Kwentong Pusa · PAG-IBIG

Malay mo. Balang Araw. Siguro.

Ipapalabas na sa sinehan ung BIGBANG MADE! uhm. ayun ung KPOP Concert na pinuntahan ko last year. Sila yung pinaka-favorite ko sa lahat. Mas favorite ko pa kesa kay Sandara Park at 2NE1 hehe.

At dahil excited na ‘ko, nagpa-reserve na ko ng tickets para sa amin ni Joanne, kasi matagal na rin naming inaantay un. Tapos minessage ko sya sa facebook asking her kung may isasama pa syang iba para maipagpa-reserve na rin. kinagabihan nagtext sya.. ano daw ung message ko sa kanya kasi boyfriend daw nya ang nakabasa.

Tas naisip ko.. bat may access yung boyfriend nya sa Facebook account nya? tapos nakikibasa ng message?! at nauna pa magbasa sa kanya? para sa kanya ba ung message? Sya ba si Joanne!? mejo nairita ako haha.

Nakakairita talaga. Siguro kase hindi ako ganun.. ayoko nga na may humahawak sa phone ko eh. ayoko na may pumapasok sa kwarto ko. di naman sa may secrets ako or something. basta ayoko lang. tapos ung facebook account!? kahit kay Kyo dati wala syang access sa social media accounts ko at email. pag minsan “praning” mode sya o nagtitrip lang at nagdedemand na makita ung facebook ko or SMS inbox pinapakita ko naman pero ako ang may hawak ng phone. tapos ung messages nakikita nya lang kung sino ung mga ka-message ko pero di ko pinapabasa sa kanya yung laman. depende siguro kung sino ung ka-chat ko. tapos naiinis ako pag kelangan ko pa explain kung sino un at bat kami magkausap kaya di na rin sya nagtatanong masyado. alam naman nya marami akong superfriends. kung may “kalandian” man ako siguradong wala yun don haha! tapos wala rin akong pakialam sa facebook nya. pero wala rin naman sa kanya kahit makita ko. ewan ko.. ganun lang kami. minsan may nakikita pa akong ka-chat nyang babae pero wala lang din sakin. alam ko namang chat lang e.

Kaya di ko maintindihan ung mga friends kong nagpapa-under sa mga jowa nila. na tipong kelangan nila ipakita ung facebook nila para lang patunayan lagi na wala silang kalokohan o kung anuman. di ko maimagine ung sarili kong ganun sa lalaki haha! tapos kelangan lagi magpaalam kung san pupunta, sinong kasama. duh!? TOXIC! may mga friends pa akong di na makagala kasi di daw sila pinayagan ng jowa. DUH!? tatay mo?

Yung kami ni Kyo.. hinahayaan nya lang ako sa mga gusto ko. pag kumokontra sya o nag-iinarte nagagalit ako. E syempre ayaw nyang magalit ako, mananahimik na lang sya! Pero nagagalit lang talaga sya pag di nya kilala ung kasama ko. Or pag pupunta ko sa mga unfamiliar na lugar. Nag-aalala daw sya baka mapano ako, sinong mag-aalaga sakin, mga ganun. Kilala rin naman nya lahat ng friends ko saka kadalasan naman e sinasama ko sya. pero pag di ko sya sinasama okay lang din sa kanya. hindi pa nangyari ung di ako natuloy sa lakad ko kasi hindi sya kasama or di nya ko pinayagan. laging ganun ung sa iba kong friends eh. package deal lagi pag magjowa. o kaya basta ayaw lang ni jowa. bat ganun? pag may jowa na hindi na pwede ung may sariling lakad? tss.

Ayon. kaya pala wala akong jowa ngayon haha!

Pero siguro meron ding lalaki na gugustuhin ko magpa-under sa kanya. na papahawakin ko ng phone ko. na pakikinggan ko pag sinabi nyang bawal ako umalis. uhm.. malay mo. balang araw. siguro. o baka ako mismo ayoko na lang gumala kasi mas gusto kong kasama sya higit kanino man. yiki! malay mo. balang araw. siguro.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s