feeling artsy · Kwentong Pusa

Artist kuno

Mahilig ako sa mga artsy stuff kahit di ako ma-art na tao. Wala kong talent.. As in wala. Pero ayun nga, nakaka-appreciate lang tapos sobrang namamangha ako sa mga taong artsy.

May mga sinalihan din akong group sa Facebook na samahan ng mga taong artsy. Lurker lang din naman ako. Siyempre wala naman akong maise-share haha! Pero isang beses, may nagpost dun na binebenta ung oil color nya, Php450 daw tas meet up sa cubao kasi mali daw ung nabili nya. Ewan ko anong naisipan ko pero sabi ko ako na lang ang bibili. Ni hindi ako marunong magpinta at wala kong ibang gamit. Basta sabi ko nga bibilhin ko na. Edi nagkita kami sa cubao.. Lunchbreak ko lang un. Tas babae naman so okay lang. Tuwang tuwa ako, meron na kong oil color. Kung ano man un! Ni hindi ko alam kung pano sya gamitin haha!

Mga ilang araw pa makalipas un, nakumpleto ko na mga parapernalya ko pang-pinta. Nakabili ako ng brush, palette at poster paper! Tapos ayun lang. Wala nang nangyari! December yun.

Makalipas ang six months.. Eto na! Naisip ko lang mag-paint nyahaha!!

image
Nax, kala mo marunong talaga e!

Maulan kasi. Linggo. Walang magawa. Wala ko bagong movie o series na kinaaadikan. Basta.

Tapos wala naman ako maisip. Edi nagtingin tingin na lang ako sa phone ko hanggang sa nakakita ng scenery na mukhang madaling gayahin.

image

Nyahaha!! Ayon. Natawa na lang ako sa sarili ko! Ah basta. Walang pangit sa art 😂😂😂

Advertisements

4 thoughts on “Artist kuno

  1. hihihih ok lang yan….may kanya kanya naman tayong paraan ng pag express ng art sa ating katawan….and uy natuwa ako dun sa tao sa painting…and kopya naman nya yung vibe nung picture hihihihihi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s