Kwentong Pusa

Ekstra

Di ko na din talaga alam anong nangyayari saken at kung anu-ano pinaggagagawa ko sa buhay ko. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala.. nakasali ako sa taping ng isang TV Show. T-A-P-I-N-G! TV SHOW!!! Huwaaaaat!??

Una, matagal na kong hindi nagti-TV. Ni hindi ko na alam yung mga palabas na yan sa TV. Kung ano lang nakikita kong nagte-trend sa Facebook ayun lang ung alam ko pero di ako nanunuod.

Pangalawa, pang-teenagers ung show plessss!!! E ang tanda ko na. sobrang awkward! sobrang hindi ako!!! Nakakahiya talaga.

Pangatlo, ang layo nung location at yung sobrang ayaw ko pang puntahan!

Pang-apat, bawal sa trabaho. Yari talaga ako pag nabuking na nagpunta ako dun T_T

Panglima, di ko pinangarap umekstra sa anumang palabas!

E bat nga ba ako napunta dun kase?!

Di ako mahilig sa TV at kung anik-anik sa showbiz pero merong isang celebrity na soooobrang crush na crush ko! ayoko gamitin ung term na “IDOL” pero pwede na rin siguro kasi nga idol ko naman sya talaga. pero mas lamang ung crush! haha. Yung mga nakakakilala saken alam na alam na kung sino tong tinutukoy ko. Sobrang gusto ko sya na tipong nung may concert e pumunta ako talaga at ung pinakamahal na ticket pa ang kinuha ko. tapos pag may guestings sya sa TV pinapanuod ko kahit replay na. Nung minsang may show ung isang artist na ka-close nya pumunta din ako para lang sa chance na makita ko din sya. Naramdaman ko talagang darating sya!! Sobrang ganda nya~

Kaya nung may nag-PM saken nung monday mga 5pm at iniinvite ako na pumunta sa taping ni super crush kinabukasan.. GORA ako agad! tatlo dapat kami kaso maya-maya biglang sabi dapat daw naka-dress or skirt at pastel color. huwaw!? debut ba itey?! nagtaka naman ako bat kelangan pa may dress code e mago-audience lang naman kami sa Taping. Ini-imagine ko parang GGV or showtime, ganern! yung ibang kakilala kong fangirls nakakapunta sa ganun e. pero deadma na since naka-OO na ko. buti may dress akong kulay cream. binaon ko lang kasi ayoko naman magbyahe nang naka-dress! tapos sobrang rush e mali ang basa ko sa sapatos. akala ko with HIGH HEELS amp. NO HIGH HEELS pala! e naka-sneakers ako sa byahe tas baon ko yung high-heeled shoes ko. Sobrang hindi talaga ako ready, ni hindi ako nakapagpa-ahit ng kilay at may buhok pa ko sa kilikili! Yung paa ko juskopo, maglulupa ang peg! haayyy. bahala na si batman!

Umalis ako ng bahay 4am. Tapos biglang atras na pala ung dalawa ko pang kasama! Yung isa, di maka-absent sa work, yung isa naman wala daw dress or blouse man lang na pastel. puro dark daw ang damit nya. hrrrgh. Push na push pa rin ako kasi nasa bus na ko! Ni hindi ko pa nga alam kung pano pumuntang MUNTINLUPA! pambihira, mas malayo pa pala siya sa Sucat at Las Pinas! kalurkey!!! Naligaw din ako sa Lawton, nag-aksaya ako ng Php150 sa Taxi kasi nagpapahatid ako sa Muntinlupa e di ko naman alam na ganun pala sya kalayo. sabi kasi sa google maps e 45 minutes lang from Lawton to Muntinlupa. okay lang naman kay kuya kaso sayang daw pamasahe ko e pwede naman daw mag-Bus na lang pa-Alabang. edi hinatid nya ko sa sakayan ng Bus. thank you kuya manong cab driver!!!

Todo text naman ako kay ateng fangirl na contact namin sa Taping, di ko sya kilala pero atlis kahit pano may kasama ako pagdating ko dun. nahiya pa nga ako kasi late na ko.. 8:30 ako nakarating ng Muntinlupa e 7am ang calltime! Kung di na ko abot okay lang naman, puntahan ko na lang si Alyssa sa Las Pinas tutal naka-absent na ko sa work. Pero sabi ni atey gora lang daw ako. edi dumiretso pa din ako at pagdating dun buti may palengke.. hanap ako ng doll shoes! e waley! sandals lang na de-sipit mala-tsinelas type ang nakita ko. ayun ang binili ko at nag-tricycle na papuntang venue.

Pagdating sa venue.. Registration! May nakasabay akong girl, tanong ako agad kung fan din ba sya ni ati kaya sya andun.. swerte, OO daw! at mag-isa lang din sya so sabi ko sabay na kami pumasok kasi wala rin akong kasama — may instant buddy na ko, yey!

Pagpasok sa loob nakita ko na ung iba pang fangirls hihi. ung iba sa kanila familiar kasi mga nakikita ko na rin sa iba’t ibang events. saka member din sila dun sa group na pang-fanclub na sinalihan ko sa facebook. ang dami ko na ulit superfriends, anim kami waha! marami palang nag-atrasan dahil sa dress code at dahil weekday nga, puro kami may pasok either sa work or school. pero okay naman.. bukod samin, andami pa ibang girls dun! gulat ako kasi hindi ko talaga alam kung anong klaseng show un… eto na! PINOY BOYBAND SUPERSTAR pala daw!!! alam ko na ring Judge nga dun si Dara pero late ko na nalaman kasi nga nung mga time na inaannounce un e wala akong phone. Sobrang natutuwa ako talaga.. kasi officemate ko lang nagsabi saken na nasa Pinas daw si Dara. nagulat pa ko nun. tas sabi nya may show daw si Dara sa ABS-CBN. ang saya saya ko! tas sabi ko.. “SANA MAKANUOD AKO NG TAPING. MAY KAKILALA BA KAYONG TAGA-ABS?!” sobrang gusto ko sya makita ulit in person. pero nasabi ko lang un. malay ko bang posible pala. tas ini-imagine ko nga parang ASAP, GGV or Showtime. parang ang saya manuod diba.

Dun ko lang din nalaman na judge din sina Aga, Vice at Yeng. tapos host daw si Billy. ako naman.. “HUWAW!! makikita ko rin sila!?” tapos yung ibang fans pala na andun din e mga galing sa fanclubs nila yeng at iba pa. Na-meet ko nga ung leader ng “TheYengsters” at ung mga super solid fans ni Billy. ka-bonding ko rin sila sa taping hehe. grabe yung mga taong un.. di sila ordinaryong fans! si ateng leader ng theyengsters kilala sya ni Yeng. nakikipagsenyasan nga sa kanya e. tapos sabi nya sya lang daw ung friend ni yeng na fan sa private facebook account nya. kita ko talaga mabait si yeng sa kanya huhu inggit! #fangirlgoals aww. gusto ko din si yeng, sumali na ko ngaun sa theyengsters hehe! tapos ung dalawang fans naman ni Billy kilala rin sila ni Billy!! lagi silang binabati tapos kinakausap din sila ng ibang staff at nung road manager ni Billy. taga-showtime ata ung mga staff na un eh. grabe ang solid nila! tapos ung si Miss Jenny na Super Parker na contact namin, may mga kwento din syang close encounters with Dara at nakaka-PM pa daw nya dati sa Pinoy Exchange. since 2004 super fan na sya. aww! “Parkers” ang tawag sa mga fans ni Sandara dati. Yung mas bago naman “Daralings” na hehe, 2NE1 era. Ayun na ung naabutan ko.

Nakaupo lang kami sa reception area. mejo mahigpit pala sa dress code.. Sina Wacky Kiray at Negi paikot ikot samin, todo check ng mga damit at shoes. ayaw ni Negi sa de-sipit kong sandals haha, kung keri ko daw ung high heels edi ayun ang isuot ko kaso maya maya nung pinakita ko ulit sabi nya mahihirapan daw ako, wag daw yun ang suotin ko. di ko gets pano ako mahihirapan e di naman kami rarampa? sabi tatayo lang daw edi okay lang sakin.. pero di nga ko komportable so since pumayag na sya sa tsinelas ko edi mabuti! keri na kahit di masyadong fashionista waha. todo assisst din naman sila sa amin.. merong free food at coffee. pinipilit nila kami kumain ng heavy breakfast! tapos maya maya meron namang umiikot na mga “make-up artists” fina-foundation day kami at blush on! todo kilay pa at lipstick. ANO NANGYAYARI!? ANONG KLASENG SHOW BA YUN!? e makikita daw kasi kami sa TV. HUWAAAT?! gano ba kami ka-exposed at kelangan todo muk up!? di ko pa rin maintindihan pero andun na kami so gora lang. saka baka ganun talaga pag taping. ano bang malay ko diba.


Tapos sa briefing inexplain na nila ung gagawin namin. bibigyan daw kami ng cellphone na pang-vote. YES or NO. kung bet namin si boylet or hinde. aakting daw kami dapat ipakita namin pag kinikilig kami. pag papalakpak dapat daw nakataas ang mga kamay. pag boboto dapat mejo nakataas ang phone. pag ininterview kami dapat daw sasagot. basta mga ganern! sabi nila “TALENTS” daw nila kami. andun daw kami kasi parte kami ng show. hindi daw kami basta audience, kaya daw pinagbihis kami at pinaganda! HUWAAAAT?! Anong talent? ano to? anong nangyayari!? Yung mga kasama kong Daralings wala ring kamalay-malay. wala kaming plano mag-artista at di namin pinangarap makita sa TV! gusto lang namin makita si DARA!!! Si DARA lang pinunta namin!!! nakakaloka pero andun na nga kami. at iniisip namin marami naman ibang girls, siguro naman di kami mapapansin don.

Sabi nila e may audition pala nun para makasali sa Audience. magi-email daw ng picture mo na whole body at 1×1. ung iba naman na-recruit sa muntinlupa. ewan ko.. basta naghanap nga sila ng mga “GIRLS” na magiging part ng show. naisip ko naman ang swerte pala namin kasi kami basta na-invite lang ng ganun. ung iba naman mga “Professional Ekstra” naririnig ko sila mag-usap eh.. may iba’t iba silang raket at tume-teyping kung saan-saang show. ung isa nga nagtanong pa ata kung may bayad ba daw ung pagpunta nila dun tas nadismaya sya kasi waley daw. parang nalungkot pa si atey haha! Ano bang ginagawa ng mga batang un sa buhay at kinakarir ang page-ekstra!? kaya pala nung sa briefing din e ganun na lang ang pagmo-motivate nina Wacky Kiray at Negi sa amin. Parang alam nilang karamihan sa mga andun e Aspiring stars! sabi nina Negi magandang exposure daw ung pagkakasali namin don en everything. kung pangarap ko nga mag-artista parang ang swerte ko nga na kasali ako don. makikita ako sa TV tas makakasama ko sa set ung mga directors at mga managers. may interview portion pa, kung susuwertihin baka ma “discover” ako haha. kaya pala super prepared ung iba, ang gaganda ng porma at todo make-up!

Mga 12NN nag-start na magpapasok… na-stress akooooo!!! BAWAL DAW MAGDALA NG PHONE!!! bawal kahit ano huhu. bawal kasi mag-picture at vid sa loob. DAW. edi sinurrender namin mga gamit namin. tapos may pinirmahan kaming waiver na bawal nga magpost ng picture sa social media whatever. di ko alam kung bawal din mag-blog haha. tapos binigay na rin samin ung mahiwagang phone na pamboto at pumasok na kami sa studio.

Siyempre dun kami pumuwesto malapit sa booth ng mga judge! excited na ko makita si ati!! Mejo malaki pala ung “stage” ang konti naming mga girls haha! todo effort ung mga floor directors na ikalat kami para magmukhang madami ung audience. ganun pala un.. hmm. tapos tinetest ung mga anggulo ng camera etc etc. ang cool nung mga staff members at cameramen!!! maya-maya dumating na sina Billy Crawford, Vice Ganda, Yeng, Dara at Aga Muhlach!! grabee ang ganda ni DARA!! Ang saya-saya ko kasi sobrang lapit ko ulit sa kanya.

Ang cool din ni Billy. Ang bait nya sa amin hehe tapos nakakatawa sya. Pati yung apat na mga hurado. ang galing! Akala ko kasi sa mga artista masusungit sa personal eh. diba may ganun! mabait pag may camera tas pag offcam di na namamansin. pero kahapon sa set… ang Good vibes lang! mabait lahat sila pati ung ibang staff. todo tanong kung kumain na ba kami en everything. walang masungit! pati ung mga floor directors mababait. nakita ko nga rin pala si Mr. M!!! sya pala un hehe sabi na e, nag-google pa ako ngayon. siya nga!! Sina Vice nakikipagkulitan din sa mga fans, si Aga kanta ng kanta naka-mic pa.

Dun ko lang din na-gets yung concept ng show. Nagbubuo sila ng PINOY BOYBAND. may mga boylet na nago-audition at ang unang step e magpapakitang gilas sila sa aming mga girls. boboto naman kami kung YES or NO. pag naka-75% sila pataas makakapasok sila sa booth ng mga hurado at sila ung may chance na mahusgahan! dun naman sila magpapakitang gilas ulit sa pamamagitan ng pag-awit! kelangan naman nila maka-tatlong YES mula sa apat na hurado para makapasok sa next round. SIMPLE.

Naenjoy ko naman yung taping.. ang popogi ng mga boylets! haha. pinaka-bet ko si YUKI SAKAMOTO!

Kaso kinakabahan ako.. pinanuod ko ngayon ung trailer nung PINOY BOYBAND SUPERSTAR sa youtube. kakaloka!!! Sobrang pinapakita nga ung mga girls sa TV!!! WAAAA!!! tapos ganung-ganun ung hitsura namin sa taping. nasa gilid kami ng runway at kinakamayan ung mga contestant habang tumitili ng bonggang bongga!! KAKAHIYA DIBA!? tapos makikita sa TV wahahaha!!!

nagtago naman ako sa camera. ung nasa right side kasi ung laging nakikita edi sa left side kame. may malaking screen sa harap namin, dun mo makikita ung kung sino man ang kinukuhaan ng camera. wala ako dun! pero may camera pala sa harap ko. ung mga kuha ng camera na un hindi pinapakita sa screen kaya akala ko safe ako sa exposure pero sabi nila baka kumuha ng mga clips dun pag nage-edit na. waaaa!! andun sa camerang un ang pagmumukha ko T_T

At dahil nga pala konti lang kaming girls, naghakot sila ng mga estudyante mula sa eskwelahan sa malapit! sooobrang daming estudyante! pero sa likod pa rin namin sila kasi nga kami ung “talent” kuno nila. at kami ung may mga hawak na mahiwagang cellphone pamboto. Mejo nakakadismaya tong part na to kasi yung mga sumunod na batch ng mga girls e nakapagpasok ng mga sarili nilang cellphones! grabe.. nagpipichuran sila don! tapos di naman sila sinasaway. sinasabi lang bawal magpost sa internet! E pano kami!? Gusto lang naman namin pichuran si Dara pero wala kaming phone. tss.

Di rin kami nagutom dun.. apat na beses kami binigyan ng FULL MEALS eh! bawal daw manghina. pero nakakapanghina talaga. Imagine, 9 hours akong nakatayo!!! may mga meal breaks pero ang tagal pa rin nung itinayo namin ha! grabe!

Pero sulit na sulit yung hirap ko.. Kitang kita ko si Dara e. ang cute cute nya!! Nakita ko syang nag-break dance at sumayaw ng FIRE. nag-attempt din sya ng Daniel Padilla accent. YENG PERENG GENETE pero hirap sya di nya kineri waha! kyeopta!

Tapos.. tapos.. ang pinaka nakakakilig sa lahat, nabanggit nya ulit si GD!!!! WAAA!! Yung isang contestant kasi sinabihan nya ng “ANG CUTE MO, PARANG SI G-DRAGON” WAAAA!!! Basta ganun. pag cute, G-dragon agad!? tas ginaya nya ung hand gestures ni GD pag nagra-rap waaaa!!! nabaliw na naman mga applers haha. tapos di pa nakuntento, binanggit din sya ni Vice! WAAAA!! Basta tungkol sa boyfriend ang usapan nun tapos nabanggit nya si GD! grabeeee kilig na kilig kami 😀

Pero ngayon ko lang naisip ung mga nangyari nung pinanuod ko sa youtube ung mga patalastas tungkol sa show. Yung mga babae don — na tumitili, nagwawala, patay na patay sa boylet, tila naiihi sa sobrang kilig at mga haliparot — parte ako ng crowd na un! WAAAAA!!! nakakaloka!!! pero pramis, instructions yun ni direk! At pramis, ang popogi ng mga boylet! nyahahaha!!!

Gusto ko pa nga sanang bumalik.. kaso ayoko na umabsent. saka parang ngayon ko lang nga talaga naisip ung pinaggagagawa ko. haha. di naman ako telegenic. siguro di nila mapipiling ipakita ung pagmumukha ko. di rin naman ako maakting nun. di gaya nung ibang sanay na sanay talaga e, alam nilang kinukuhaan sila tas di sila bothered. kunwari seryoso sa pagboto! pero andami ngang chix don. kagagandang bata!

HAAAAAY! NAKU PO! ano kaya hitsura ko dun pambihira. Ipapalabas daw un after ng The Voice, mga September daw. AIGOOOO DARA!!!! T_T

Sana wag ako makita ng mga kaopisina ko waha nakakaiyak T_T

Anyway, eto yung patalastas:

Advertisements

12 thoughts on “Ekstra

    1. hrrgh buti nga sana kung nakakapag-retouch man lang e pinagbawalan kami magdala ng kahit ano. mga umpisa lang ako fresh after two contestants kumikinang na face ko super shiny na wahahaha

  1. Pa-autograph naman tayo diyan! 😀

    May na-missed akong napakalaking opportunity na something like that. ‘Yun ‘yung nag-invite ‘yung mga hosts ng Kontrabando sa kanilang taping. Napili kami, pero lahat ng mga tropa ako naka-attend, ako lang ‘yung wala kasi first day ko sa bago kong trabaho. Sayang, hindi natupad ‘yung harapan ng BAYAW sa BAYAW – ako at si Jun Sabayton.

    1. manunuod ako ulit this weekend ng live show hehe. follow mo lang ung Parkers Republic na fanpage kung gusto mo din or si miss jen @jenny_rep sa twitter po 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s