Kwentong Pusa

Grad School Attempt

Kinakabahan akoooo!!

Nakapag-entrance exams na nga pala ako sa PUP. Yung para sa MPA!

Friday yun, 8AM. May pasok sa opisina pero buti na lang di naman mahirap magpaalam samin pag ganun. Dalawa kami. Sabi lang namin mage-exam kami at makakabalik din naman sa office bago mananghali.

Kamusta yung exams?

WALEY!!! ANG HIRAAAAP!!! As in. Walang eksahurasyon. Factor din siguro yung halos 10 years na kong graduate sa college pero kahit na! Mahirap pa din! Mas bata sakin ung kasama ko at dati pang teacher un. Hirap din sya.. Pati ung sister in law nya na kasabay din namin mag-exam. Matalino un pero nahirapan din.

Natakot ako sa Math pero mas madali pala yun.. Mas may chance ka pumasa sa Math e. Buti un nako-compute.. Minsan pag di mo alam ung formula pwede naman manual. O kaya minsan gamitan lang ng konting analysis.. O sya. Maraming analysis! Basta ganun.

Yung ratio alam ko may formula un e pero nachambahan ko. Mga tipong 3x:5k and 2y:8k, ano daw ung ratio? Di ko na sure basta parang ganyan. Tas APR. May given na principal, terms at rate. Di ko rin alam formula nanghula na lang ako nyaha! Nakakainis lang din ung may equation tipong 2x + 3y = 2ab tapos gawan daw ng graph. Hala?!

Pero ayun nga. Kahit pano maga-attempt ka magsagot sa Math. E yung ENGLISH?! Bwisit na analogy, synonyms at antonyms yan! Di ko alam sang dictionary nila pinagkukuha yung mga words e. Masasagot mo lang ung mga ganung tanong kung na-encounter mo yung word syempre. E mga out of this world! Kakaloka. Ni hindi ko na nga maalala ung mga words. O kahit maalala ko di ko din alam i-spell!

Meron din reading comprehension tungkol sa kelsey chorvanels.

Ang pinaka-nakakabadtrip naman e 1hour lang ung exam!! Ang hirap kaya. Tas tigsa-sampu lang yung sa English na synonyms, antonyms, analogy, sentence completion etc. Pati Math. Mas gusto ko siguro kung maraming items tapos mas mahaba ung oras. Kumbaga e more chances of winning haha! Parang kagaya nung sa civil service. Or nung entrance exams sa PNPA.

Tapos kala namin tapos na. May Part 2 pa pala, Essay writing naman! Wala naman time pressure at minimum number of words. Kaso nakaka-pressure pa din na ung mga kasama ko sa classroom e unti unting nalalagas at nagsa submit. Tas ako nagsusulat pa din. Edi nagmadali din ako. Hrggh. Simple lang naman yung tanong.. Bat daw gusto mo mag-grad school, bakit PUP. Anong alam mo sa papasukin mo at pano mo sya tatapusin. Parang ganun.

Grabe.. Ang hirap talaga feeling ko bagsak ako huhu. Konti lang talaga ung mga sagot na sure akong tama ako. Lahat puro hula na!

Sa June 15 nga pala malalaman ung result. Nako. Bahala na si batman!

image

Advertisements

4 thoughts on “Grad School Attempt

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s