Kwentong Pusa · Mismei Travels

Happy Anniv, my love!

Anniversary pala nung first ever Boracay trip ko hihi. nung bago kasi ako mag-Bora nun.. sabi ko ayoko dun. wala lang.. feeling ko mahal. o baka bilang taong bundok siguro ayoko nung mga mainstream or pasosyal na beach. ung tipong mga commercialized na lugar at matao. ang trip ko kasi nun mga camping lang sa bundok or mga unspoiled na beach. mga tipong nagsasa cove o kaya Burot beach.. pang-survivor ang peg! walang kuryente tas magluluto ng sariling food. ganern! ganun lang talaga trip ko dati. E kaso gusto ko nga ipasyal si Alyssa dahil pauwi syang Philippines nun at sakto naman may seat sale sa Cebu Pac! Edi naisip ko nga mag-Boracay.

At nung na-experience ko yung Boracay.. huwaw! nainlove na ko!! grabeee! soooobrang ganda nya! iba nga talaga ang Boracay. Bale simula nun.. sa loob ng one year naka-tatlong balik ako sa Boracay haha! Pero lagi ako may masasayang sidetrip para mas sulit!

Pero di ako mayaman ha.. syempre asa lang sa seat sale. kwento ko na lang.

BORA TRIP 1 – AUGUST 2015

Sidetrip – Aklan Animal Rescue and Rehabilitation Center (Kalibo)
Accommodation – Php4000 (4D3N)
Foodtrip – Dinner buffet/ Boracay Toilet
Activities – Paraw Sailing/ Paddle Board

BORA TRIP 2 – NOVEMBER 2015

Via 2GO!!! Ang saya 🙂
Activities – Parasailing/ Flyfish
Accommodation – Php8000 (3D2N)
Foodtrip – chips/pizza/barbecue/alak

BORA TRIP 3 – JULY 2016

Foodtrip – tipid tipid! kung ano ano lang hehe
Accommodation – backpacker’s inn! super mura pero super lapit sa beach :p
Activities – Island hopping/ Paraw Sailing/ Paddle Board/ Banana boat/ Helmet Diving
Side trip – Kawa hot tub sa Tibiao, Antique!

Super proud ako sa recent trip ko sa Bora hehe. wala pang 5k nagastos ko dun kasama na lahat! tapos ung sa Antique mga 2k. isusulat ko nga sana ung tungkol dun kaso wala pa ung vid ko kay Pinky hayy..

Ung second punta ko naman ung pinakamagastos. grabe naman kasi, ang gusto pa talaga eh sa Station 1, beach front! pero kung ako lang.. hindi talaga sulit. ang hirap pa nga, kasi ang layo ng nilalakad namin papunta at pabalik ng Station 2. syempre.. andun happenings, andun kami lagi. pero eto naman ung pinakachillax kong stay. beach beach lang tas night life hehe. sabagay, tambay lang kami sa hotel ng tanghali hanggang bumaba si haring araw. Ang haggard naman jan e nung na-cancel ung 2go ferry namin papuntang Caticlan. nag-RoRo kame! as in!! 1 hour super cat, 3hr van, tas 5hr RoRo. basta ganun. naisulat ko un dati kaso ewan ko san ko na-save waha! ung pabalik naman okay na.. maghapon lang nasa 2Go Ferry 🙂

Yung first punta ko sakto lang din mga tig 4-5k siguro pero puro gastos lang sa food, grabe takaw ni Alyssa e haha! ang gusto pa lagi e sa restaurant. ni hindi rin ako nakaligo nun sa beach kasi binabantayan ko lang sila. tapos nung second day namin nag-tricycle kami papuntang Puka Beach, dun kami maghapon! parang mas okay kasi walang mga resto or kung ano-anong establisyimento. di sila makakapagturo ng mga bilihin. tinawaran ko lang ung lunch namin with drinks, sabi ko presyong pinoy lang hehe.

Ayun. Inlove pa rin ako sa Bora. Hangga’t may seat sale feeling ko babalik-balikan ko talaga sya. Kaso next year na ulit, wala na kong leave e waha!

mismei
Boracay Sunset, August 2015
Advertisements

4 thoughts on “Happy Anniv, my love!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s