emote · Kwentong Pusa

Unsent

“Travel and tell no one, live a true love story and tell no one, live happily and tell no one, people ruin beautiful things.” -Khalil Gibran

Napa-post ako sa facebook ng status sabi ko “parang gusto ko na mag break down. and eat. a lot.” tapos nag-message si rvtoots. ayos lang daw ba ako. mejo pa-joke pa ung status ko pero natutuwa ako kasi kinamusta ako ni rvtoots. parang sya lang ung naka-sense na seryoso ako. kadalasan kasi pag nagpo-post ako ng ganun puro lang ako patawa kahit nage-emote na.

di ko rin sya nireplayan. parang di ko rin kasi alam anong sasabihin.. saka parang gusto ko lang din huminga muna. feeling ko kaya ko naman e. kelangan ko lang mapag-isa saglit, ganern. saka magiging tatay na sya.. hangga’t maaari ayoko na sya istorbohin tungkol sa mga walang kwenta kong life and love problems na masyadong confidential at komplikado para i-blog. dati kasi lagi akong nagmemessage sa kanya. syempre bespren ko un since highschool. sa kanya lang naman siguro ako komportable ng ganto. saka may mga bagay na hindi mo masabi sa mga girl friends mo. o sa jowa mo. o sa magulang mo at kapamilya. pang-guy bespren lang talaga.

kaya ang totoo nga.. may message talaga ako sa kanya haha! mga last week pero di ko sinend. kasi nga ayoko sya istorbohin. pero gusto ko lang ikwento sa kanya yung nangyari. kasi masaya ako at gusto kong malaman nya na okay na ako.

e kaso ngayon magulo na naman. hrrrgh.

tapos nalulungkot ako kasi nahihiya ako kay rvtoots. di ko na dapat sya iniistorbo sa mga gantong bagay pero… hayy.

ang ending sinend ko din sa kanya ung “unsent message” ko. tapos tinadtad ko na ulit sya ng mga tanong na alam mo naman ang sagot pero ayaw mo lang tanggapin. kaya gusto mong marinig pa mula sa iba. tapos okay na ko. sort of. yey.

ang weird lang kase hindi ko naman problema yung sarili ko. feeling ko kayang kaya ko naman ihandle ung sarili ko. nakakaloka lang ung ibang tao na parang marunong pa sayo at gusto idirek ung buhay mo pati feelings mo e di naman sila direktor.

Advertisements

9 thoughts on “Unsent

  1. If there’s anything I’ve learned, it is that we shouldn’t underestimate our capacity to reach out to people, and to care. Mahirap talaga minsan mag-reach out for fear of being judged. But when we are at our most vulnerable, that’s when we become more honest, and then it will be easier for us to come into terms with what’s dealt to us.

    Add mo na lang ako sa Facebook para cool. 🙂

        1. totoo! saka iba ung “wisdom” nila hehe. pag sa mga girl friends parang madalas nakikirant lang sayo (walangya talaga yang lalaking yan!! blah blah) which is okay din naman.. pero pag sa guy friend merong payo or mga explanation na mula sa ibang anggulo. parang ganun 😀

        2. Totoo. Kakampi based sa gusto mong iparating. Hahaha. Mas straightforward sila actually. Mas honest, kaya mas gusto ko kasama lalake. Hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s