Kwentong Pusa

PSY!?

Mag-iisang buwan na kong naglalaro ng Pokemon Go.. Level 19 na ko woohoo!! Ewan ko nga bat ako naadik dito e ayoko ng mga online games sa phone. Peer pressure siguro, haha! Lakas maka-teenager.

Nung unang lumabas kasi ang Pokemon Go, syempre naglaro yung mga frennies ko sa office! Nainggit naman ako kasi di ako maka-relate kahit sumasama ako pag “naglalakad” sila. Tapos gulat sila kasi kilala ko yung mga Pokemon at mga evolved versions nila, pati powers and everything. Otaku eh! Fan ako nung anime na pinalabas dati pero sila hinde. So sabi nila dapat daw maglaro nga ako.

Naeenjoy ko naman sya.. Ang saya saya kaya! Lalo na pag magkakasama kaming nagha-hunt ng pokemons.

Nung nakaraang linggo nga nakarating pa kami sa Luneta para manghuli ng Pokemon haha! Grabe, ang saya don~ ang dami daming tao tas lahat sila naglalaro ng Pokemon Go. Para kaming mga zombies! Mga nakatutok sa phone tas palakad-lakad. Minsan makikita namin yung kumpulan ng tao tumatakbo sa isang direksyon.. Di namin alam anong meron pero sunod din kami! Ayun, may Pikachu pala! Ang galing..

Nakakatuwa dun maglaro kase hindi kami mukhang weird. Lahat kami weird eh! Meron din mga nakatambay lang sa tabi ng pokestops na may module. Ang kulit nga, mao-OP ka talaga kung di ka nagpo-Pokemon hehe.

Feeling ko Pokemon na lang din ang motivation namin pag gumagala. Kunwari manunuod ng sine.. Naisip namin sa Eastwood kasi marami din pokemon dun. Ayaw din namin masyado sa mga malls kasi walang GPS. Pag lalabas ng opisina at may nagpapasama sa kung saan ang sisipag namin! Super exciting mag-hatch ng egg!

Nagiging antukin na rin ako ngayon. E pano.. Di na ko natutulog sa byahe! Grabe. Sa byahe lang din kasi ako nakakalaro. Palibhasa walang signal pag nasa bahay. Hrrgh.

Napapagastos na rin ako sa load.. Imbes na libre ang wifi ko sa opisina eh! Kelangan ko na ngayon ng mobile data para sa Pokemon Go. Tss.

Pero favorite ko pa rin si Psyduck. Sya na talaga ung gustung gusto ko kahit dati pa. Niregaluhan nga ako ni RV toots nun ng action figure na Psyduck kaso nawala na hayy. ang cute cute nya 😀

Hanggang kelan kaya ako adik.. Ayoko na ng ganto waha! Sakit sa ulo.

Uhm. Meron nga rin pala akong Omlet Account ^_^

 

Advertisements

One thought on “PSY!?

  1. Buti ka pa naeenjoy mo pa rin sya… ako nagsawa na 😥 hinihintay ko na mag-add sila ng mas maraming features at pokestops at gyms sa rural areas tulad dito samen sa lower antipolo. wala kasi masyado dito, parang bukid yung itsura ng screen ko pag nasa bahay puro green fields huhuhu. kaway kaway Niantic! 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s