Mismei Travels

PINATUBO via San Marcelino, Zambales!

Ang hirap umakyat ng di prepared! Grabe naman kasi.. Malay ko bang ganun yung trail dun. Kala ko talaga walk in the park lang gaya ng sabi nila!
Magdi-DIY sana kami for this trip. Kasi mejo nadala na kami sa mga tour agency na yan lalo na yung mga public tour. Naku.. Nakakadismaya! Pero tatlo lang kami at mejo mahal mag-rent ng 4×4 kaya minabuti na lang namin kumontak ng tour agency. Ako naman lagi ang taga-plano. So ang napili ko.. TRIPINAS! Ni-rekomenda din ng frenny ko saka mejo mura. Nakakatuwa nga e P1,980 lang kami per head kasi may early bird promo. Mga 3 days before the trip nadagdagan kami ng isa pa. Same rate din binigay ulit. Ayos!
Madaling kausap yung TRIPINAS. Down lang kami ng 1.5k per head at fill out ng registration form tapos nagpadala na sila ng IT at voucher. The night before ng trip, nag-dinner pa kami sa Cubao Expo. Ang saya saya! Sobrang cool dun. Babalik pa kami dun kaya saka na lang ako magkukwento. Patikim na lang hehe. Dito kami kumain:
image
Ang cute diba. Tapos nag-last minute shopping kami sa SM Cubao at bumalik sa hotel. Ngapala, 5PM out namin sa office at 2AM ang call time. Hassle kung uuwi pa sa bahay kaya naisip namin mag-check in na lang. Mejo nag-scout naman kami kaso eto lang ung pasok sa hanap namin. Gusto kasi namin mura lang syempre. Tapos hourly rate para di lugi. At may parking! Bagsak namin? SOGO HOTEL!! So clean, so good! Nyahaha! Nakakatawa yung experience namin dun pero sa ibang post ko na lang ikukwento bilang Pinatubo entry ko ito.
Marami pa kaming distractions kaya 11PM na kami nagpumilit matulog. 11:30 alarm! Ligo. Tapos 1AM papunta na kaming Ortigas. The day before ng trip nga pala tinext na din ako ni Mr. Tee ng TRIPINAS para i-remind ako about the trip. Tinext ko din sya nung gabi. Tinanong ko kung may mabibilhan ba ng food sa Tarlac. Ang reply nya? Wala daw mabibilhan ng food sa Zambales. Zambales? Hmm. Naisip ko baka nagkamali sya. Baka ibang tour ung tinutukoy nya. O baka mali ako. Baka nga hindi Tarlac. O baka iisa lang yung zambales at tarlac? Mahina talaga ko sa mga lugar kaya deadma na lang.
SATURDAY, 2 AM! Na-meet ko din finally si Mr. Tee! Natutuwa ako kasi mukhang organized yung tour. Konting orientation tapos may binigay syang papel.. Reminders lang ulit tapos andun ung plate number ng sasakyan naming van pati 4×4. Eksakto 2:20AM gaya ng sabi sa orientation, nakasakay na kami sa van at bumiyahe na papuntang Pinatubo base camp!
Mga 6:30AM nasa base camp na kami sa Zambales. Zambales? Zambales nga! Waaa!! Orientation ulit, mga nasa 30-40 siguro kami lahat. May libreng kape at suman πŸ™‚
image
Maya maya lang pinasakay na kami sa sasakyang pandigma. Este 4×4. Malaking version! Di ko na alam anong nangyayari.. Iba nasa imagination ko e. Kala ko ung maliit na 4×4 lang, good for 5-6pax. E hinde. Parang pandigma nga! Para kaming mga refugees. Ganern! Parang mga sundalong idedeploy sa giyera hehe. Astig!!
image

 

Super bumpy and super dusty ung ride! Pero masayaaa!! Meron din stop over for photo ops hihi.

image

Sobrang ganda don!!

image

Nagka-aberya pa sa kalagitnaan ng byahe kasi may nasirang part ng trail. Nung madaling araw lang daw. E hindi kaya nung sasakyang pandigma namin.. Ni-rescue na lang kami nung medium sized na 4×4. Grabeee! Ang hardcore nun!!

Hardcore! Ang saya! Haha! After 2 hours na 4×4 ride nakarating din kami sa jump off.
Start na ng trek! Madali lang daw ung first 30 minutes, try daw namin bilisan para ma-compensate yung ibabagal namin sa mahihirap na part ng trail. Nasa isip ko pa din yung “walk in the park” daw na sabi ng mga nakapag-pinatubo na. Kaya deadma ulit!
Maya maya meron ng assault. Waaa!!! Ano nangyayari? Asan ako? Anong climb ba to?! Pinatubo pa ba to? Naisip ko baka naman saglit lang ung assault. E kaso maya maya ganun ulit! Tapos walang katapusang assault waaa!! Ano nangyayari? Gusto ko na maiyak haha! Kaya ko naman kaso di ako prepared.. Ni wala ko dalang hydrite. Gatorade ko maliit lang. Wala din ung omega pain killer ko. Shucks! Baka bumigay tuhod ko! Tapos ang yabang ko pa, punong puno yung bag ko. Lahat ng food na di kasya sa bag nila siniksik ko sa bag ko! “walk in the park” lang naman daw eh!
Litong lito ako~ naliwanagan lang ako nung tinanong ko si kuya manong guide. Di ko kasi maimagine kung pano nakapunta dun yung crew ng Crazy Beautiful You.
AKO: “koya, eto po ba yung pinuntahan nina daniel padilla? Kasama po kayo nun?”
Sabi nya hindi daw. Kasi sa iba daw yun. Sa CAPAS daw un! Waaa! Totoo ung trail sa Capas, Tarlac!! E bat kami nasa Zambales?! Bakeeeet?! Paki-explain Mr. Tee please! Kalurkey!!
Yung dinadaanan naming zambales trail, mga 30-75 katao lang daw dumadaan dun. Yung sa capas naman umaabot daw ng 300! Ayun daw kasi ung madaling trail. E bat nga kami nasa zambales?! Capas nga ung iniimagine kong walk in the park! Waaa!
After isa’t kalahating oras na nakakapanginig ng binting trek, nakarating din kami sa botolan! Dito namin nakita yung mga galing ng Capas, Tarlac! Kelangan magpa-register. Iba yung listahan ng mga galing sa Tarlac at Zambales. Grabe. Super proud ako nung nagpapa-rehistro. “Galing akong Zambales! Zambales trail po kami!!” *ehem* ayun lang meron kami eh. Pride. Haha!
Resume trek! Dito na yung maraming “river crossing” waha. Di ko na kinayang ingatan ung shoes ko. Binasa ko na din! Sarap ng tubig!!! After 30 minutes nakarating naman kami sa rest station. Sabi dito saglit na lang nasa crater na kami!
Ubos na lakas namin. Pagpalagay nating pang-senior citizen na kami. Ayos pa din.. 20minutes? Mabilis na lang yun! E ang kaso lumampas pa ata kami ng 20minutes haha! Anyway, nakarating naman kami sa crater!
Ang saya saya!! Nagpahinga lang saglit at naglunch. Tapos nakita namin si Mr. Tee! Nakakatuwa may pinakita syang picture ng Pinatubo before and after eruption tapos may mga trivia pa at facts about pinatubo. Educational tour pala itey! Saglit lang namin un. Nagpicture na din kami sa crater.
pinatubo
Beautiful Disaster!
Mejo parang lumot green yung kulay nya ngayon. Hindi kagaya nung blue green na nasa mga picture sa internet pero okay lang. Ang ganda pa din at nakaka-amaze! Parang dati sa libro ko lang sya nakikita. Pag pinag-aaralan sa school yung mga yamang lupa and everything! Tapos ngayon, heto! Nasa harap ko na sya. Tapos meron akong picture nya na kuha mismo sa phone ko. Amazing diba! Tapos grabe ung pinagdaanan namin.. Sino mag-aakalang may ganung lake sa taas?! Wow lang. Pero kung gusto mo nga daw makita ung blue green na version nya e mga bandang January-March daw maganda pumunta.
Mahigpit sa time si Mr. Tee. Dapat daw by 12 pababa na kami kasi aabutan daw kami ng ulan. Mejo bitin pero kelangan na namin umalis. Hayy.. Iniisip ko nga pala kung pano kami makakabalik. Grabeee! Zambales trail?! Sobrang struggle ung pabalik namin. Bumigay nga shoes ko e! Pagdating sa aeta village nagpalit na ko ng tsinelas. Pero sobrang hirap talaga bumaba ng bundok ng naka-tsinelas. Ang hiraaap! Tapos kung hirap na hirap ako at drained e kamusta naman ung mga kasama kong first time mag-hike?! Haha! Awang awa talaga ko sa mga un. Pero ang gagaling din e.. Kinaya naman nila! Amazing!!
After 2 hours nakarating din kami sa jump off. Sakay na kami ulit ng 4×4! Mejo inantay pa namin yung iba naming “ka-service” kaya mejo na-delay. Mga bago mag-5 nasa base camp na kami ulit. Nagbanlaw. Nag-attempt kumain kaso mahigpit nga sa oras ang TriPinas. 5:30pm daw kelangan na umalis ng van! Nakailang subo lang tuloy kami sa noodles. Binigyan din kami ng certificate ni Mr.Tee grabeee parang gusto ko sya ipa-laminate haha!
Mga 9 ata un nasa Manila na din kami. Hmm. Ayos!
POST-CLIMB CHORVA.
Di ako maka-get over sa Zambales Trail kaya todo google ako pagkauwi. Ay grabe.. Waley! Puro Capas at Delta 5 ang nakikita ko. Ano un?! Imbento lang ba ung zambales trail?!?
Ang weird nga.. Nasa zambales ung Pinatubo pero Tarlac at Pampanga ung sikat na jump-off. Bat nga ganun? Anyway, may nakita akong article ng dyaryo! Feeling ko eto na ung sagot sa katanungan ko! April 2016 lang ung article, sabi dun may php700 Botolan Fee na daw ung mga magpi-Pinatubo na galing Capas, Tarlac! Waa! Ayun pala ung naririnig ko na nirereklamo nung nakasabay naming galing sa Capas. Kaya siguro di rin kami dinala ni Mr. Tee dun. Pero ang weird. Alam na pala nya e bat di nya sinabi agad. Di ko maalala talaga so tiningnan ko ung email ko. Never pala sila nagbanggit ng Zambales o Tarlac! Ako lang ung nag-assume na Tarlac kami porke ayun lang ung alam.ko.
Tinanong ko rin ung frenny ko na nagpa-book sa TriPinas Β for Pinatubo Tour.
Hrrrgh. Sa susunod ugaliing magbasa ng IT!
Uulitin ko ba to?
Ung pinatubo? OO! May tita akong nagpapasama e hehe. Saka si alyssa.. Naku lagot ako dun! Sobrang gusto nya din pumunta sa Pinatubo. Pero pramis, sa Capas kami dadaan! Tapos dapat January – March hehe. Gusto ko din sana kung overnight.. Baka sa ibang pagkakataon na lang. O kaya magsa-Spa na lang ako hihi. Lahat un nasa ini-imagine kong Capas!!
E yung tripinas? Yes! SuperΒ  okay sila. Naappreciate ko ung maluwag kami sa van. Tapos ung pagka strict nila sa oras. At ung educational kiyeme. Pati ung mabilis sila magreply sa email. At super organized nga ung tour. Galing! Thank you TRIPINAS!! πŸ™‚
Advertisements

6 thoughts on “PINATUBO via San Marcelino, Zambales!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s