Kwentong Pusa · Movie trip

Finding my 2003 self.

image

Ay nag-download ng Finding Nemo dahil may pelikula na si Dory at ni hindi ko sya kilala. As usual, huli na naman ako sa balita.

Minsan talaga iniisip ko, ano bang ginagawa ko sa buhay ko at di ako lagi updated?! Kahit yung Kung Fu Panda pinanuod ko lang yung 1 and 2 nung lumabas yung 3 eh. Feeling ko ang loser loser ko.

Nasan nga ba ko nung 2003? Hmm.

1. Unang taon ko nun sa Fat U bilang ComSci student — Irreg! Kaya marahil wala pa ako masyadong superfriends. Wala kong maaya sa sinehan.

2. Di ko rin maalala anong hobbies ko nun o kinaaadikan. Wala ko makitang notes online dahil 2004 ako nag-start mag-blog.

3. Eto rin yung mga panahong inaway ako ni RV tooters kaya wala ako makitang email correspondence namin na may subject na “SUPERCONFI!” at nagkukwento ako ng kung anu-ano tungkol sa buhay ko. Pati schedule ko sa school at room number nasa mga liham ko kay rv toots.

4. Walang nag-aaya sakin makipag-date.

5. May boyfriend nga pala ako nun. Pero hindi kami normal na magjowa saka ilegal kame kaya hindi kami masyadong lumalabas. Allergic kami sa mga pampublikong lugar kagaya ng mall. Bihira lang din kami magkita.

6. Naalala ko na. Sobrang emo ako nung mga panahong to. Palagi siguro ako nagkukulong sa kwarto at kinakausap ang sarili.

Makalipas ang isa o dalawang taon, siguro pinapalabas na sya sa TV. Tipong mga “Sunday’s Best” o kung ano man. Baka nga may tinagalog dub pa. Hindi ko na maalala.

7. 2004 sobrang emo ko naadik ako sa pagba-blog at paggawa ng website. Pag nasa bahay nakatutok lang ako sa computer. Hindi ko pa rin sya nati-tyempuhan sa “Sunday’s Best”.

8. 2005 naadik ako sa Priston Tale. Ilang taon din akong tambay ng computer shop. Di ako mahilig mag-TV. Wala kong pakialam sa ibang bagay.

9. 2008 naka-graduate ako sa kolehiyo at nagsimulang magtrabaho sa call center. Hindi ko na nasilayan ang anumang palabas sa telebisyon mula non.

10. 2013 naging ordinaryong kawani ako ng gobyerno. may oras na ko para sa telebisyon pero wala na kong interes dito palibhasa malabo na ang paningin. sa computer lang ako nanunuod kaso siyempre puro mga bagong palabas na lang lagi ang trending.

Ayon. Pinagtatawanan nila ko kasi hindi ko pa napanuod yung Finding Nemo. Pero napanuod ko na nga sya nitong weekend.. Naaliw naman ako. Ang cute cute cute nung mga pawikan!!! At nung mga isda sa aquarium. Tapos ang cute ni dory, excited na ko sa movie nya!

Sabi nga pala nila nakakaiyak daw yun. Uhm. Di naman ako naiyak.

image
Mas nakakaiyak siguro kung ganto

Inaya ko din si gracie manuod ng Me Before You kasi sabi ko gusto ko maiyak. E di naman kami natuloy. Tss. Download ko na lang haha.

Kelan nga ba ko huling umiyak dahil sa movie? Di ko na maalala. Pero gusto ko nga maiyak ulit.

Tapos kunwari cool ako at may maaapektuhan pa sa spoiler ko.

image
NAKATAKAS SILA SA AQUARIUM!!!!
Advertisements

3 thoughts on “Finding my 2003 self.

  1. Wala pa akong napapanood sa Kung Fu Panda. Yung Finding Nemo di ko na matandaan pero feel ko naman napanood ko siya.😂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s