Kwentong Pusa

4-year puchu puchu plan

At dahil feeling ko ang gulo gulo ng buhay ko at sa edad na 31 e wala pa ring direksiyon.. naisip kong mag-plot ng 4-year plan. ung para kunwari ba e meron akong goal haha!

2017 – FEELING SEXY!

bale 32 na ko nito. di ko masyadong pinagkakalat to pero di pa ko nakaka-experience ng chorva. so balak ko sana pagtuntong ko sa edad na 32 e maka-experience ako ng chorva! di ko naman naiimagine na magkaka-boyfriend ako in 10 months at kung magkakaron nga.. ang weird naman nun. bago pa lang kami tas may chorva na agad. ayoko rin naman sa kakilala ko. or sa taong may gusto saken. o sa ex ko. basta ayoko lang.. parang awkward yata. so ang gusto ko sana, yung sa hindi ko kakilala! tapos di ko na sya makikita forever. bale gusto ko lang chumorva waha.

2018 – OH, BABY, BABY!

At dahil may experience na ko sa chorva, siguro naman keri ko na din gumawa ng baby! tapos graduate na ko neto sa MPA. may time na ko para sa mga buntis moments! bat nauna ung chorva na walang intensiyon gumawa ng baby? uhm.. wala lang. gusto ko kasi tapusin muna ung MPA bago gumawa ng baby. tapos feeling ko masyado nang matagal un para mag-antay ako ng chorva. basta. di ko din sure kung may jowa na ako neto. pero basta nga gusto ko lang gumawa ng baby kasi tumatanda na ako, mahirap na! although hindi naman ako interesado masyado magka-baby. parang pag wala okay lang din naman. pero kung gusto ko ng baby.. siguro papabuntis ako sa foreigner nyahaha! e bat mas nauna ung baby kesa jowa? eh~ ung bahay bata ko kasi maeexpire na daw.

saka may na-research nga rin pala ako tungkol sa In Vitro at egg freezing. kung kunwari gusto ko magka-baby pero di pa ko ready.. pwede ko daw ipa-freeze yung egg ko tas sa future pag may partner na ako e saka na sya gagawing baby! pwede pala yun. hmm. kaso mahal!

Natatakot ako magbuntis parang di ko kaya. pero sayang naman kasi ang awesome genes ko!!
2019 – FITNESS GALORE!

nakapanganak na ko neto at kelangan ko magpaganda at magpasexy ulit. malay mo sa edad 34 e may mabighani pa sa akin.

2020 – WEDDING!

Papakasalan ko na si kyo.. yung ex ko wahaha! sinabi ko nga rin pala sa kanya tong plano ko na to pero filtered version. sabi ko lang…

“Pag 32 na ko makikipagchorva na ko. tapos 33 gagawa na ko ng baby. 35 papakasal na tayo”

Tas sabi nya “HUH?! matapos mo magpachorva sa iba papakasalan kita? ayos ka ah” dun ko nalaman na ayaw nya ko pakasalan kung magpapachorva nga ako sa iba.

e ayoko na may kumokontra saken so sabi ko na lang “e sinabi ko bang sa iba? malay mo ikaw. malay mo lang.” haha!

feeling ko kasi gusto nya pa din ako sa mga panahong un kahit marami nang nangyari sa buhay ko. yun nga pala e kung wala pa din akong jowa at di pa naiinlab. parang ginawa ko siguro syang last resort lol. pero di rin naman ako masyadong interesado makapangasawa. kung wala edi wala.

bale.. wala rin palang kwenta itong 4-year plan ko. kasi ang totoo ayos naman ako sa buhay ko na walang direksiyon. saka di ko pa talaga naiisip yung baby or kasal. nakaka-pressure lang talaga yung mga tao. napi-pressure sila sa edad ko na ewan ko kung bakit e ang sarap sarap ng buhay ko. may PLAN B nga rin pala ako. gusto ko kasi mag-migrate. halimbawa sa New Zealand or Canada or Australia o kung saan mang lupalop ng mundo. wala lang.

Uhm. magulo pa rin utak ko. nagta-type lang ako na parang zombie.

Advertisements

13 thoughts on “4-year puchu puchu plan

  1. Ayus ah! Magkaedad pala tayo. Pero nagawa ko na kasi yung chorva, baby at kasal in one yr, 10 yrs ago. Landi eh. Hihi. Sabi nila di ko na raw magagawa mga gusto kong gawin kasi may mga anak at asawa na. Bah, sino ba me hawak ng buhay ko? Pwes, enjoy pa rin ako. Bawal malosyang. Hehe. =)

        1. yeah!! pokemon pa talaga hahaha! sabagay ako din. pag binabasa ko mga luma kong blog parang mejo iba na. hmm. oo nga pag may free time, babasahan mo pa ko tarot hihi :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s