app na gamit ko nun. Sobrang gusto ko un e. Simple lang. Tas may share button. Basta ganun. Todo hanap ako ngayon wala rin sya sa playstore account ko. Weird. Ang dami ko tuloy na-download at tiningnan ko talaga isa isa. Tas ngayon.. Meron na kong napili! Woohoo!!!

image

Mejo nahilo ako sa dami ng features nya pero at the same time e nakaka-amaze. Tinanggal ko na yung ibang notepad at sya na lang ngayon ang naiwan. Sana nga okay šŸ™‚

image

Ang pinaka-naka-amaze pala sakin jan e ung text-to-speech chorva nya. Pagpindot ko nung “READ OUT” binasa nya talaga ung tinype ko waha. Amazing!! Di ko pa nata-try ung dictate hihi. Tas meron din syang import and export to SD card. Mahilig din ako mag-back up ng files e. Sentimental. Okay. Gusto ko lahat naka-save at super safe.

Sana makalimutan ko na ung hinahanap kong notepad at sana magustuhan ko na rin nga to. Hmm.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s