Kwentong Pusa

Kwentong Call Girl

Sanay ako magbyahe ng gabi. Sinong di masasanay, eh bago ako maging ordinaryong government employee, halos 5 years muna akong callgirl sa Shaw Boulevard.. Graveyard shift! Ang totoo nyan mas gusto ko talaga yung ganung shift, lalo na kung iko-consider ko yung everyday na traffic sa EDSA.

Pinakamaaga kong pasok nun 7PM. Kulit nga eh, umaalis ako ng bahay quarter to 5 — maliwanag pa! Pagbaba ko ng bus sa Shaw madilim na. Tapos uwian 4am — madilim pa! Tulog lang ako sa bus tapos pagdating ko ng bahay maliwanag na. Para kong laging galing sa magkabilang mundo.

Pinaka-late naman yung 1am o kaya 2AM pag Daylight Saving Time sa America. Gusto ko din naman yun, sobrang bilis ng byahe! Pero pagbaba ng bus sobrang bilis ko din maglakad! Katakot e wala ng tao sa paligid. Tapos ang maganda din dun konti lang talaga yung oras ng “trabaho” kumbaga kalahating araw lang ako busy kasi ung other half e gabi na sa US. Tulog na mga kano, wala na masyadong tawag! Edi tulog din ako sa trabaho. Tapos may pangit na part ulit, yung oras ng uwi ko tanghaling tapat. Ayy juskopo! Naaaaapaka init! Ang sakit sa mata. Galing ka sa trabaho, walang tulog tapos sasalubong sayo paglabas ng opisina si haring araw?! Pagdating mo sa bahay kelangan mo na matulog kasi pagod ka na at may trabaho pa ulit kinagabihan kaso tanghaling tapat nga. Grabe ang init! Isabay pa yung kapitbahay mong nagpapakumpuni ng bahay. Tapos lullaby mo yung campaign jingles ng mga tumatakbo sa eleksiyon. Huwaw!

Gising na gising ang buong neighborhood habang ikaw e nagpupumilit matulog. Pero katagalan, deadma! Mamamaster mo din ang art ng pagtulog sa iba’t ibang pagkakataon. Deadma na sa ingay ng mundo at init ng panahon. Ika nga eh, masandal tulog!

Pero naenjoy ko talaga yung trabaho ko nun sa call center. Masaya kasi dun.. Kahit puro kayo haggard. Ewan ko. Basta masaya. Tatagal ba ko ng 5 years kung di masaya? Yung iba nga sa kanila andun pa din. Or lumipat man ng company, call center pa din. May mga kakilala akong 10 years na or halos 10 years na sa industry at walang plano mag-resign o magpalit ng career. Hindi dahil sa wala silang ibang choice. Gusto lang talaga nila dun.

Hindi naman kasi biro ang call center. Di ko alam bat minamaliit sya ng ibang tao.

Una, mahirap makapasok dun. Oo, mabilis ang proseso. Totoo ung 1 day hiring! Pero yun e kung papasa ka sa lahat ng tests. Mahirap kaya yung mga test! Ang dami pang interview, nosebleed talaga. Minsan kahit yung mga may experience na bumabagsak pa. Lalo na sa mga financial account? Malaki offer dun pero nako, goodluck!

Pangalawa, hindi totoong mga undergrad “lang” ang nasa call center. O yung mga college grad nga pero wala naman mapasukang trabaho. O yung hindi masyadong matalino para sa kursong tinapos nila kaya nag-call center na lang. Sobrang daming matatalino sa call center! Undergrad o lisensyado. Halos lahat ng nakatrabaho ko above average ang IQ! Hindi lang sa english magaling.. Basta sa lahat. Analysis and everything. Sa call center lang ako nakakita ng ganun kadaming matatalinong tao. Yung husay kasi ng tao minsan, hindi naman sa diploma makikita.

Pangatlo, hindi totoo yung basta marunong ka mag-english pwede ka na sa call center. Depende siguro sa account. Pero kadalasan.. Waley! Purgahan ng utak. Lalo ngayon, yung mga dati kong ka-team na-promote na. Merong coach, merong mga TL, may naging manager, may napunta sa workforce. Samu’t saring report na ginagawa nila ngayon. Ibang level na sila. At hindi yun dahil lang sa marunong sila mag-english.

Yung sa US account ko nun hindi maarte sa accent. Basta conversational naman english mo at maayos ang grammar okay na. Pero yung sa Australian account ko.. Ang hirap! O baka nahirapan ako sa transition. Mas mabait kausap yung mga Australian kaso pag hindi aussie accent yung kausap hirap naman silang umintindi. Ako pa talaga yung nainis na hirap sila umintindi! Nagkabuhol-buhol ang dila ko nun kaka-practice ng weird na aussie accent. Pero ako lang naman yung ganun, kasi yung iba kong opismate dun ang gagaling nila makipag-usap sa mga Aussie peeps. No worries!

Pang-apat, hindi lahat ng nasa call center pa-sosyal! Ang totoo nyan dun ako nakakita ng naaapakaraming totoong tao. Grupo ng mga totoong tao, ganun. Mahirap explain eh.

Siguro mukha lang sosyal kasi madalas nasa starbucks o naririnig mong nagi-english habang nagkukwentuhan minsan. Pero talaga, kung trabaho mo eh makipag-usap in english tapos literal na maghapon kang nakikipag-usap sa mga dayuhan dahil super queueing, madadala mo talaga sya hanggang labas.

Saka sa training pa lang, tinuturo dun na mag-isip in english. Para yung lalabas daw sa bibig mo english na din. Practice. Maraming practice.

Pati sa office bawal magtagalog. Kasi pano kung may kausap sa phone yung katabi mo tapos nakikipagchismisan ka sa isa mo pang katabi, tas maririnig ka sa background “hala, break na si john lloyd at angelica? Kelan pa teh?! Anyare??” edi yari. EOP talaga dun. English Only Policy. Sabi nga sa poster dun, If you can’t speak it, Zip it! Tapos may picture ng bibig na may zipper. Kaya nung mga unang buwan ko sa call center tahimik lang ako talaga hehe.

Panglima, hindi lahat ng nasa call center pakawala! Maraming liberated at open-minded, oo. Pero hindi ibig sabihin e pakawala na. Grabe naman, agad agad?! May STD na?! Kaladkarin agad? Pang-one night stand agad? Grabe sila! May mga kaopisina nga akong NBSB e. Ni wala pang mga first kiss juskopo. Pero pag nakausap mo hindi pabebe. Hindi pa-virgin. Nakiki-green jokes mga lola nyo. Ganun lang mga tao dun.

Pang-anim, hindi lahat ng taga-call center waldas sa pera. Mukha lang siguro silang nagwawaldas kasi karamihan sa kanila may mamahaling cellphone at kung anu-anong gadget. Tapos todo post ng pictures nila sa Boracay, Puerto Galera o kung saan mang sosyal na lugar at restaurant. Pero pramis, bago sila gumastos sa mga yun pinag-isipan nila ng husto at kinuwenta ng todo todo ang budget.

Malaki naman ang sahod sa call center, karapatan nila bumili ng gusto nila at gumastos para sa sarili kung minsan. At habang nagbibitiw ng libo-libong pera para sa kung ano man, naiisip nila yung pinagpaguran nila para dun. Luha, dugo, pawis at ilang layer ng eyebags yun.

Sobrang deserve din nila ang bakasyon. Yung picture nila sa Bora? Minsan nga ayun lang ang travel pic nila sa buong taon! Haha. Seryoso. Mahirap mag-file ng leave sa call center. At nakakasama ng loob magbitiw ng pera kasi sobrang pinaghirapan mo.

Matagal na kong graduate sa call center pero pag may naririnig ako or nababasa na minamaliit yung industry, affected pa din ako. Galing ako dun eh.. Alam ko yung feeling.

Okay na rin ako ngayon sa trabaho ko pero kung mabibigyan ng chance, halimbawa may part time? Babalik talaga ko sa call center! Namis ko yung environment.. Yung mga tao. Lahat.

Eh bat ako nag-resign kung sobrang gusto ko dun? Wala. Di ko na kinaya, queueing eh! Bwisit na yan. Tas sobrang nabadtrip ako kasi hindi na ko nakakapag-file ng leave. Kasi bagsak scorecard ko ganyan. Lahat dun de-numero. Basta bitter ako! Grabe work ethics nila. Siguro hindi lang talaga ako para dun dahil tamad ako.

Kaya grabe talaga ang paghanga ko sa mga callboys at callgirls. Mabuhay kayo! Kampai!!!

image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s