Kwentong Pusa

Hospital hopping

Isang linggo na ang lumipas simula nung umabsent ako at wala pa rin akong medical certificate!

Nakaka-stress lang talaga kasi alam kong may kalokohan ako. wala naman ako talagang sakit. hayy. pero kelangan nga daw kaya kahit ayokong ayokong pumupunta sa mga bahay pagamutan.. pumunta ako!!

First stop: Maliit na clinic sa neighborhood

Nurse: Ano po papa-check up nyo?

Ako: Uhm. May lagnat ako last week at ubo pero ngayon parang magaling na. Kelangan ko lang ng med cert kasi absent ako sa work nung tuesday. Pwede ba mag-request dito?

Nurse: Naku hindi po, “fit to work” lang po kasi wala naman na po kayong sakit.

Ako: yung sa “fit to work” ba maiindicate nyo na last week ako nagkasakit?

Nurse: Hindi po. date lang po ngayon kasi ngayon lang po kayo nagpakita sa amin.

Ako: NO DEAL!!!

Sabi ko wag na lang. kasi med cert for last week’s date ang kailangan ko.

Second stop: Hospital sa harap ng Mall

Same convo. pero mukhang wala naman akong choice edi push na sa FIT TO WORK. buti pwede dun yung health card ko, keri lang magpa-laboratory. kaso nung kausap ko na si dok.. DI DAW NYA KO MABIBIGYAN NG FIT TO WORK!!! kasi wala naman daw akong sakit at ngayon lang nya ko nakita. huwaaaat!? ayoko na makipagtalo. di ko na pinilit.

sa madaling salita, nasayang 1 hour ko sa pag-aantay at walang nangyari sa lakad ko.

Kinabukasan, namomroblema pa din ako sa opisina kaya humingi na ko ng payo sa mga superfriends. may nagsabing wag na daw ako mag-file ng sick leave. pag daw na-AWOL ako saka ko na lang explain na wala akong med cert kasi di naman ako nagpa-check up. sino bang nagpapa-check up sa dysmenorrhea? o simpleng ubo’t sipon at lagnat? Biogesic lang naman yun at pahinga sa bahay. ayun nga sana ung gusto kong gawin kaso mahirap daw samin pag namemohan. basta.

So sabi nila kelangan ko nga daw gawan ng paraan yung med cert. ang tanga tanga ko daw kasi nagpapacheck up ako ng walang sakit. dapat daw pala e umaakting akting ako! tapos kunwari 1 week nang masama ang pakiramdam ko, ganern!

Ayun na rin sana yung pinakamadali kaso nga di ako marunong umarte!!!! Sablay yung Kunwarian kong ubo! e naalala ko may UTI daw ako sa APE result ko last month. e di naman ako niresetahan nun kasi mild lang ata sya or something. basta ganon. pero mahilig ako sa maalat at di ako mahilig mag-tubig so feeling ko may something nga sa wiwi ko. edi naisip namin, kunwari UTI na lang! kasi mejo sure ako na may mali sa wiwi ko kahit i-Urinalysis ako. Kaso ung lagnat ko at absent pano!?

Yung isa kong opismate expert na sa mga med cert. tinuruan nya ko ng sasabihin sa doktor! kunwari daw hirap ako magwiwi at masakit ung chorva. tapos masakit ang balakang at pabalik-balik ang lagnat. ayos!

Third Stop: Malaking Hospital sa San Juan

1 hour ulit kaming nag-antay sa opisina ng doktor at nung turn ko na.. sinabi ko na ung mga “hinaing” ko. Maya-maya..

Dok: May asawa ka ba?

Ako: Wala po.

Dok: Boyfriend?

Ako: Wala po.

Dok: O bat ka laging may UTI?

WAAAA!!! echuserong doktor to! pambihira. malay ko bang pang-may jowa pala yung sakit na napili ko! pero andun na ko syempre pinanindigan ko pa rin.

Dok: Lagi ka ba nagpipigil ng ihi?

Ako: Minsan po.

Dok: Ah.. baka dahil dun. (Pero mukhang di sya masyadong kumbinsido!)

Amp. Kelangan ko daw magpa-Urinalysis at CBC bago maisyuhan ng Med cert. Bumalik ako ng opisinang namomroblema pa din. tsss.
Pero nag-file na ko ng sick leave. yung consultation chorva lang inattach ko. sana wag nila mapansing hindi yung med cert. malay mo lang. hrrrgh.

At sana wag nila mabuking na wala talaga akong sakit nung umabsent ako.

At di ko na uulitin yun pramis. Ang malas ko. Nakaka-depress.

Advertisements

One thought on “Hospital hopping

  1. ‘Yun din ‘yung hindi ko ma-gets kung minsan. Kasi ‘di ba, pa’no nga naman kung sobrang taas ng lagnat ko tapos may head-splitting migraine pa, e usually bine-bedrest ko lang ‘yun sa bahay tapos gumagaling na ako. No doc needed. How the devil would I produce a med cert with that.

    Well actually ganyan na ganyan ‘yung sakit ko kahapon kaya absent din ako sa office. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s