buhay estudyante · Kwentong Pusa

First Day High

First meeting namin sa open university nung sunday.

Una kong problema e di ako marunong magbyahe papuntang school! Pano kase, nung enrollment e kasama ko lang lagi opismate ko, may dala syang sasakyan tapos nagpapaalam lang kami sa office na may nilalakad sa school. Iba na syempre pag galing ako samin sa Bulacan at magko-commute.

 
Ano pa nga ba, edi pagbaba ko ng bus sa Kamias nag-taxi na ko! Hanggang EDSA lang talaga ang alam ko. Tapos naalala ko nakakatakot nga pala mag-taxi dahil sunod sunod ang balita ngayon na may nare-rape! Mas lalo pa ko natakot kasi yung malapit sa school puro motmot na. Amp. Pano kung mawalan ako ng malay habang nasa cab tas dalhin ako ni koya sa motmot waaaa!!! Pero buti at nakarating naman ako sa school ng matiwasay.

 
8AM ang simula ng klase pero 8:30 na wala pang prof. Maya maya dumating na sya.. Ang kulit nya grabe!! Super funny, dami baong jokes! Wala naman din kaming ginawa.. Pakilala lang konte. Tas groupings para sa reporting for the succeeding meetings.

 
Yung second subject naman super boring. Di ko maintindihan yung prof e sobrang hina ng boses at nakakaantok. Parang may sinasabi ata sya tungkol kina demosthenes at socrates. Tapos sa kapatid nyang may sakit at sa caregiver na binigyan nya ng phone at kasalukuyang di nya makontak. Naichika nya rin yung tungkol sa love story ng mga magulang ni solenn heusaff. At yung closeness nila ni Senator Pimentel. Yung iba nyang chika di ko na maalala. Parang nagdesisyon ako bigla na pag-isipan na lang yung next baon ko e.

 

wp-image-1065760406jpg.jpg

Sa mga oras na yun wala pa ko matinong kain. 30 minutes lang kasi ang break kada subjects na tig-3 hours tapos nag-extend pa si sir na latecomer, kamusta naman diba! Kaya kada labas ng room nung prof namin sa second subject e nilalabas ko din yung lunchbox ko at sumisimple ng subo. Di ko kaya walang rice!!!
Okay din naman yung prof namin sa third subject. Tawanan lang kami at super chill.

Ganun lang pala sa grad school, di naman sila masyadong nagtuturo. Kwento kwento lang tapos ung mga sunod na klase puro reporting na.

Grabeeee… Ubos na oras ko kaka-research. Tas gagawa pa ng presentation at magpo-provide ng handouts para sa buong klase. Di ko na alam anong uunahin. May report agad ako sa tatlong subject. Hrrgh.
Problema ko naman ulit yung pauwi! Buti kasama namin yung sister in law ng opismate ko, sabay kami nag-LRT! Grabeee ang saya saya sa LRT! First time ko ata mag-LRT e haha!

 

wp-image-938140747jpg.jpg
Walang pasahero! Amazing!!!

Naaliw ako talaga, mas maluwag sya sa MRT at mas malamig at mas malinis tapos automated pa ang pagkuha ng beep card. Bongga! Bumaba ako sa Gateway at nakarating sa EDSA woohoo!!

Gutom pa din ako kaya naisipan ko mag-jollibee. Take out lang sana ko ng burger kaso nainggit ako sa cheesy spaghetti nung umorder sa unahan ko. Nakigaya din ako ng order waha!

wp-image-1822411434jpg.jpg
Jollibee Spaghettiest! Sana forever na din ung Yum burger with adobo flakes haha!

8PM na ko nakauwi. Ang saya saya! Di pa rin ako makapaniwalang nag-school na ko ulit. Hayy. Pano kaya mangyari sa report ko haha! Fighting!!!

wp-image-1218527017jpg.jpg

Advertisements

One thought on “First Day High

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s