Kwentong Pusa · Movie trip

Que Horror!

May nagpapa-download nga pala ulit saken ng movie. “Train to Busan” daw at “Don’t Breathe”. Mejo horror yun at suspense so napag-usapan na rin namin yung tungkol sa mga nakakatakot na pelikula. Uhm.. Matatakutin ako kaya ayoko sa mga ganung pelikula, ayoko yung mga nakakatakot at nakakagulat. pero ang weird kasi gusto ko yung kwento hehe!

Kaya nung nagkukwentuhan kame…

Frenny: Alam mo yung “Shutter”? Grabe yon!!

Ako: OO, si natre! tapos hinanting nya ung mga nang-rape sa kanya tapos nakakatakot ayaw nya tantanan ung jowa-jowaan nya nakasampa lang pala sya sa balikat. ang creepy!!! pero di ko napanuod yun.

Frenny: HUH? Pano mo alam na creepy e di mo pala napanuod!

Ako: Nabasa ko lang sa wikipedia! tapos napanuod ko ung ending scene sa youtube konti lang.

HAHA. Ganun lang ako manuod ng horror. paunti-unti lang na eksena tas naka-mute tapos pag alam kong may nakakagulat na eksena, pipikit na ko! tapos pag may kasama ako tatanungin ko na sya kung anong nangyari nyahaha! Ayoko kasi makita ung mga nakakatakot na eksena.. parang madadala ko sya hanggang sa pagtulog ko e mag-isa pa naman ako sa bahay. tapos tatagal pa sya sa utak ko ng mga ilang weeks. sobrang napapraning ako na  tipong kelangan e kasama ko lagi yung pusa ko kahit sa banyo pag maliligo! Dati ilang weeks din akong takot sa sarili kong buhok dahil sa napanuod ko.. yung pinatay ung asawa nya tas sinemento sa pader tapos ung buhok ni patay na asawa gumagapang sa mga socket ng kuryente.. nyahayy!!

Nakakapanuod lang din ako ng horror pag may kasama. Yung tipong napilitan pa.. kagaya nung dati nag-pajama party kame. tapos biglang movie marathon daw e horror ang trip nila. pambihira. may magagawa ba ko, edi nakinuod na din ako. pinanuod namin nun Woman in Black, Mama, Let me in at Man on a Ledge na di naman horror.

Pero gusto ko nga yung mga kwento ng mga movies na nakakatakot. Ayoko lang sila panuorin masyado kasi di ko kaya hehe. Gusto ko din yung kwento ng mga psychotic at serial killers. Gusto ko yung pag sa kalagitnaan ng movie ire-reveal na nila yung backstory ni killer, kung bat sya pumapatay or kung ano man. Kadalasan e yung part na yun lang ang pinapanuod ko tapos ending na agad.

Ayoko lang yung mga zombie movies. o kaya mga cannibal.. eww! tipong Wrong Turn o kaya Saw.. or ung Hostel. napanuod ko ung iba pero ayoko nga. pero gusto ko pa din ung story, ginu-google ko lang!

Buti pa ung mga kaluluwang nagmumulto o mga serial killer mejo pinapanuod ko pa – nang nakapikit at naka-mute! waha. kagaya nung wishing stairs.. gusto ko yon! ang ganda ni park han byul eh. tapos ang creepy nung malditang estudyanteng pinatay tas ginawang parang scuplture.

stairs_screen1
Wishing Stairs

Marami pa ko gustong horror movies.. na hindi ko napanuod lol! wini-wikipedia ko lang kasi interesting yung kwento. lalo na ung mga korean or japanese na horror.

Pag may kasama ako siguro papanuorin ko din yung Don’t Breathe.. Parang maganda e, ung tatlong magkakaibigan nilooban ung bahay ng bulag kasi kelangan nila ng pera. tapos ang twist eh si kuyang bulag.. hardcore na serial killer pala! kaya ayon. “Don’t breathe!” kasi kahit bulag sya ang lakas naman ng iba nyang super sense! intense!!!

Saka gusto ko nga rin pala si Sadako. kamukha ko daw e haha!

12140143_10153599035221900_1278628600118905916_o

P.S. Maglalagay din sana ako ng screenshots mula sa mga pelikulang nabanggit kaso pagka-google ko natakot ako kay Natre T.T

Advertisements

11 thoughts on “Que Horror!

  1. LOL, cute mo naman. 🙂

    Sobrang adik ako sa mga horror and psychological thriller. Nu’ng kausuhan ng The Ring, halos napanood ko na ‘yung mga naging popular sa genre. One Missed Call, The Grudge, Shutter, Inner Senses, etc etc. Sarap panoorin. Nitong The Conjuring 2, dalawang beses ko siya pinanood sa sine. Ang saya!

    Sige sa susunod na maisipan mong gusto mong manood ng horror for its story, samahan kita. 😉

  2. parehas tayo…ayoko manood ng nakakatakot…though yung train to busan…zombie naman yun diba?….ok sakin yung mga zombie movies wag lang moomoo movies hahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s