emote · Kwentong Pusa

Now you don’t

Nagsisine ka ba kasi gusto mo yung palabas?
O nagsisine ka dahil gusto mo yung kasama mo?
Or wala lang. Sadyang bored ka lang talaga sa buhay mo?

Ako.. gusto ko lang ng bonding moment. Pag naisama mo ko sa sinehan ibig sabihin gusto kita kasama. Papanuorin ko ba yung She’s Dating The Gangster sa sinehan? Gagastos ba ko ng Php200 sa ticket at Php100 for food para maisine yung Para sa Hopeless Romantic? Di ako nanunuod ng TV di ko na kilala ung mga bagong artista ngayon. Β Papanuorin ko ba yung Breaking Dawn kahit di ko napanuod ung tatlo pang naunang twilight movies at di ko pa din nabasa yung books? O yung Tracers kahit wala akong kaide-ideya kung tungkol saan ung movie na un? Pagtyatyagaan ko ba ung tig-Php26 na movie sa SM?

Ganun lang. Hindi naman kasi laging may nag-aaya sakin mag-sine. At minsan kahit may gusto akong panuorin hindi rin naman ako ung laging may pwedeng ayain. Hindi rin naman lahat ng tao gusto mong makasama sa sinehan. Ang awkward kaya. Pwede namang i-download na lang.

Hindi rin naman ako yung tipo na gusto e laging nasa uso. Gusto laging una sa lahat. Wala akong pakialam kung ngayon ko pa lang pinapanuod ung sikat na movie 10 years ago. Wala rin akong pakialam kung lahat ng tao pinag-uusapan ung XMEN ngayon tas ako walang kaalam alam kung anong meron dun. Ni hindi ko alam kung pang-ilan na ba yun. Pero kung may mag-aaya sakin syempre papanuorin ko.

Parang kagaya nung may nag-aya sakin manuod ng Now You See Me 2. Syempre natuwa ako kaso sana daw napanuod ko na din muna ung naunang Now You See Me. Edi pinanuod ko sa bahay pagkauwi ko bilang may kopya naman ako nun matagal na. Tapos kinabukasan sabi ko napanuod ko na at nagandahan nga ako. Tas sabi naman nya napanuod na daw nya ung 2 kasi ang tagal ko daw. uhm. okay.

Hindi pala lahat ng tao kagaya ko.

Pero syempre okay lang. Bale.. ganun na nga.

O sya, sana may Now You See Me 2 na sa Torrent haha!

Advertisements

5 thoughts on “Now you don’t

    1. May na-download na ko now you see me 2! hehe. saka na ung Finding Dory, baka may mag-aya pa sakin hihi. di ko pa nga din pala napanuod ung Finding Nemo. ang loser ko hayy

        1. nako di ko pinanuod malabo pa pala. malamang may makikita pa kong mga “ulo” dun at may mga umuubo ubo pa hehe. antay ako ulit malinaw na kopya!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s