Kwentong Pusa · Mismei Hacks

Tagsolo

meralco

Super amazed ako sa kuryente bill ko.. laki ng ibinaba hehe! Napaisip tuloy ako anong ginagawa ko sa buhay ko, bakit nga mababa ang konsumo ko ng kuryente? hmm..

1. Wala si lolit (nanay ko). 1 month na nyang sinasamahan si Alyssa sa Las Pinas kasi wala pa nakukuhang yaya.

2. Appliances at gadgets ko sa bahay?

Refrigerator – na sa pagkakatanda ko eh pinatay ko din ng mga halos 1 week kasi wala namang laman.

Bentilador – na tuwing gabi ko lang binubuksan.. magdamag.

Rice cooker – na bihira ko din pagsaingan kasi di naman ako nagluluto pag ako lang ang nasa bahay. May libreng pagkain din naman ako sa opisina at nakakapag-uwi pa ako kung minsan.

TV – na di ko binubuksan kasi di ako mahilig mag-TV.

Notebook – na gamit ko lang pag nanunuod ng movies at pang-soundtrip.

3. Wala akong washing machine, aircon o microwave oven.

Yung ilaw sa kusina at sa garahe binubuksan ko lang din sa gabi. minsan nakapatay pa pag nakakalimutan ko. hmm. ayun lang.

Tapos may mga gala gala din pala ako. gaya last week.. 4 days walang tao sa bahay, nasa boracay ako hihi. Tapos may school ako tatlong sundays ng July… kawawa naman pala yung bahay namin.

Pero ang baba nga ng kuryente ko. Parang ayoko na tuloy pauwiin si lolit sa bahay haha! laking tipid ko pala pag wala sya. ni hindi nga rin ako masyadong nag-grocery nun.. puro dog food, cat food at gamit panglinis ng bahay lang ang pinagbibili ko.

Ayun lang pala ung mahirap pag wala si lolit.. walang tagalinis ng bahay!! tas ang dami ko pang alaga huhu.. grabe ang bantot ng bahay pag isang araw ka hindi naglinis. parang gusto ko na nga din sila idispatcha bigla. parang biglang hindi na sila cute sa paningin ko haha!

Bale ganun lang pala ang sikreto para bumaba ang konsumo ng kuryente.. palayasin mo lahat ng tao sa bahay nyo! tapos masanay ka mag-isa. forever alone ang peg!

Advertisements

4 thoughts on “Tagsolo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s