Edi Meow · Kwentong Pusa

Catmom Problems

Habang pinapakain ko mga alaga ko kagabi, napansin ko si Chaps hindi nakikihalubilo.. Andun lang sya sa ilalim ng upuan. Edi nilapitan ko. Nagulat ako naglalaway sya at ang dungis pati paws nya basa. Nilagay ko sya sa cage, sugod kami sa vet! Grabe ang kaba ko.. Pano kung virus. Or nalason. Pano kung biglang madeds?! Juskopo kawawang baby chaps ko.

Buti nga at 24 hours na pala yung vet clinic na yun malapit sa SM SJDM. Gabi na pero madami pa ring pasyente. Tinimbang si chaps at kinunan ng dugo. May bacterial infection daw at super dehydrated. Tinanong ako kung gusto ko sya ipa-confine para mai-dextrose. Eh.. Naawa naman ako. Wala syang gana kumain at di ko din sya matutukan dahil may pasok pa ko kinabukasan. Pina-confine ko na nga lang.. Ay, jeskelerd! Php800 ang isang araw.

Daig ko pa may anak. Tapos naalala ko may dextrose powder nga pala ako sa bahay. Hrrgh. Di bale. Atlis dun nababantayan sya.

Sana may HMO din for pets!!! Seryoso, laki ng nagagastos ko pag nagkakasakit mga alaga ko. Hayy. CBC nila Php350 parang tao lang din, hala?!

Syangapala, pogi din yung vet dun. Kaso may suot na singsing. Tapos maya maya lumabas yung isa pang vet, “PA” ang tawag sa kanya. Pagtingin ko sa calling card ng clinic.. Toink. Magjowang vet pala. Parehas ng apelyido! Haha. Grabe ang cool nila.

Naisip ko dati gusto ko maging beterinaryo kaso na-realize ko takot ako sa dugo at di ko kayang i-handle yung mga hayop na may sakit o sugatan. Kaya naisip ko, siguro magjojowa na lang ako ng beterinaryo. Waha!

Susunduin ko sya mamayang 8pm, sana okay na baby chaps ko. Wala na tayo pang-extend plessss?!

Advertisements

One thought on “Catmom Problems

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s