binge watching · Kwentong Pusa

It all started with a Big Bang!

image

Nalulungkot ako~ natapos ko na season 9 ng The Big Bang Theory huhu. Ang tagal ko pa magaantay ulit para sa season 10! Sa september pa daw eh MAY pa lang -_-

Ang daming eksena sa TBBT na may #canrelate factor sa akin. Nakalimutan ko na nga ung iba pero ang daming beses na gusto kong magsulat tungkol dun pero naiisip ko lagi saka na lang pag natapos ko na lahat. E ang haba pala non waha! Ngayon tuloy ung pinaka-latest na lang ang naaalala ko.

Yung STORAGE ni Sheldon!! Grabe.. Parang ako talaga. Lahat nakatago! Pati test papers nung high school (like 15 years ago!!) Hindi ba weird enough yun? E kung sabihin ko pati test papers ng classmates ko nakatago?! Hindi lang for one subject. Nakuu. Ako kasi ang taga-check ng papel dati. Tas ako na rin nagre-record sa record book ni teacher. After nun papamigay ko na sa classmates ko. Pag absent sakin muna hanggang sa makalimutan na. Nyahayy.

Sobrang dami kong “basura” sa kwarto ko. Yung iba nga ni hindi ko na maalala kung bat naitabi ko pa. Lalo na yung mga mejo matagal na simula nung huli kong masilayan.

Kaya naman super protective din ako sa kwarto ko. Laging nakalock! Mortal sin pag pumasok o sumilip man lang sa kwarto ko. Bawal!! Bukod pa sa kadahilanang nakakahiya dahil sobrang makalat sa loob.. Basta ayoko talaga. Feeling ko nga marami din akong sikreto hehe.

Ngayon todo google lang ako tungkol sa TBBT members. Naaaliw naman ako. Parang ganto din ako nung natapos ko yung How I Met Your Mother. Tinry ko naman sya panuorin ulit para di ko na mamis kaso di ko naman feel. Napanuod ko na eh! Di ako mahilig mag ulit ng napanuod ko na. Dapat pag lang mejo limot ko na sya.

Di ko rin alam sino favorite ko sa TBBT. Gusto ko sila lahat eh. Uhm. Siguro si sheldon. Tas si raj and leonard hihi.

Ang cute talaga nilang lahat. Sana maganda ending.. At sana may season 10 na. Now na!!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s