Mismei Travels

Calaguas!

Nung nag-Batolusong ako nung April 3, nagkaayaan kami nung mga kasama ko na mag-Calaguas! Merong event sa Facebook nun, outreach program. Kagaya nung hike for a cause namin nun, hitting two birds in one stone. Ayos!

So heto na. Mejo hassle sa van kasi hindi ata na-achieve yung target number of people na sasama. Feeling ko malaking sasakyan dapat ang kukunin or baka dalawa dapat un pero dahil kulang kami pinagsiksikan kami sa van! Di ko alam tawag dun e basta masikip. Tas may mga dala pa kaming bagahe na pang-donate. Ang hiraaap! Pero sanay naman ako sa ganun at di ako maarte so keribels lang. Basta nasa tabi ako ng bintana okay na ko.

Tagal ng byahe! 9PM ang meetup sa Ayala pero mga 11 na ata kami nakaalis kasi nga pinroblema pa namin ung bagahe. Nakarating kami sa Paracle 8AM. Namalengke saglit at naki-CR. Dun din makakabili ng malaking plastic para hindi mabasa ang bag. Mga 9 or 10 siguro sumakay na kami ng boat woohoo!!

image

Sabi 2hrs lang ang byahe pero grabeee parang 3-4hrs un eh! Nakakaloka din ung byahe sa dagat mejo malakas ung alon haha! Takot!!

Past noon na nung dumating kami sa calaguas. Waaa!! Nakalimutan ko na rin yung pamamanhid ng pwet ko sa sooobrang ganda ng place!! Yung tubig sobrang surreal!

image

 

Pero mainit syempre. Kaya direcho kami sa mga cottage para makapahinga at mag-secure ng camping area. Wala nga pala ko dalang tent o kahit anong camping gears. Tinamad lang haha. Kaya nagrenta kami nila lizzie ng tent, 300 lang naman ung dome type na good for 3-4pax. Naamaze din ako sa C.R.nila! May tatlong CR na malinis at tatlong poso — unli tubig!! Tas may ilaw!!! To think e nasa isla kami. Very unusual ung ganun. Galing! May oras lang ata ung ilaw pero ayos na din.

After mag-freshen up nag-lunch na kami. Boodlefight!!

image

 

 

Tas tambay ulit at kumain ng halo halo hehe! May munti nga palang tindahan dun na again, e very unusual para sa island getaway. Sanay ako sa mga island beach camping na pang mala-survivor eh. Kaya super amazed ako sa calaguas. Parang mejo nakakatakot lang.. Sana ma-preserve nila ung natural na ganda ng place kahit maging commercialized na sya.

image

Sabi 3PM pupunta daw kami sa mga bata para sa outreach. E di na natuloy.. Ewan ko, late na daw kasi kaya bukas na lang. Ayun, naligo na lang kami sa beach woohoo!!! Ang sarap ng tubig sa Calaguas!! As in! Ang sarap magbabad. Tas super pino ung sand mejo parang boracay na. Super nice!

image

Pag nasa beach umaga or hapon lang ako naliligo, takot ako sa araw. Pero sa calaguas.. Waley! Deadma ako kay haring araw. Mangitim na kung mangingitim! Super naenjoy ko talaga sa beach.

image

Tas inabangan namin ang sunset syempre. Nagpunta pa kami sa rock formations para may dramatic effect sa pictures! And tumpak. Di kami na-disappoint.

image

Gustong gusto ko talaga ang sunset sa dagat. Hayyys. Tapos naligo pa ulit saglit at maya maya nagbanlaw na at nag-prepare for dinner. Late na kami nakakain.. Ewan ko ulit, baka nahirapan ung mga organizers samin. O baka nagahol sila sa oras kasi nagenjoy din sila sa beach. Kasama kasi sa package ung lunch, dinner at breakfast kaya di na rin kami nag-abalang gumawa ng sariling food. Antay lang talaga kami na pakainin kami hehe. Buti na lang din marami ako baong snacks pampalipas gutom. May nightlife nga din pala sa Calaguas! Nagulat nga ako, merong fire dancers at bar!! Super party vibe, lakas din ng music nila nyan.

image

After ng dinner syempre may naglabas na ng alak! Awaww! Eto naman ang favorite ko pag nasa outing kasama strangers.. Yung social! Grabe, sobrang namis ko yung ganun. Yung nakasalampak lang sa buhanginan tas kwentuhan. Inom. Kain. Pag nahilo gagapang lang sa tent. Chill!

image

Di naman ako malakas uminom. Isang bote lang ng beer lasing na ko e. Tas pina-shot pa ko ng empi lights. Jeskelerd! Ayun. Maya maya lang borlogs na ko!

Kamusta ang gabi sa calaguas? MAULAN!! Maulan daw pala talaga don. Shucks! Super napraning ako kasi hindi naman yung tent ko ang dala ko (na alam kong ulan proof — tried and tested!) nagrent lang kami. And walang ground sheet. Waaa!! Nagising ako 3AM at pinagpa-plastic ko ung mga gamit namin. Ready na ko maligo sa binabahang tent habang natutulog haha! Pero buti naman at di kami pinasok ng tubig. Yung iba naming kapit-tent binaha wahehe.

Kinaumagahan pupunta pa sana kami sa Hills. Kaso nga 6AM dapat yun e maulan nga. Di hindi na kami tumuloy.

Goooood morning, Calaguas!!!

image

Pagkatapos mag-kape at kumain ng baon naming tinapay, naligo na lang kami ulit sa beach at naglakad sa kahabaan ng mahabang buhangin. Dun ko natuklasan na marami palang resort dun waaaa! Ang sososyal pa nga nung iba. Tas mejo mas konti ang tao sa beach. Dun naman sa mas malayo pa mas crowded, ung budget accommodation daw yun. Bale nasa mid-class daw kame. Hmm.

image

Nagkulitan lang kami sa beach at nung makaramdam ng gutom e bumalik na sa campsite. May breakfast na!! Kaso hindi rice.

10AM break camp at sumakay na kami ulit sa bangka papunta sa Sitio.. Ano nga ba un. Basta yun. Andun ung mga bata! Parang halos 1hour din byahe dun.

Nakakatuwa.. Inaabangan nila kami. Kahapon daw nag antay din sila kaso di kami dumating.. Organized din naman ung pamimigay ng school supplies.

image

Ang saya saya! Kung kahapon kami nagpunta ng tanghali magtuturo pa sana kami sa mga bata at makikipaglaro. Kaso nga nagahol na sa oras pati ngayon. Pagkatapos mamigay ng school supplies at snacks umalis na din kami.

Hrrgh. Eto na ulit ung halos 4hrs na boat ride!

image

Ang haggard ko na haha. Di pa kami nagbanlaw nyan, maliligo daw kasi ulit ki at magsu-surf sa Bagasbas Beach! Wow!

Kaso past 4PM na kami nakarating dun at di pa kami nagla-lunch!!! Syempre food agad ang hinanap namin. Marami namang carinderia tas may banlawan pa. Tinamad na ko maligo sa beach. Nagbanlaw na lang ako habang nag-aantay ng inorder naming food. Wala rin namang nag-surf samin, kulang na sa oras e parang bitin lang. Nag-swim-swim lang sina Aja at Lizzie.

image

By 6PM paalis na kami ng Bagasbas! Eto naman na ulit ung 8-9 hours na road trip!!! Grabee. Mga 2:30 ata un nung nakarating kami ng Maynila haha!

UULITIN KO BA TO?

Yung Calaguas? YES!!! Pero magdadala na ko ng sariling gamit at DIY naman siguro kasama superfriends para ma-experience din nila hehe.

O kaya CARAMOAN naman! Sabi nila parang ganun din ung tubig sa Caramoan eh. Kaso walang tent-tent dun. Wow, mas sosyal?! Gusto ko sana ung ganun ulit.. Camping sa beach! Ang saya kaya.

Thank you, IMBAK Monkeyneers!!! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s