Kwentong Pusa

Pinoy Boyband Super Judge!

Last week nga pala nasabi ko na rin sa iilan kong friends sa office yung tungkol sa Pinoy Boyband Superstar. Excited kami lahat hehe, nakatago ako sa camera pero malay mo makita ako bigla sa TV, huwaw! F na F.

Eto namang isa kong frenny, naiinis daw sya sa mga girls dun sa PBS! Kasi yung hindi masyadong pogi super taas ng score. Tas meron namang pogi pero ang baba ng score. nag-explain naman ako haha! Minsan talaga sablay yung botohan.. may mga girls na hindi nakakaboto e, naglalag yung server lol. pero pag havey na havey naman si koya syempre pasok pa din sya kahit di makaboto lahat. minsan lang naman yun. saka may mga pagkakataong depende sa sinundan nila yung judgement naming mga girls. halimbawa itong si Keano..

1473597896_pbs-episode-2-19
Keanno dela Cruz

 

Ang gwapong bata diba.. pero ni-“NO” namin sya. E pano kase… sooooobrang gu-gwapo nung mga boylets bago sya! tandang tanda ko pa, ang iniisip ko nyan, pasok na sa boyband “KO” si Yuki, ung hunk na half-pinoy, half japanese! so technically, naghahanap na lang “AKO” ng mga makakasama nya. feeling ko ganun din ung iniisip ng ibang girls.. kasi nga marami ng poging nauna sa kanya. tipong hunk at papalicious ang peg! so nung nakita naman sya.. “AY, BAGETS!” ganun talaga reaction namin. parang hindi sya bagay dun sa boyband na binubuo “NAMIN” basta ganon. tapos mejo may something something sya sa fez eh ung mga naunang boylet ang kikinis!!! matatangkad.. meron pa ngang bumi-british accent! so kahit pogi si Keanno.. parang kulang pa din. mejo tumaas na ung standard namin nung mga oras na yan haha!

Pero buti na nga lang din at na-save sya ni Sandara Park. Akalain mo, maganda pala ang boses! tapos ang kyut nung aktingan portion nila nina Aga at Vice. ang galing din talaga nila, impromptu yon, walang script-script! kala ko sa mga taping puro “SCRIPTED” e. pero nung andun ako… totoo lahat! pero nakailang takes din naman un.. kasi inaayos ung blocking en everything. pero ganun pa din hehe. basta masaya!

Sinasabi din ng iba kong superfriends.. bat daw sa hitsura kami tumitingin?! aba siyempre, “BOYBAND” nga eh! looks muna at appeal! tapos yung apat na judge na ang bahala kumilatis ng talent! kung talent ang uunahin edi sana dun na lang sila sumali sa tawag ng tanghalan o kung ano mang singing competition.

Tatlong araw yung taping pero first day lang ako nakapunta.. mga 15-20 na boylets din siguro yung na-judge namin. Akala ko nun first two episodes yun ipapalabas.. aba, hindi pala! hati-hati pala.. kaya nung sat-sun di ko kilala yung ibang boylets.. ang na-judge ko lang e ung kuyang “OA” sumayaw.. taas ng energy tapos ang laki ng galaw.. basta. pero pogi naman sana.

 

1473522430_thumbnail-image-url2-pinoy-boyband-superstar-27
Alfonso Avila

Tapos si Allen Cecilio.. feeling ko nadaan nya ung mga girls sa pahalik-halik sa kamay haha! tapos ang pleasant nya tingnan, ang swabe din sumayaw! sya ung kauna-unahang nakakuha ng 98% nyan. ayan din ata ung biglang ang dami na namin sa audience kaya parang super panalo sya sa audience impact. dumating na kasi yung mga estudyante nyan.

1473522430_pinoy-boyband-superstar-22
Allen Cecilio

Kahit di ko sya jinudge, type na type ko si Ford!! parang di sya kagaya nung ibang boylet na todo pa-kyut hihi.

1473522422_pinoy-boyband-superstar-6
Ford Valencia

Ayun lang. Natatawa pa din ako pag naiisip ko yung pinaggagawa ko hehe. Pero okay lang, masaya naman! sana sa susunod makanuod ako ulit ng taping. grabe ang cute cute cute ni Sandara Park!!!! 🙂

GALLERY:
http://boybandph.abs-cbn.com/photo/photos-pinoy-boyband-superstar-judges-auditions-episode-1-10

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s