Kwentong Pusa

Luho. Traffic. Wala.

Ayoko talagang pumupunta ng South lalo na’t galing pa ko sa Bulacan. Sa ngayon eh may apat na oras na ko sa byahe, partida nag-MRT pa ko nun from Kamuning to Ayala.

Sobrang ayoko talaga pero eto, nasa bus nga ako papuntang Paranaque. Sasamahan ko yung pinsan kong mamili ng furniture and everything. Kama daw at refrigerator tapos magpapakabit ng wifi. Lumipat kasi sya ng bahay. Syangapala, etong pinsan kong ito eh 17 taong gulang lang at nag-aaral. Pangalawang taon na nya dito sa Pilipinas bilang estudyante. Sa Bangladesh kasi sya lumaki kasama ang mga magulang nya na andun naman ang trabaho.

Minsan parang gusto ko na lang matawa pag may nababanggit sya tungkol sa pagiging “independent” daw niya. Independent?! 17 years old may yaya? Di lang kasama ang magulang sa bahay, independent na?! Kakaloka.

Parang gusto ko din maawa sa mga magulang nya kasi sobrang luho nya. Gusto pa laging naka-aircon? Ang gustong kama eh yung tig-35k?! Ay jeskelerd. Siguro nasa mahigit 30k ang budget nya monthly sa rent pa lang, kuryente at food. Wala pa dun ung sahod ng yaya nya, pang-shopping at tuition.

Nung 17 ako nakakapag-lamyerda na ko mag-isa at di ako humihingi ng pera pang-Jollibee o pambili ng damit. Depende lang kung magkano natipid ko sa Php100 na baon ko everyday. Humingi lang ako ng pera nun sa lola ko 3.5k pambili ng second hand na cellphone.

Parehas naman kaming unica hija at super love din ako ng lola ko pero di ko alam bat ganun sya ka-spoiled. Ganun ba talaga pag may magulang?!

Daig pa nya yung mga katrabaho kong malalaki ang sahod na nagrerent din. Wala silang aircon at wifi sa bahay, ni walang ref at washing machine. Yung mga may washing machine sosyal na sa paningin namin.

Bat ganun?! Parang nung nag-aaral din ako at kumakain sa foodcourt. Napansin ko yung mga empleyado sa ibang lamesa may packed lunch. Tapos ako na estudyante at walang sariling pera eh bumibili ng pagkain. Simula nun tinry ko magbaon na lang kahit minsan e paulit-ulit ang pagkain. Tapos yung natitipid kong pera nauubos kakatambay ko sa computer shop haha. Adik ako nun sa online games. Sori na.

Sabagay nga, kanya-kanyang luho lang naman yan. Kelan ba ko yayaman?! At kelan kaya aandar tong bus na sinasakyan ko!?

image

P.S. Grabe ang init sa Maynila. Mainit din sa Bulacan pero iba yung init sa Maynila. Anyare?!

Advertisements

One thought on “Luho. Traffic. Wala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s